SEVEN'S POV
JULY 6, Monday
"Magandang umaga mga kamag-aral, ito ang ating first day ng ating foundation day. Kinagagalak nang ating buting Presidente ng ating school na si Pres. Soul Francis na i-Welcome kayong lahat sa ating Foundation Day" sabi ng Presidente ng Student Council.
Habang nakikinig kami sa Welcome Ceremony ng school ay tumawag sa akin si Nilo.
"Hello, bakit?" tanong ko.
"Pumunta ka dito sa Head Quarter ngayon na" sabi niya sa kabilang linya.
Kausap ko si Nilo. Ang Head ng grupo naming tinatawag na FRANCIAN 4. Siya ang madalas na lumalaban sa mga school contest at kahit sa mga regional at national contest.
Bakit kaya?
Agad akong pumunta ng HQ sa likod ng opisina ni Papa.
"Bakit anong meron?" tanong ko sa kanilang tatlo.
Nakita ko naman yung mga pagkaing nasa lamesa.
~tss. Akala ko naman emergency.
"Tara kain na tayo" sabi ni Jaira. Siya ang Math Genius ng school at lahat ng mga contest at napanalo niya lahat.
Si Nilo naman ay ang pinakamatalino sa aming tatlo kaya tinawag siyang Francian Genius dahil walang nakakatalo sa kaniya sa mga Academic contest.
Ako? Hmm. sabihin na nating sa aming apat ako ang kulelat.
Well, genius din naman ako pero hindi katulad sa kanila na ipagmamalaki ng school.
"Huy, kanina ka pa nakatayo jan!" sabi ni Jaira.
"Nagsesenti nanaman yata ang Arts Genius natin, tara na kumain ka na dito. Para kang timang jan" sabi ni Nilo.
Arts, jan ako accelerated. Ako ang laging nakatoka sa mga program at designs everytime na may program dito sa school.
Kung sa tingin nyo ay ako lang ang gumawa, jan kayo nagkakamali. Katulong ang mga myembro ng Student Council.
Katunayan ako ang legal adviser nila. At sa akin nakasalalay ang mga program ng school.
At ako rin ang nagiisang hari ng Music and Arts. Actually ako ang founder ng music and arts club dito sa school.
Matalino din ako. Wag kayong ano jan.
Kung pagsusunod-sunorin nyo kaming tatlo na naaayon sa katalinuhan namin eh nangunguna si Nilo. Pangalawa ako, at pangatlo naman si Jaira.
Ayoko lang talaga sumali sa nga contest. Haha.
"Nakuha nyo pa talagang magcelebrate ah, Isang buwan nang nawawala si Lucky" sabi ko.
Natahimik sila.
Nasaan na ba kasi yung tukmol na yun? Bakit hindi man lang siya nagpapakita?
Wala namang report galing sa pamilya niya kung anong nangyari sa kaniya.
Pagkatapos namin kumain eh bumaba na kami.
Papunta na kami ng classroom nang mabunggo ako ng isang lalaki.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya kilala kaya siguradong transferee ang isang 'to.
"Hindi ka ba magsosorry?" tanong ko.
"Sorry" sabi niya sabay talikod. Hinawakan siya ni Nilo sa braso dahilan para mapahinto siya.
"Hindi mo ba kami kilala?" tanong ni Nilo.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Novela JuvenilFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...