NATHAN'S POV
"Ah guys uwi na kami, hahatid ko pa si Raz" biglang tayo ni Gerald sa kinauupuan niya.
"Salamat nga po pala sa libre" nakangiting sabi ni Claremce kay Drake.
"Wala yun, ingat kayo" sabay tapik sa balikat ni Drake kina Clarence, Raz at Gerald.
"Ingat" paalam ko din sa kanila at ptai ni Hailey ba kumakaway-kaway pa.
Ng makaalis na sila ay nanaig nang mariing katahimikan na bumabalot sa aming tatlo ni Drake at Hailey at di ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko about sa amin ni Drake dahil alam ko na masasaktan siya.
"Ah Hailey" pangunguna ko habang hawak ko ng mariin ang kamay nito.
Si Drake ay tila papikit-pikit na dahil sa kaba kaya ako na lang ang mahsasabi sa abit ng aking makakaya.
"Hmm?" tugon agad nito.
"May sasabihin sana kami sayo" mahina kong sabi at nagtinginan pa kami ni Drake sa mata bago bunaling sa kanya at tinitigan din kami ng mariin nito at aksidenteng nakita yung magkahawak naming kamay.
"Sorry" nakayuko kong sabi sa harap niya.
"Alam ko na ang ibig mong sabhin" tila pilit na ngiti ang pagkakasabi ni Hailey sa aming dalawa.
"Huh?" nagtatakang tanong ni Drake.
"Alam ko na" pag-uulit nito.
"Ang alin?" saad muli ni Drake.
"Sa inyong dalawa, sinabi na sa akin ni Leo" nagpipilit na mapaluha dahil halata sa pagbuka ng bibig nito ang kalungkutan na kanyang dinadama habang kaharap kami.
"Sorry" namumuong luha na ang nararamdaman ko sa aking mata dahil ayaw ko makasakit talaga ng damdamin ng ibang tao.
Lumapit sa akin si Hailey at hinawakan nito ang kanang kamay kaya nawala yung holding hands namin ni Drake.
Inilagay ni Hailey yung kanang kamay ko sa dibdib ko at ramdam ko ang panginging sa ginagawa niyang yon.
"Ingatan mo ang puso, pahalagahan mo ang sarili mo kesa sa ibang tao kase baka saktan ka nitong pinsan ko. Mahirap na" sabi ni Hailey sabay tila inirapan pa si Drake.
"Oy di ko gagawin yon no" biglang dumipensa si Drake.
"Biro lang" biglang sumeryoso ang mukha nito at ngumiti ng pilit sa harap ko.
"Wala naman dapat ako maramdaman ngayon kase una sa lahat di ako umamin at di ko nilinaw sayo ang nararamdaman ko. Siguro kung ako nauna ako kesa kay Drake siguro tayong dalawa" biro aniya at napipikon na si Drake.
"Hailey" gigil niyang sabi.
"Para kang bata Drake, biro lang naman" umatras ng isang hakbang si Hailey sa harap namin.
"Congrats" seryoso nitong sabi.
"Hailey" nauutal kong sambit. "S-salamat"
BINABASA MO ANG
My Childish Assistant
Teen Fiction{COMPLETED} Si Nathan ay isang simpleng lalaki na nangangarap na umangat sa buhay. Nagsisikap siya na magtrabaho para matulungan niya at magampanan niya ang pangangailangan niya sa buhay at lalo na sa pag-aaral. Pumapasok sa isang sikat na Unibersid...