LIGHT'S POV
"Huy, panalo kapatid mo kanina ah" sabi ng pinsan kong si Sib.
"Haha oo nga eh, galing talaga ng kapatid ko" pagmamalaki ko.
Mas matanda ako ng isang taon sa kapatid kong si Lucky. Pero same grade kami at magkaiba ng school.
Dito kasi ako sa probinsya nag-aral samantalang siya naman ay sa Manila. Minsan lang kami magkita tapos sa mga regional at national competition pa.
Nag-uusap kami ni Lucky kung ano yung mga sasalihan nya kasi yun naman ang hindi ko sasalihan. ayaw kasi namin mag compete sa isat-isa.
"Eh ikaw kamusta, panalo ba?" tanong ko.
"As usual oo pero yung 2nd place lang ako sa isa" sabi niya.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Eh kaibigan ng kapatid mo yun eh" sabi niya.
"KUYAAA!!" Narinig kong tawag sa akin. Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Si Lucky pala. Dumalaw pala siya dito sa school na iniistayhan namin.
"Balita ko napanalo mo lahat kanina ah" sabi ko.
"Haha ako pa ba" sabi niya.
"Hoy, Kuya Sib, bakit ka nagpatalo kay Nilo kanina?" tanong ni Lucky.
"Haha, kaibigan mo yun eh, wag mo nalang sabihin sa kanila na nagpatalo ako" sabi ni Sib.
Niyaya naming kumain si Lucky pero tumanggi siya kasi pabalik na sila ng Manila.
"Sige kuya, kitakits nalang sa sembreak uuwi kami nila Mama" sabi niya.
Ngumiti naman ako.
Paalis na sana si Lucky ng pigilan siya ni Sib.
"Huy yung hinihingi kong picture ng kaibigan mo? nasaan na?" tanong ni Sib.
"Haha, lakas ng tama mo sa bestfriend ko ah, oh eto" sabi niya sabay bunot ng picture galing sa bulsa niya.
Tapos inabot niya kay Sib.
"Pogi talaga ng crush ko" sabi ni Sib.
"Haha, umalis ka na nga Lucky, ewan ko ba kasi sayo, binibenta mo din ang bestfriend mo. Haha" sabi ko.
"Okay na yun, kesa dun siya sa girlfriend niyang maldita at maarte, sige bye na kuya" sabi niya tapos niyakap niya ako.
Bukas pa kasi kami uuwi ni Sib kasama yung iba pa naming schoolmate na lumaban din.
Yung iba kasi eh may laban pang sinalihan mamayang hapon.
***
Naglakad-lakad muna kami ni Sib sa Mall.
Since malapit lang ang Manila dito sa Cavite eh siguradong nakauwi na din ang kapatid ko.
Naramdaman kong nagba.vibrate yung phone ko.
Si Mama pala tumatawag.
"Hello Ma" -ako.
"Light, ang kapatid mo nawawala, sabi ng mga kaibigan niya dito sa school eh umuwi na daw" sabi ni Mama sa kabilang linya.
"Huh? Baka nanjan lang sa kwarto niya Ma" sabi ko.
"Wala dito" sabi ni Mama.
"Sige Ma, tatawagan ko si Jaira" sabi ko tapos pinatay ko na yung tawag ni Mama.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Teen FictionFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...