𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 9: 𝘍𝘳𝘢𝘯𝘤𝘦 🌼

54 3 0
                                    

MAUREEN

Nandito kami ng parents ko sa France at kasama din si Enzo para mameet ko na din yung kuya ko. Nandito daw kasi yung fiancé ni kuya dinalaw niya tsaka dream country ko to no. Mamayang gabi pa daw yung flight nila Nam papunta dito.

"Enzo." tawag ko sa kanya.

"Yes, babe?" nilapitan niya ako. Pinaupo ko siya sa tabi ko. Nasa hotel kasi kami ngayon nagsstay nagoffer nga yung fiancé ni kuya na sa kanila na lang daw kami magsstay total nandun naman daw si kuya pero nahihiya kami haha.

"Ahm pwede bang ako parin secretary mo." napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Gusto ko man babe kaya lang hindi mo na kailangan mag trabaho." napayuko naman ako. "Hey babe." inangat niya mukha ko at tinitigan niya.

"Ayaw mo na yata sa akin." natawa naman siya.

"Babe naman, kakausapin ko sila tita at tito." pumayag na nga sila eh hahaha.

"No need pumayag na sila at sabi nila tuwing sunday daw uuwi ako sa bahay." pinitik niya noo ko.

"Silly."

"Tapos gusto ko sana Enzo yung sweldo ko idonate ko na lang sa mga nangangailangan." tumango siya at niyakap ako. "I'm sorry if nagalit ako sayo." sabi ko sa kanya.

"It's ok babe dapat ako nga mag sorry sayo kasi nilihim ko ng matagal." naiintindihan ko.

FLASHBACK

Nakarating na kami dito sa bahay ni Jerome si Nam hindi niya ako iniwan hinahatiran lang kami ni Jerome ng pagkain.

"May sasabihin ako sayo." tumango ako. "Sinabi din sa akin ni sir Enzo yung totoo." napatingin ako sa kanya. So alam din niya? "I'm sorry Mau sabi kasi ni sir Enzo wag ko daw sabihin sayo actually alam din ni Jerome yung tungkol dun." umiyak na lang ako. Bakit sila ganon sa akin? Masama ba akong tao? Anong kasalanan ko sa kanila bakit nila nilihim sa akin ng matagal.

"Mau, paglaki natin dapat tayong dalawa magkakatuluyan ha."

"Pangako yan, Enzo." pilitin mong alalahanin Maureen.

"Mau, saan pala magulang mo bakit hindi ko sila nakikita."

"Hindi ko alam, ampon lang kasi ako."

"Wag kang magalala Mau kasama mo naman ako." si Enzo yung kababata ko? Siya yung batang lagi kong kalaro noon sa park malapit sa bahay namin.

"Mau, babalik na kami ng Manila bukas mamimiss kita."

"Wala na akong kalaro." si Enzo nga.

"Mau." niyogyog ako ni Nam.

"Si E-enzo yung kababata ko." napatingin naman ako kay Jerome.

"Naalala mo na." sabi ni Jerome sa akin. Niyakap ko ng mahigpit si Nam.

"Magpakita ka na kay sir Enzo bukas Mau nagaalala na yun sayo." kakausapin ko na si Enzo bukas.

END of FLASHBACK

"Babe?" napatingin naman ako kay Enzo. "Tara na nasa baba na daw kuya mo." tumayo na kaming dalawa at bumaba na.

"Thank you." hinalikan ko siya sa pisngi.

"You're welcome babe." pagkababa namin nakita namin sila mom na may kausap na lalake at may kasama itong blonde na babae.

"They're here." sabi ni mom. "Dylan yung kapatid mo si Maureen, Maureen ang kuya Dylan mo." nilapitan ako ni kuya Dylan at niyakap ng mahigpit.

"Nice to meet you lil sis." hindi na ako makahinga.

"Nice to meet you din kuya." humiwalay na siya ng yakap.

"Men, salamat at inalagan mo tong kapatid ko. Oh by the way this is Elisse my fiancé, hon si Maureen my long lost sister." pakilala sa akin ni kuya Dylan.

"Hi Maureen, I'm Elisse."

"Hello, I'm Maureen." nakakahiya naman. Wala akong baon na English hahaha.

"And hon si Enzo boyfriend niya." napakamot ako kasi nagtatagalog pala and what? Boyfriend?

"Men, nanliligaw pala lang haha." sabi naman ni Enzo kay kuya.

Umalis kami ng hotel at namasyal 1week lang kami dito. Akala ko talaga French yung fiancé ni kuya hindi pala. Nandito kami ngayon sa Eiffel tower. Si kuya yung kasama ko ngayon kasi sila mom naghahanap ng pagkain hahaha.

"Akala namin noon lil sis hindi kana namin makikita." umupo ako sa tabi niya.

"Alam mo kuya ang akala ko din noon hindi ko na makilala yung totoo kong mga magulang."

"Hayaan mo pagkabalik natin ng Pilipinas magbobonding tayong apat. Nga pala tungkol kay Enzo kung gusto mo na siyang sagutin ok lang naman, kaibigan ko din yang si Enzo NGSB." napangiti ako. "At mabait pa, alam kong aalagaan ka niya at hindi ka niya sasaktan." tumango ako.

"Thank you, kuya." nakita ko naman sila mom may dalang pagkain. Pinuntahan namin sila para tulungan.

Philippines

NAOMI

Mamayang gabi yung flight namin papuntang France si Jerome busy sa pagaayos ng gamit namin tapos sabi ng doctor ko pwede naman daw akong bumyahe.

"Ma'am, may naghahanap po kay sir Jerome nasa labas po." sabi sa akin ni ate Lisa.

"Sige ate, salamat." pumasok ako ng kwarto. "Hon, may naghahanap daw sayo nasa labas." tapos na pala niyang ayusin yung mga gamit namin.

"Samahan mo ako." lumabas kami ng kwarto at bumaba. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa gate.

"Hi doc baby."sabi nung babae kay Jerome. Sino ba to? Napatingin naman siya sa akin. "Who is she doc baby?" tinignan ako mula ulo hangang paa wow ha.

"Asawa niya ako, ikaw sino ka?" nanlaki naman yung mga mata niya.

"Anong ginagawa mo dito, Jasmine." Jasmine rice? Sabagay mukha naman siyang bigas.

"Gusto kasi kita makita." sabi niya kay Jerome. Naiinis na ako sa babaeng to.

"Ayaw ka niyang makita so go home bitch." tinaasan ko siya ng kilay at nagwalk out. Walang nasabi si Jerome na may ex pala siya ang sabi niya kasi sa akin na 6 years na daw siyang single.

Pagkapasok ko ng bahay pumunta ako sa sala kasi ayaw ko siyang makita. Magsama silang dalawa magkakaanak na nga siya may kalandian pa siyang iba. Nanood na lang ako.

"Hon." tumabi siya sa akin at niyakap ako. "Walang namamagitan sa amin, sa akin ka maniwala." tatayo na sana ako ng hinigpitan niya yung pagkakayakap niya sa akin. "Hon, naman...hindi kita kayang lokohin hon...magkakababy na nga tayo oh. Sorry na." tinignan ko siya ng masama. "Sorry na." inirapan ko siya. "Hon, naman." hinalikan niya yung pisngi ko.

"Sino ba yun?" pasigaw kong tanong sa kanya.

"Nurse siya..."

"Wag ka nalang mag doctor." natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hon, hindi naman pwede yun. Promise ko sayo walang namamagitan sa amin. I love you." hinalikan niya pisngi ko.

"I love you too." tumayo kami at nagtungo sa kusina. Ganyan siya kapag may kasalanan or nagtatampo ako sa kanya magluluto lang siya para maging ok ako haha sweet.

𝐇𝐢𝐬 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐚𝐫𝐲Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon