Kabanata 5

612 41 4
                                    

DRAKE'S POV

Paniguradong galit yung isip bata kong PA at pailing-iling naman sina Raz at Gerald sa akin habang papunta kami sa may basketball court.

"Grabe ka Drake, di ko akalain na ganoon ka" iling ni Raz.

"Nabigla lang ako okay. Di ko ginusto yung nangyari" tanggi ko.

"Paano naman kase di ka sanay na mapahiya. Kaibigan mo kami Drake at dapat di ka na nahihiya" payo sa akin ni Gerald.

"Mukang di magtatagal yang PA mo sayo" sabi agad ni Raz.

"Baka nga di na bumalik yon dito" dagdag agad ni Gerald.

"Tumigil nga kayo, siguradong babalik yon dito" sabi ko sa kanila.

"Di pa nga nakaka half day sa'yo nilayuan ka na, nahihibang ka ba Drake" sabi ni Gerald.

"Mukang mabait at inosente pa naman yung PA mo" pangongonsensya sa akin ni Raz.

Sa totoo lang ay nakokonsensya ako sa nagawa ko kay Nathan dahil di naman talaga ako nananakit ng tao at sa kanya ko lang yun nagawa.

"Pwede ba maglaro na lang tayo" sabi ko sa kanila at saka binato ko ng bola si Raz at nasalo nama nito ng kamay.

Nagsimula na ang laro at nawawala yung concentration ko sa pagbabasketball. Nakokonsesuya talaga ako.

Haneppp.

Kalahating oras na kaming naglalaro pero yung tira ko sa net ay laging sala kaya naman nagtaka na sina Gerald at Raz sa akin dahil puro sala yung shoot ko dahil ngayon lang ito nangyari kaya tumigil muna sila sa akin at kinausap ako.

"Ano Drake nakokonsensya ka no?" sabi ni Raz.

"Puro sala na tira mo. Paano tayo mananalo niyan sa intrams" sabi ni Gerald.

"Tss nakokonsensya na ako" sabi ko sa kanila sabay binato ko papalayo yung bola at agad na pumunta sa gilid para mamahinga.

Nawawalan ako ng gana.

Lumapit sa akin ang dalawa at pinayuhan niya ako.

"Text mo kaya yung PA mo at magsorry ka" payo sa akin ni Raz.

"Ulol saka ko pa yun gawin" sabi ko agad.

"Sige mamatay ka sa konsensya"

"Gawin mo na Drake at baka di na yun bumalik sayo at siguradong pag nalaman ng pamilya ni Nathan sa ginawa mo ay mag-aalala yon" sabi ni Gerald.

"Haystt paano ko ba sisimulan?" wala sa sarili kong sabi.

"Ito na yung panahon na maging open ka naman sa nararamdaman ng ibang tao, nasanay ka na kase na si Shaina iniisip mo nokn at di mo din masyado naiintindi ang sarili mo" payo sa akin ni Raz.

"Anong konekta non?" naiinis kong sabi.

"May nararamdaman din si Nathan, Drake. Hindi siya isang bagay na kahit itulak tulak mo kahit saan ay di nasasaktan. Kita mo naman kanina kung paano lumuha sa harap mo si Nathan. Naaawa ka ba sa kanya?" sinsero niyang sabi.

Mukang tama ying sinabi ni Raz lalo akong nakonsesnya sa nagawa ko. Di ko naisip yung mararamdaman niya pag ginawa ko yun sa kanya.

Nagpadala kase ako sa galit at inis ko sa kanya kaya ko nagawa yun at lalo na yung katarantaduhang ginawa ko kanina na magoanggap na tulog ng dunating siya sa kwart ko.

My Childish AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon