CHAPTER 11

256 21 0
                                    

SEVEN'S POV

DEC. 15, Tuesday

"Good morning to everyone, bilang nalalapit na ang pasko, The Regional Competition Council here in Makati City, welcome you to the 1st Christmas Regional Academic Competition"

Palakpakan kaming lahat sa sinabi ng Emcee.

Napagdesisyunan kasi ng school na isali si Light dito sa competition. Noong una eh ayaw niyang pumayag kasi baka makalaban niya ang mga kateam niya doon sa RM Academy pero nung nalaman niya na maagang nagbakasyon ang school at walang sasali eh pumayag na siya.

"Hindi na natin patatagalin pa, ipakilala na natin ang mga kalahok, unahin natin si Student #1, siya si Joaquin Montes from Caybiga High of Caloocan" palakpakan ang nga supporters ni student #1.

"Student #2, Jane Hernandez of Elixian High of Cavite"

Nasa 20 silang participants at pang 19 si Light.

"Student #19, Light Almeda of Francian Academy of Caloocan City" palakpakan kaming lahat nang ipakilala si Light. Eto namang katabi ko eh todo sigaw.

"Woohh!! Pinsan ko yan" sabi ni Sib. Binatukan ko nga.

"Aray baby ang sakit nun ah" sabi ni Sib.

"Ano naman kasing pakialam nila kung pinsan mo si Light?" pambabara ko.

"Haha syempre support ako" sabi ni Sib.

Buti pa 'tong si Nilo at Jaira eh tahimik lang.

Pero itong si Sib. Naku ang ingay, sabayan mo pa ni Lucky na nandito din. Nasaway nga sila eh sa sobrang ingay.

Madami pang sinabi ang Emcee tapos pinakilala na niya yung magtatanong.

"First question, Math. Who is the father of M--" hindi natapos ng nagtatanong ang tanong dahil pumindot kaagad si Light.

"Yes student #19?" - Questionee

"Archimedes" sagot ni Light.

May 1 points na siya.

"~tss, yabang, tignan lang natin kung manalo yan" sabi ng isang lalaki sa likod ko.

Narinig din ni Sib yun kaya nung akma niyang sasagutin yung lalaki eh inawat ko siya.

"Haha, wag na, iiyak yan mamaya tignan mo" sabi ko.

10 points lang ang kailangan ni Light para makapasok siya for final round.

Kaso..

Sunod-sunod ang mga tanong na nasasagot niya hanggang sa pangsampung tanong na.

"What is the exact value of pi" - Questionee.

Hindi pumindot si Light.

Yun lang hindi niya kayang sagutin yan kasi baka abutin kami dito ng end of the world pag sinagot niya yan. Kahit ako eh hindi ko kabisado ang exact value ng pi eh kasi sobrang haba nun.

Pumindot si Student #6. "3.14" sagot niya. Kaso mali ang sabi ng Questionee.

Hanggang sa may dalawang nag attempt pero mali parin.

Ang haba kasi nun.

Pumindot na si Light. "Can you change your question please. Because as far as I know, ang pi ay may value ng 31.4 trillion digits. Alam ko ang sagot pero baka end of the world na pagnirecite ko" sabi ni Light.

MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon