DRAKE'S POV
Antagal lumabas ng sasakyan ni Justin at di ko alam kung ano na ang nangyayari kay Nathan at kung ano ang ginagawa ng hayop na Justin sa kanya. Kaibigan lang siya si Nathan ayy...
Mahal ko.
Sa matagal kong paghihintay ay tila natatanaw ko na yung sasakyan ni Justin kaya naman bigla akong humarang sa dadaanan nito at nakailang busina na ito at tila naiinis na.
Bumaba kang kupal ka.
Tama nga ang hinala ko si Justin nga iyon. Pawisan ang dating niya at tila galit na galit na lumabas ng kotse dahil sa panghaharang ko sa kanya.
Lumabas ako at tila nagtaka aiya kung bakit ako naroroon.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong aniya.
"Nasan si Nathan" mayabang kong sabi at tiningnan ko ang sasakyan niya na biglang may bumaba na nanghihina.
"Drake..." tawag sa akin ni Nathan at tila umiyak pa ito
"Hayop ka anong ginawa mo kay Nathan" galit king sigaw sa harao ni Justin at agad aking tumakbo sa kinatatayuan ni Nathan.
"Anong nangyari? Bakit ang gulo ng damit mo, ano yan?" turo ko sa leeg niya. "Ano to? Aning nangyari sayo" natataranta kong tanong.
"Sorry" tanging sambit ni Nathan.
"Tara na" sabay inakbayan ko siya at inalalayan papunta sa sasakyan ko.
"Wag kang mangingi-alam" duro ko kay Justin nung lampasan ko siya.
Pinasok ko na si Nathan sa sasakyan at agad na din akong sumakay at nagmadaling nagmaneho paalis sa tapt ng village. Sinamaan ko pa ng tingin si Justin bago ako umalis at tila kinakabahan pa ito.
Habang nagmamaneho ako ay tinanong ko si Nathan kung ankng nangyari pero paulit-ulit lamang ito humihingi ng pasensya.
"Ano ba talagang nangyari" naiinis ng tanong ko.
"May nangyari sa amin" nauutal niyang sabi habang mabilis na tumutulo yung luha niya. "Di ko sinadya na mangyari yon sa amin, sinubukan konng manlaban pero nanghihina na ako" dagdag niya at napahinto ako sa pagmamaneho.
Di ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa narinig ko. Dapat ba akong magalit sa kanya o maawa kasi kung hindi dahil sa akin hindi ito mangyayari sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tinankng siya ng seryoso.
"Bakit di ka tumawag o kaya man lang magtext kung nasan ka, bakit di ka bumalik ng campus" seryosong tanong ko.
"Sumakit ang ulo ko dahil sa pabangong ibinuhos sa akin ni Shaina at inihatid ako ni Justin at di ko inaasahan na sa kanila niya ako dadalhin" paluwanag aniya.
Nakaramdam ako ng guilt sa sarili ko at di pa ako nakakapagpaliwanag tungkol sa IG account kong pinost at di niya pa din siguro alam ang dahilan kaya maraming umaaaway sa kanya.
Kasalanan ko to.
Nahampas ko ang manobela at di ko alam ang dapat kong ireact. Napaluha na lang ako sa nalaman ko at tila pinagsamantalahan siya ni Justin.
BINABASA MO ANG
My Childish Assistant
Teen Fiction{COMPLETED} Si Nathan ay isang simpleng lalaki na nangangarap na umangat sa buhay. Nagsisikap siya na magtrabaho para matulungan niya at magampanan niya ang pangangailangan niya sa buhay at lalo na sa pag-aaral. Pumapasok sa isang sikat na Unibersid...