Kabanata 7

580 44 3
                                    

NATHAN'S POV

Di ko akalain na pupuntahan ako ni Sir Drake dito. Siguro kukumbinsihin niya ako maging PA niya ulit.

Pero anong dahilan niya? Maari naman siyang maghanap ng panibagong PA kung talagang ayaw niya pero bakit ginusto niya pa din ako?

Nakakahiya kay Sir Drake kasi siguradong di siya sanay sa ganitong lugar at nais sana namin siya ipagmeryenda ng makakain pero nagastos na namin kanina kay Rasty.

Tanging pangangalakal kase minsan ang tinatrabaho ni Mama at madalang pa makakuha ng labahin sa iba.

Tahimik na nakaupo sa bangkito sa Sir Drake at kami naman ng pamliya ko ay kumakain.

"Kuya siya ba yung boss mo?" tanong ng kapatid kong si Yasmin.

"Oo" nakangiti kong tugon sa kanya at tumingin sa kung saan naka upo si Sir Drake.

Hinahangaan ko kasi siya at pangarap ko na mapansin niya ako at heto ngayosiya yung boss ko na pumunta pa sa bahay ko para maging PA niya muli pero grabe magmaltrato.

Pinalaki ako ng aking magulang na magalang at wag tapakan ang pagkatao ng ibang tao dahil masama daw yon. Naging mabuting anak naman ako sa magulang ko at hindi ako laki sa layaw dahil sa hirap ng buhay namin kase kapag may gusto akong isang bagay ay ako mismo ang nagtatrabaho para makuha ko gusto ko.

Sikat si Sir Drake bilang basketbolista sa aming campus at lagi ko siyang pinapanood dahil lahat ng tira nito ay hindi sumasala.

Minsan pag may oras ako para maglibang ay nagpapraktis at naglalaro din ako sa aming likod bahay.

Ang ring namin ay kawad at ang pinaka net nito ay plastic. Tunay na bola naman ang ginagamit namin dahil nalimit namin ni Mama noong nangangalakal kami.

Gusto ko maging katulad ni Sir Drake at siya ang naging inspirasyon ko para gustuhin ko rin ang pagbabasketball.

"Kuya mabait ba boss mo? Bakit parang masungit" sabi ng bunso kong kapatid na si Yhiro.

"Ah, eh..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang umimik si Mama.

"Anak bilisan mo na kumain, naghihintay ang bisita mo. Kakahiya naman kung paghihintayin mo ng matagal." sabi ni Mama sa akin at narinig naman ito niDrake kaya naman ay agad ito sumabat sa usapan.

"Ayos lang po, wala din naman po akong gagawin sa bahay" nakangiti niyang sabi at lumingon sa akin.

"Sige iho, maupo ka lang diyan patapos na naman kumain ang anak ko" sabi ni Mom.

Umubo naman si Papa at humingi ng tubig kay Mama habang ako naman ay binilisan ko ng kumain at ayaw kong paghintayin si Sir Drake sa barong-barong namin na bahay.

Nakakahiya.

Bakit kase pumunta pa.

Natapos na akong kumain at kahit papaano ay may pagkakataon na akong kausapin si Sir Drake at malaman ang kanyang dahilan ng pagparito niya.

May tungkod naman ako at naging dahilan na para makatayo at makalakad ako kahit napipilitan. Agad kong sinabi kay Sir Drake na sa likod ng bahay para makapag-usap ng kami lang dalawa.

My Childish AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon