CHAPTER FORTY FOUR

1.2K 69 1
                                    

     Gabriella POV

"Good job! Sige na mag prepare na kayo para sa party."

"Yes ma'am!"

Tugon naman ng mga kasama ko sa cheering squad sa sinabi ng teacher na nag oorganize samin kanina.

Nandito na ako sa cheerleading room at kukunin ko sana ang uniporme ko, pumasok na ako sa loob at tumungo sa locker section dito sa loob. Binuksan ko ang locker na pinag lalagyan ko ng mga gamit ko at napa mura ako ng magsilaglagan ito sa paanan ko pagkabukas ko.

Napa upo at pinulot isa isa ang mga gamit at isinilid sa paper bag kong dala ang mga ito.

Napa tigil ako sa pag silid ng palda ko ng may napansin akong papel na puti sa bulsa nito. Nilagay ko ang hawak na paper bag sa sahig at kinuha ang naka ipit sa bulsa.

Nagulat ako ng mabasa ang sulat at makita ang isang maliit na picture.

Nagulantang ako at bumilis ang paghinga.

"What the?"

...

Mabilis akong tumungo ng dorm namin at nang buksan ko ang pinto ay wala sa loob si Erica. Nginalkal ko ang mga gamit ni Genivive sa tabi ng kama nya.

"Shit."

I cursed, mabilis akong tumungo sa study table nito at pinag buksan ang mga drawer nya. Nasa last na ako ng drawer nya ng magtaka akong hindi ko ito mabuksan ngunit pinilit ko pa rin. Napa mura ako at nag hahanap ng magagamit sa pagbubukas pero wala talaga.

Nadako ang mga tingin ko sa ibabaw ng kama nya dahil may lalagyan din sya doon para sa mga light objects nya. Napa hinga ako ng malalim at sumampa sa kama nya ng naka tayo.

Kinuha ko ang heart shape case nya dito bago umupo sa kama nya.

Naka padlock ito.

Hinawakan ko ang lock nito at dinukot sa gilid ng bewang ko ang bagong dagger ko.

Hinawakan ko ng mabuti ang patalim na hawak at tinuon sa maliit na bunganga ng case at pinwersang pangangahin ang takip.

*CLACK!*

Napa tigil ako ng maka rinig ng ingay sa may terrace. Mabilis kong ibinaba ang hawak at sinipa papunta sa ilalim ng kama ni Genivive. Dahan dahan akong naglakad patungo sa terrace. 

Huminga ako ng maluwag at hinawakan ng mahigpit ang hawak na dagger.

*BOGSH!*

Hindi na ako nag paligoy pa at sinipa ang pinto ng terrace ngunit wala akong nakitang tao. Lumabas na ako at tumanaw sa ilalim mula dito sa terrace namin.

Tumalikod na ako para muling pumasok sa loob ng mahagip ng mata ko ang isang box sa gilid ng terrace. Mabilis ko iyong kinuha at pumasok sa loob saka siniguradong lock ang pinto ng terrace at ng main door ng dorm namin.

Kinuha ko din ang case na nakuha ko sa babaw ng kama ni genivive at tumungo sa taas ng kama ko.

Kinalat ko ito sa kama ngunit una kong binuksan ang box na nakita ko sa terrace.

Napa tigil ako ng mabuksan ko ito dahil puno ng litrato ang nasa loob, nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang mga litrato sa loob.

Napa lunok ako ng sariling laway at inisa isa ang mga litrato.

Napa iling ako dahil hindi ako makapaniwala.

"T-totoo ba to?"

Sunod ko namang binuksan ang case ni Genivive. Napakagat ako ng labi.

"G-genivive, may kinalaman kaba sa pagkamatay ni Mika?"

Pinigilan kong huwag mag isip ng masama pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilan.

"Mika? I've ready your dress."

Mabilis kong tinakpan ng kumot ang mga litratong nasa aking kama at napa tingin sa baba mula sa main door.

Nakita ko si Erica doon na may dalang mga paper bag at dumiretso pa sa mini sala namin. 

Inayos ko ng mabuti ang kama ko at pinagpasyahang bumaba at lapitan ito.

"My dress?"

"Yes, alas tres palang naman saka may pupuntahan pa ako. Dito ka muna, babalikan kita mamaya para makapag ready. O? Any problem?"

Umiling ako at tumungo sa isang upuan at naupo saka hinablot ang magazine sa lamesa at doon tinuon ang atensyon.

"Nothing. Sige kong may pupuntahan kapa, dito lang ako."

Sagot ko habang ang mga mata ay nasa magazine kong hawak.

Lihim akong napa sulyap sakanya ng lumabas na ito sa pinto. Napa tiim bagang ako at napa kuyom ng kamao.

How could you Erica? I trusted you.

Ngunit ikaw pala ang nasa likod ng pagkawala at pagkamatay ni Genivive.

Napa buga ako ng hangin dahil hindi pa din ako makapaniwala.

Should I i believe it? Papaniwalaan ko ba ang nasa litrato at nasa letter? Dumagdag pa ang box na iyon pero ang ikina pagtataka ko. Sino ang nagdadala ng mga mensaheng ito?

Bumalik ako sa aking kama at muling binasa ang letter kaninang nakuha ko sa uniporme ko.

"[It looks like, someone's stabbing behind your back.]"

Binasa ko ito. Napa ngisi ako.

"Heh, who's stabbing who?"

Mapang uyam kong anas at tinitigan ang picture kasama ang letter, naroon si Erica sa isang pool. She was just looking at the dead body of Genivive floating in the pool.

It's so precise.

Erica. Heh, let me play along with your shits then.

I'll deal with the box some other time, i just want to know what plans you have up on your sleeves.

SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]Where stories live. Discover now