SEVEN'S POV
Nagulat kaming tatlo dahil iba ang nanalo sa Chess.
Pumunta kami sa Campus Oval na malapit sa Swimming Pool.
Pagdating namin eh saktong sinasabitan na ng medal yung nanalo.
Siya yung kanina.
Yung lalaking pangalawang bumunggo sa akin.
Nakita ko na yung kaklase naming Chess Master eh umiiyak. Hindi niya yata inasahan ang pagkapanalo niya.
"Si Mr. Light Almeda ho ay isang Grade 10, teka anong section ka ba?" tanong ng Emce na member ng student council.
"Section 12" matipid na sagot niya. Hindi na ako nagulat dahil alam ko namang taga section 12 siya.
"Mukhang matalino pala yang nakabunggo sayo kanina ah" sabi ni Nilo.
"Matalino kaagad? di ba pwedeng magaling lang siya Chess" sabi ni Jaira.
"Aminin mo Jaira. Remember walang nakakatalo jan sa kaklase nating chess master, kahit nga ikaw o ako eh hindi tayo nananalo jan eh" sabi ni Nilo.
"Haha matalino? eh nasa section 12?" sabi ko.
"Alam mo hindi lahat ng nasa section 12 eh kagaya ng mga iniisip mo na walang alam" sabi ni Nilo sa akin.
Kung iisipin naman kasi kung natalino ang isang yan bakit siya nasa section 12, tsaka halatang transferree yan kasi hindi ko kilala.
Tinaas ko ang kamay.
"Mukhang may sasabihin ang ating Arts Genius" sabi ng Emce. Pumunta ako sa stage.
Tapos kinuha ko yung mic.
"First of all. I would like to congratulate Mr--- ano ngang pangalan mo?" tanong ko sa kaniya tapos tinutok ko yung mic sa bibig niya.
"La---"
"Yes, Mr. Light Almeda. Aking dinidiklara na si Light Almeda ay tatawaging Chess King ng Fracian Academy" sabi ko.
Sa ganitong pamamaraan kasi namin pinapakilala ang mga kings and queen ng school.
No one can call them King or Queen. Unless we declare it.
Nagpalakpakan ang mga kapwa ko estudyante.
"But.." sabi ko.
"No one can replace the FRANCIAN 4" sabi ko.
Natawa ang ibang mga estudyante at may narinig pa akong sinasabing may nakatalo na nga daw sa amin.
"Not even the one who use the student ID of our very own Sport Genius" sabi ko.
"Hanggat hindi siya nagpapakilala ay hindi parin siya kikilalaning Genius ng eskwelahang ito. Hindi natin alam baka nahack niya ang apps natin" sabi ko pa.
"HELLO EVERYONE!!" nagulat kami sa nagsalita. Galing kasi ang boses sa speaker na rinig sa buong campus. At distorted ang boses.
"FOR EVERYONES INFORMATION, HINDI KO HINACK ANG SYSTEM NG APP. SADYANG MATALINO AT MABILIS LANG AKONG MAGSAGOT SA MGA TANONG" sabi pa niya.
Sinabihan ko si Jaira na tignan ang control room.
"WALA RING AKONG PAKIALAM AT WALA AKONG BALAK NA MAPABILANG SA WALANG KWENTANG FRACIAN 4 NA YAN." mukhang nagalit yata siya sa mga sinabi ko.
"HANGGANG DITO NALANG MUNA, OH BY THE WAY CALL ME 10010956" sabi niya pa.
Wala nang sumunod pa. Nagbulog-bulongan naman ang mga eatudyante.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Teen FictionFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...