NAOMI
Sobrang busy dito sa kumpanya ngayon buti na lang nandito si Mau tinutulungan niya ako. Sasagutin na pala niya si sir Enzo eh hihihi excited na ako sa relasyon nila haha. Bagay din naman talaga silang dalawa eh.
"Break ka muna dun." sabi niya sa akin.
"Kumakain na ako Mau haha." sabay pakita ng lunch ko.
"Loko ka talaga, ibibigay ko lang to kay Enzo balikan kita dito." tumango naman ako. Pagkatapos kong mag print ng 100 pages nilagay ko ito sa folder. Kumatok muna ako bago pumasok sa office ni sir Enzo.
"Sir, ito na po." inabot ko naman sa kanya yung folder.
"Salamat. Oh btw kumain ka muna doon baka mapagalitan ako ni Je kapag hindi kita pinakain, sayang naman tong mukha ko." natawa naman kami ni Mau sa sinabi ni sir.
"Haha sir kumakain na po ako." umiiling si sir Enzo.
"Bumili ka ng pagkain dun, samahan mo na lang Mau tsaka bili ka nalang din ng lunch naten." binigay naman ni sir Enzo yung atm niya.
"Sige po." hinila na ako ni Mau palabas ng office ni sir Enzo. Niligpit ko muna yung kinainan ko kanina, tupperware lang naman yun tsaka kutsara.
"Pinaalam kita kay Enzo sabi ko na magpasama ka sa check up." check up? May check up ba ako ngayon? Hala. "Para samahan mo ako sa bahay ni Enzo para magayos OT naman daw siya eh." napakamot ako ng ulo.
"Magtatanong yun kay Jerome, Mau." sabi ko sa kanya.
"Hindi ah, si Jerome pa nga nag suggest eh hahaha." siraulo. Para naman successful tong surprise niya kay sir Enzo.
"Anong oras ba? Tapusin muna naten yung work bago tayo umalis." tambak kasi kami ng gawain eh.
"Natapos ko na kanina hihihi." napatingin naman ako sa kanya. "Oo nga natapos ko na lahat kanina pero mag print pa tayo ng 200 pages." jusko hindi kaya masisira yung printing machine. Nakarating na din kami dito sa SB walking distance lang din naman. Pinaupo na lang ako ni Mau kasi ang haba ng pila.
"Ah miss may kasama ka?" tumango ako. Uupo ba ako dito kung wala. Tsk.
"Sungit ng mukha mo." nandito na pala si Mau. "Anyare?" tanong niya sa akin.
"May lalakeng lumapit kanina nag tanong kung may kasama ba daw ako, sympre meron uupo ba ako dito kung wala." tinawanan niya ako.
"Init ng ulo ni buntis." inirapan ko siya. "Ito naman sige ka papangit yang bata." tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw din baka mukha nung lalake kanina..."
"Hoy excuse me pangit yun." natatawa naman siya. "Ayan na yung inorder mo." papalit sa amin yung crew ng SB may dalang apat na paper bags.
MAUREEN
Kakarating lang namin ni Nam dito sa kumpanya. Siya muna pinakain ko kasi buntis. Si Enzo naman busy kakaperma.
"Kain ka muna oh." sabi ko kay Enzo at nilapag yung coffee at sandwich sa gilid niya.
"Later na babe, sabayan mo si Naomi dun." tumango ako.
"Sige po basta kumain ka ha." tinignan niya ako at hinawakan kamay ko.
"Opo boss." ngumiti ako sa kanya bago lumabas ng office niya.
"Kumain ka na." nilapit ni Nam yung pagkain ko. May napansin ako sa pagkain niya. "Gusto mo? Fried rice with alamang." huh? Meron bang ganon? Umupo ako sa may gilid niya.
BINABASA MO ANG
𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲
Storie d'amore𝙼𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝙿𝚎𝚛𝚜𝚘𝚗𝚊𝚕 𝚂𝚎𝚌𝚛𝚎𝚝𝚊𝚛𝚢 𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚒 𝙿𝚛𝚒𝚗𝚌𝚎 𝙴𝚗𝚣𝚘 𝙻𝚎𝚎 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚍𝚊𝚠 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊 𝚋𝚞𝚝 𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝚜𝚎𝚎 🌼