"The genius which runs to madness is no longer genius"
- Otto Weininger* * *
SEVEN'S POV
"Yung...yung abandonadong building sa likod ng school natin" sabi ko.
Patalikod na ako nang pigilan ulit nila ako.
"Wag ka ngang magpadalos-dalos, kailangan nating magplano" sabi ni Jaira.
"Meron akong plano" sabi ni Light.
* * *
7pm na.
Bumalik ako ng school kasama si Light, Jaira at Sib. Hindi na namin sinabi kay Nilo.
Hinihintay naming magsiuwian yung mga teacher at yung Student Council. Nakita ko nga si Shaira na sobrang lungkot niya.
Sorry Shaira.
"Ano tapos na ba?" tanong ni Jaira.
"Oo kanina pa, siguradong hinahanap na ng mga security officer kung paano nila maayos yung CCTV" sabi ni Light.
"Paano bang ginawa mo?" tanong ko.
"Sikretong malupet, 'wag na natin hintaying maubos yung mga tao" sabi ni Light, kaya naglakad na kami sa madilim na part ng school papunta sa abandonadong building ng school.
May tatlong lalaking nagbabantay. Kung paano namin nalaman? Kasi madilim ang abandonadong lugar na yun at may tatlong ilaw lang kaming nakikita.
Ang problema namin eh kung paano namin makukuha si Lucky nang di nila alam.
"Aaah!" mahinang sabi ng isang lalaking nagbabantay. Tinignan ko si Sib.
Kinuha ni Light yung flashlight na hawak-hawak ng lalaki.
"Hehe, pinatulog ko lang siya" sabi niya. Pinulupot niya kasi yung braso niya sa leeg ng lalaki tapos hinampas niya yung batok nito.
"Hindi ba niya tayo nakita?" tanong ni Jaira.
"Hindi" sagot no Sib.
Pinuntahan namin ang lahat ng sulok ng first floor pero hindi namin siya makita.
Pinatulog din ni Light yung nagbabantay sa 2nd floor, at hindi parin namin makita si Lucky.
*Tok*
*Tok*
*Tok*Pinapakiramdaman ko kung saan nanggagaling yung tunog na yun.
*scratch*
*scratch*"Saan na t--"
"shh wag kang maingay" hindi natapos ni Jaira yung sasabihin niya dahil pinigilan siya ni Light.
*scratch*
*Tok*
*Tok*
*Tok*Sa third floor.
"Tara nasa third floor siya" sabi ko.
Nagmadali kaming pumunta sa third floor pero natunugan yata ng lalaki na nagbibigay ng signal si Lucky.
"Ano bang ginagawa mo? Itigil mo yan!" utos ng lalaki habang nakatingin sa isang kwarto.
Nandun si Lucky.
Sumugod si Sib. Bago pa man makalingon ang lalaki eh nasipa na siya ni Sib na naging dahilan para makatulog ang lalaki.
Kinuha ko yung flashlight tapos tinignan namin yung kwarto.
Nagulat kami sa nakita namin.
Narinig nalang namin na umiiyak si Jaira.
Lumapit si Light sa kapatid niya at tinulungan niya itong tumayo.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Teen FictionFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...