SEVEN'S POV
DECEMBER 31, Thursday
5 am na nang nakarating kami dito sa Thailand. Dumiretcho kaagad kami sa bahay nila Sib.
Dito ako tutuloy sa kwarto ni Sib tapos si Lucky at Tenison naman eh sabi guest room nila.
Napakalaki ng bahay nila dito. Hindi ko lubos akalain na mas mayaman pa pala kesa sa amin.
Hindi ko kasi tinatanong kay Sib kung anong trabaho ng mga magulang niya. Kanina ko kang siya tinanong at naoag-alaman kong may-ari pala sila ng isang sikat na mall dito sa Thailand.
"Bihis ka na mamaya, ipapasyal kita" sabi niya sa akin.
Ngumiti ako tinanong ko siya kung saan kami pupunta.
"Saan mo ba gustong pumunta?" tanong niya sa akin.
"Sa floating market, lagi kong nakikita sa facebook yun eh" ngumiti naman siya ng sinabi ko yun.
"Haha sakto doon talaga kita dadalhin kasi bibigli tayo ng mga seafoods." sabi niya sa akin.
Nagbihis na ako tapos dumiretso na ako sa kwarto nila Lucky.
Nagulat nalang ako pagbukas ko ng pinto dahil nakita kong natutulog ang dalawa ng magkayakap.
Minsan napapaisip ako paano kaya nagkainlaban ang dalawang 'to?
Pero sabagay hindi mo naman talaga maiintindihan ang pag-ibig. Kasi kusang dumadating yun. Minsan nga biglaan eh.
"Huy, mag-asikaso na kayo" sabi ko habang inaalog-alog ko sila.
"Ano ba yun? Sarap ng tulog namin eh" sabi ni Tenison.
"Aalis po kasi tayo" sabi ko sa kanila.
Napabangon naman si Tenison.
"Talaga? Uy tara na Light" sabi ni Tenison.
Mga isang oras pa ang hinintay namin ni Sib sa dalawa bago kami makaalis.
Tapos hinatid kami ng driver nila Sib na Filipino din.
Pagbaba namin eh napangiti at inamoy-amoy ko ang paligid.
"Haha. Para kang bata" pang-aasar ni Sib sa akin.
"Haha eh bakit ba" sabi ko tapos hinawakan niya ang kamay ko.
Nag-ikot-ikot muna kami.
Maya-maya eh may nakasalubong kami.
Nag-Wai si Sib at Light doon sa babae.
“สวัสดี (hello)” sabi ni Sib doon sa babae.
“เป็นอย่างไรบ้าง? ไม่ได้เจอกันนานเลยนะ. (Kamusta? Long time no see)” sabi naman ng babae na hindi ko maintindihan.
“ฮิฮิเรามาจากฟิลิปปินส์เราจะฉลองปีใหม่ที่นี่ (Hehe, galing po kami ng Pilipinas, dito lang po kami magcecelebrate ng new year)” sabi naman ni Light. Hindi ko alam na marunong din pala itong si Light may Thai Language.
“อ่าพวกเขาก็เป็นคนฟิลิปปินส์เหมือนกัน (Ahh, Pilipino din sila?)” yung babae.
Ewan, hindi ko sila maintindihan.
Napansin ko namang tumango si Sib.
Tapos nag Bating-Pilipino ang babae sa amin.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Ficção AdolescenteFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...