CHAPTER 12

227 17 2
                                    

SEVEN'S POV

DEC. 24, Thursday

WOhhhoooo pasko na bukas ang bilis ng panahon..

"Good morning Baby ko, saan tayo bukas?" tanong ni Sib sa akin. Ang aga niya tumawag para lang tanungin sa akin yun.

"Hmm sa puso ng mahal ko?" hindi siya sumagot sa sinabi ko.

"Huy, nanjan ka p--"

*BLAGG!!*

"HOY, ANONG NANGYARI SAYO JAN??!!" pasigaw kong tanong.

"Haha wala, nahulog lang ako sa kama" sagot niya.

"Anong bang ginawa mo ba't nahulog ka?" tanong ko.

"Haha kinilig ako dun sa sagot mo eh, umikot-ikot ako sa kama tapos nahulog ako  Hahaha" tawa naman ako ng tawa nang marinig ko yung sinabi niya.

"Hahaha, mahirap pala pag ikaw kinilig, nahuhulog sa kama. Hahaha" sabi ko.

"Ikaw kasi eh, ang ayos ng tanong ko sayo tapos sasagutin mo ko ng ganon. Haha para kang tanga" sabi niya pa.

"Haha sige na, mag-aasikaso na ako. Kita nalang tayo kila Jaira" sabi ko. 

16th Birthday kasi ngayon ni Jaira, kaya kailangan ko nang mag-asikaso kasi buong section 1 ang inimbitahan niya.

Casual party lang naman yun kaya hindi ko na kailangan na pagwapuhin ko nang sobra ang sarili ko. Naligo na ako at pagkatapos eh nagbihis na.

White tshirt at maong pants lang ang suot ko tapos naka converse na sapatos lang ako.

Nagpahatid ako sa driver ni Papa kasi nasa kabilang barangay pa ang bahay ni Jaira.

Pagdating ko naman eh wala pa masyadong tao. Iilan palang ang nga kaklase kong dumating.

Maya-maya ay dumating na sila.

Maagang nag-umpisa ang party. Dumating din sa birthday party si Lucky, syempre girlfriend niya yung may birthday eh.

Dumating din si Toey na bestfriend ni James na kaklase namin at kaibigan ni Lucky at Jaira.

"Oo nga pala, kailan ang kasal nyong dalawa?" tanong ng isa naming kaklase kay Jaira.

"Halah, kasal agad? Wala pa kaming 18 uy, ano ka ba?" sagot naman ni Jaira.

Pinagkaisahan siya bg nga kaklase namin tungkol kay Lucky, tapoa kinuwento pa nila na noong nawala daw si Lucky eh tinakasan daw ng bait si Jaira.

"Mga walanghiya kayo, birthday ko tapos sisiraan nyo ko kay Lucky" sabi ni Jaira. Haha. Tawa kami ng tawa.

DEC. 25, Friday

Dito kami nagcelebrate ng pasko sa bahay namin. Since wala ang mga magulang ni Sib at nasa Thailand eh kasama namkn siya.

Tuwang-tuwa nga si Mama kay Sib eh kasi para daw malaman niya na para kami talaga sa isat-isa eh nagtatanong si Mama  tungkol sa mga bagay-bagay.

At ayun, tuwang-tuwa sila pati sila Ate at Kuya. 

"Sib, Seven, tara" tawag sa amin ni Ate Thirdy. 

Sumunod kami ni Sib kay Ate Thirdy.

"Bakit po ate?" tanong ko.

"Upo kayong dalawa jan" sabi ni Ate.

Matagal niya kaming tinitigan.

"Ow my gad!! Syet, bagay na bagay kayong dalawa" sabi niya tapos niyakap niya kami pareho.

MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon