CHAPTER 5

297 24 0
                                    

SEVEN'S POV

Haha tignan natin kung matalino ka talaga.

Ako kasi ang may hawak ng answer sheet ni Sib.

"Number 1 A, 2 B…." sabi ng adviser namin.

Check lang ako ng check dahil tama yung mga sagot ni Sib.

Hanggang sa mag 447..

Mali.

Mali.

Mali.

Ano 'to? Bakit mali na lahat ng sagot hanggang sa 500?

Madadali lang naman ang mga tanong ah.

Teka.

Sinadya niya yata.

Tinignan ko ang buong answer sheet niya at nakita kong may nakasulat sa likod ng isang sheet.

I LOVE YOU SEVEN

Whag the f*ck!!

Seryoso ba talaga siya sa akin?

Nang ipasa na namin ang mga answer sheet at pinahiwalay lahat ng bagsak sa pasado eh nagulat nalang kami.

"What the heck!!?" tanong ng isa kong kaklase.

"All of a sudden, nagpapanggap lang silang mga mahihina?" tanong pa ng isa.

Napatingin sa akin si Nilo at lumapit siya.

"Tignan natin ang cctv" sabi niya tapos lumabas na kami kasama si Jaira.

Habang nirereview namin ang cctv eh wala kaming nakikitang pandadaya. Dahil kahit saang anggulo mo tignan ang cctv dahil sa bawat room ay may 2 cctv cameras eh wala kang makikitang nagkokopyahan.

Isa pa kilala ko yung adviser nila. Mabait yun pero istrikto pag dating sa exam.

* * *

"Paano ba yan? Mukhang natalo ka sa pustahan." Sabi ni Jaira.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"So ibigsabihin, boyfriend mo na si Sib?" tanong ni Nilo.

"Ganun na nga, isa pa hindi siya pwede umatras sa pustahan nila dahil nagdeal siya, reputasyon niya ang nakasalalay kapag tumanggi siya na maging boyfriend ni Sib" sabi pa ni Jaira.

Kilalang-kilala na talaga nila ako.

*Tok tok tok*

Binuksan ni Jaira yung pintuan. Tapos pumasok yung kumatok.

Pasubo na ako nang kinakain kong carbonara na dala niya kanina nang mahinto ako.

Tumayo ako tapos lumapit ako sa kaniya.

Tumalon ako para makarga niya ako tapos yumakap ako sa kaniya.

Niyakap din niya ako. Haha para akong bata na karga-karga ng tatay ko.

Naging tahimik ang buong paligid tapos nagsalita siya.

"So, tayo na?" tanong niya sa akin.

"Basta ba ipagluluto mo ako ng carbonara lagi eh" sabi ko sa kaniya habang nakayakap ako at karga-karga niya ako.

Humarap ako sa kaniya tapos ngumuso siya.

Sh*t

Ang pula ng labi niya.

MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon