Kabanata 20

435 38 1
                                    

RASTY'S POV

KINABUKASAN

Maaga ako nagising ngayon at tila madaling araw pa, napakasakit ng ulo ko sa daming alak na nainom ko kahapon at tila nakatulog ako ng basa ang damit ko.

May trangkaso ata ako.

Naalala ko yung kabaliwan ko kagabi na natakot sa akin si Nathan, di ko sinasadyang takutin siya at gusto ko lang naman na yakapin siya tulad ng ginawa ng Kuya Drake ko sa kanya kahapon.

Di naman masama magselos diba?

Wala talaga akong balak na masama kay Nathan, nagkataon lang na napangunahan lang siya ng takot at umepal ang kapatid kong bida-bida na si Kuya Drake.

Di tuloy ako nakayakap kahit isang segundo man lang.

Hayst.

Nagtataka na ako sa kinikilos ni Kuya Drake at tila nagugustuhan niya si Nathan, pero hindi eh...

Mali...

Malabo...

Lumabas ako ng kwarto ko at aaminin kong may hang over pa ako. Nadatnan ko si Dad na nasa kusina ay umiinom ng tubig at napakasama ng tingin nito sa akin.

Naka-uniporme na siyang pang doktor at ako naman ay nahihiyang lumapit sa kanya at nakatungo.

"Dad, yung nga pala tungkol sa nangyari kagabi ay..." mahinang sabi ko at naputol ang idadagdag kong sasabihin ng bigla niya akong pinangunahang magsalita.

"I'm feel disappointed to you Yara, akala ko matino ka yun pala maalam ka na din uminom tulad ng Kuya mo,di ka man lang nagsasabi na nag iinom ka na pala, di ka naman namin pagbabawalan ng Mom mo, wag mo naman an tulad ng kagabi, nakakahiya" pinagsabihan ako ni Dad at naiintindihan ko ang punto niya.

"Sorry Dad" mahinang sabi ko.

"Humingi ka ng pasensya kay Nathan, Yara. Napakabait ng bata na yon at napaka inosente ng pag-uugali niya, kung di ka inawat ng Kuya Drake mo kagabi baka ano na nagawa mo sa kanya dahil sa kahibangan mo"

"Opo, nakita niyo na po ba si Nathan, Dad?" nagtataka kong tanong.

"Kaka-alis lang, binagyan ko na din ng paunang sahod at nakakahiya naman na umuwi yon ng walang dalang pera para sa pamilya niya at lalo na at malaman niya yung kabaliwan mong ginawa kagabi sa kanya"

"Ah sige po susundan ko po muna, mag-ingat po kayo" pagmamadali kong sabi at agad na lumabas ng bahay at nagkotse.

Siguradong di pa siya nakakalabas ng villa dahil malayo yung labasan dito.

Madali kong minaneho ang aking sasakyan at nakita ko si Nathan na may hawak na bulaklak na pinipilas ito isa-isa na parang bata. Hinahagis hagis pa niya sa gilid ng kalsada at nakangiti.

Agad kong pinarke ang sasakyan ko sa may bandang una niya at inabangan na ating sa gawi ko pero nung inaabangan ko na siya ay tila umiwas ito at tumawid sa kabilang kalsada.

Iniiwasan ba niya ako.

Paniguradong iniiwasan niya nga ako dahil sa kahangalan kong ginawa sa kanya kagabi at ako naman ay tatakbang lumapit sa lanya at umiiwas talaga siya sa akin.

My Childish AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon