CHAPTER 10

279 23 2
                                    

SEVEN'S POV

Nagulat ang lahat ng estudyante at ang mga teacher sa pagdating ni Lucky.

Nang makaakyat siya sa stage eh binigay ni Light sa kaniya ang mic.

"Salamat kuya" sabi ni Lucky.

Mas lalong nagulat ang mga estudyante.

"Oopps saan ka pupunta?" sabi ni Lucky habang naka-mic.

"Jan ka lang, wag kang aalis" sabi pa ni Lucky habang nakaturo kay Tenison.

"It's been 3 months since the last time na nakita nyo ko. The reason kung bakit ako nawala? Well, may isang estudyante lang naman na nagngangalang Tenison Ramos na kumidnap sa akin" sabi ni Lucky habang nakangiti siya.

"Hinde, wag kayo maniwala sa kaniya, nagsisinungaling siya" sabi ni Tenison.

Nakita kong kinakalikot ni Light ang phone niya at may pinindot siya na play button.

"Nakakalungkot isipin na kinausap ako ng Head ng school para pumalit sa pwesto mo bilang isang sports genius. Siguro tsaka na kita papakawalan kapag diniklara niya na akong myembro ng Francian 4. Sa ngayon jan ka muna. Bye" Habang pinakikinggan namin ang pinlay ni Light gamit ang phone niya at umalingawngaw sa buong school ang record eh nakita kong galit na falit ang mga estudyante kay Lucky.

Pinatawag ni Papa ang mga magulang ni Tenison para sa pagkakatanggal ng anak nila dito sa school. 

Humingi naman ng tawad ang mga magulang ni Tenison kay Lucky at Light.

"Kamusta kayo?" tanong ni Lucky sa mga kaklase namin.

Masayang sumagot ang mga kaklase namin sa kaniya.

Maya-maya ay tumakbo si Lucky papalapit sa kaklase naming si James.

"Hoy, bakit di ka lumalapit sa akin?" tanong ni Lucky.

"Haha busy ka pa sa kanila eh" sabi ni James.

"Haha namiss kita brad, nasaan yung boyfriend mo?" tanong ni Lucky kay James.

"Gagi, bestfriend ko yun, di ko boyfriend yun tsaka di kami talo" sabi ni James. Ang pina-uusapan yata nila ay yung bestfriend ni James na si Toey, dati naming kaklase.

Matalino yun si Toey kaso tinamad yata mag-aral kaya napunta sa section 12.

"Haha, talaga lang ha" sabi ni Lucky.

Ngumiti si James kay Lucky. Aside kay Nilo at sa akin, eh si James at Toey ang laging kasa-kasama ni Lucky kapag wala sa tabi niya si Jaira.

Nagklase kami na kasama si Lucky pero inannounce niya na lilipat na siya ng school at hindi na siya mag-aaral dito.

Malungkot pero kailangan niyang umalis dito, dahil nandito ang masamang alaala niya. Doon na siya mag-aaral sa school na pinanggalingan nila Sib at Light.

Speaking of Sib.

Hindi pa niya ako tinetext simula kaninang pagpasok.

Sabi ni Light kanina eh tinuturan  niya daw yung kaklase niya ng math.

"Sabi ko na nga ba eh ikaw si 10010956" sabi ni Nilo kay Light.

Tawa naman ng tawa si Light.

"Ako kaya si 10010956" sabi ni Sib habang nakataas ang kamay niya.

Naguluhan si Nilo.

"Haha, yung assumption mo na si Light si 10010956 ay totoo. Tapos yung 2nd attempt mo nung nalaman mong kasama ko si Light kahit na hindi, eh totoo din. Remember number 10 yung lumabas sa sagot" sabi ko.

MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon