Kabanata 40

279 28 0
                                    

RAZ'S POV

Nakalabas na kami pareho ng kotse at natigilan siya sa tapat ng bahay namin.

"Bahay niyo ito?" nagtatakang tanong ni Gerald.

"Oo" sagot ko.

"Lintek ka prinsipe ka ba?" namamangha niyang sabi sa ganda ng bahay namin.

Yung bahay kasi namin parang palasyo kung tingnan. Nanggaling talaga kami sa pamilyang may Hari at Reyna at si Dad ay dating Hari don ngunit umayaw ito at ipinaubaya sa Tito, matagal ng panahon dahil pinili daw ni Dad na mahalin si Mom dahil tagapagsilbe  daw ito noon.

Ayaw ko lang ikwento sa kanya at syempre sikreto lang namin yun atsaka nasa Pilipinas kami at malayo sa kinalakihan namin.

"Hinde" natatawa king sabi.

"Sa laki ng bahay ninyo di ko iisipan lang na bahay to, palasyo?" tanong niya sa sarili.

"Tara na pumasok na tayo baka magselfie ka pa" natatawa kong sabi.

Sumunod na lang siya sa akin at binuksan ko yung higante naming pinto na may dalawang taong patong ang taas nito.

Nabuksan ko na dahil madali lang naman buksan ito dahil na rin sa dulas nito kung buksan. Si Dad ay nasa Espanya at may mahalaga daw aasikasuhin at si Mom na lang ang natira sa bahay kasama ang kasambahay namin.

"Oy Raz hintayin mo ko" tawag ni Gerald.

"Sumunod ka lang" sabi ko.

"Good Evening sir" bati ng kasambahay namin.

"Good Eve, nasan si Mom?" tanong ko.

"Nasa may pool lang po nagpapahangin" tugon aniya.

"Sige, salamat" sabi ko.

Nasa may likod ko si Gerald habang tumitingin sa mga nagiilawang chandelier na nakabitin sa taas at mga nagkikinang na mga kagamitan namin.

Namangha siya sa mga painting na nakadikit sa pader dahil mahilig din ito sa pagpapainting at pati na din si Drake. Ako lang talaga sa barkada ang di nabiyayaan sa pagguhit.

"Tara ipapakilala muna kita kay Mom" yaya ko aa kanya.

"Sige" sabi niya.

Sumunod siya sa akin patungo sa likod ng aming bahay kung saan naroroon yung pool at si Mom na nagpapahangin raw.

Nakarating na kami at agad ko tinawag si Mom na nakahiga roon.

"Mom" sigaw ko papalapit sa kanya at agad iting tumingin sa akin at may pa skin xare pa sa mukha.

"Oh gabi na ah, sino yang kasama mo?" tankng ni Mom at ngumiti si Gerald dito.

"Hello po Tita, Gerald po" lapit ni Gerald. "Barkada po kami ni Raz" dagdag aniya sabay nagmano ito.

"Ah oo naikekwento ka nga pala sa akin ni Raz. So bakit ginabi kayo?" tanong ni Mom.

My Childish AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon