CHAPTER 3

332 24 10
                                    

"The difference between genius and stupidity is that genius has its limit"
-Albert Einstein

***

SEVEN'S POV

"Huy, saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Kailangan nating pumunta kila Lucky, isang buwan na tayong walang balita mula sa pamilya niya" sabi ni Jaira.

Napaisip ako bigla kung saan napunta si Lucky.

"Hoy Jaira, sigurado ka walang text o tawag man lang sayo si Lucky? Diba ikaw girlfriend niya?" tanong ko.

"Tingin mo, hahanapin ko ba siya kung nagtext o tumawag siya?" Sabi pa niya.

Oo nga pala naalala ko kasi noong unang linggo ng mawala si Lucky eh iyak siya ng iyak.

Nang malapit na kami sa bahay nila Lucky eh nakita kong pumasok sa katabing bahay si Sib Rodriguez.

Tignan mo nga naman.

Dito lang pala siya nakatira. Nang mahinto kami sa harap ng bahay nila Lucky ay napansin naming walang katao-tao dahil patay lahat ng ilaw.

Hanggang sa..

"Uy, nandito bahay ko dito mo ko ligawan, wala nang nakatira jan" sabi ng lalaking lumabas sa katabing bahay nila Lucky.

"Wala nang nakatira dito?" tanong ko.

"Oo isang buwan na din yata simula noong nawala yung anak nila" sabi pa ni Sib.

"Hoy, wag na nga natin pag usapan yan, dito ka sa bahay ko tara dali" sabi niya habang papalapit sa akin.

"Ulol, wag mo kong ginagago" sabi ko sa kaniya.

"Haha grabe ka naman sa akin. Ako na nga yung may mabuting puso para papasukin ka sa puso ko-- ay bahay pala" sabi niya.

"Wala akong pakialam jan sa ba--"

"May juice ka? Painom kami." Hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita si Jaira.

Tinignan ko si Jaira ng masama. Tapos ang lokoloko ngumiti lang.

"Haha meron, tara" sabi ni Sib tapos hinila niya ako.

"Hoy ano ba, bitawan mo nga ako" sabi ko.

Pero hindi niya ako pinansin.

Pagpasok namin sa bahay niya eh nagulat nalang ako.

Walang kagamit-gamit ang sala niya maliban sa TV at upuan.

"Ikaw lang nakatira dito?" tanong ko.

"Oo" sagot niya.

"Eh nasaan ang pamilya mo?" tanong ko.

"Wala na akong pamilya" sagot niya pa.

"Talaga?" tanong ko.

"Haha Oo nga, check mo pa sa record nyo. Wala akong magulang, wala akong kamag-anak ni isa" sabi niya.

"Talaga? Eh paano ka nagkaroon ng bahay na ganito tapos ang laki pa?" tanong ko pa.

"May umampon sa akin, taga Thailand. Binilhan nila ako ng bahay kasi ayaw kong sumama sa kanila doon" sabi pa niya.

"Ahh so may pamilya ka, pero hindi nga lang tunay" sabi ko pa.

"Haha parang ganun na nga" sabi niya.

Nilibot ko ang mata ko sa bahay niya at napansin kong may mga Thai Script sa bawat sulok ng bahay. Hindi naman ako nakakabasa ng Thai kaya hindi ko na pinansin pa yun.

MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon