SEVEN'S POV
DECEMBER 29, Tuesday
Kakalabas ko lang ng supermarket kasi bumili ako ng mga pang-stock sa kwarto ko. Nakakatamad kasing araw-araw eh lalabas ako para bumili ng pagkain ko.
Kaso ang hirap sumakay, namimili pa yung mga taxi kahit offeran ko ng malaking halaga ng pamasahe eh ayaw nila.
May huminto sa harapan ko na isang itim na van. Paatras ako nang bumaba yung isang lalaki at pilit akong sinakay sa loob ng van.
"Hoy, sino kayo?" tanong ko.
Naging dahilan yun para mabitawan ko yung mga pinamili ko.
"Anong bang kailangan nyo sa akin?" tanong ko.
May pinaamoy sila sa akin.
* * *
Teka nasaan ako?
Wala akong makita, napakadilim. Naramdaman kong nakapiring pala ako.
"Gising na siya" sabi ng isang babae. Pamilyar yung boses nung babae ah.
"Charlotte, ano bang balak mo? Kapag tayo sumabit dito, naku ayoko pang makulong" sabi nung lalaki.
Charlotte?
Hindi ako makapagsalita dahil maliban sa nakapiring ako eh nakaducktape din ang bibig ko.
Ang kamay ko naman eh nakatali.
Buti nalang ay matalino at maraming alam ang boyfriend ko sa technology. Pinindot ko yung relo ko na nilagyan niya ng GPS para maalert sila gamit din ang relo nila. Hindi ko alam kung paano nagawa 'to ni Sib. Kasi wala naman akong masyadong alam sa ganito, pang school academic at sports lang ako.
Pinindot ko ulit ng dalawang beses yung gps button para mag activate yung mic.
Tinanggal nila yung pagkakapiring sa akin at nasilaw ako sa liwanag.
Nang makapag-adjust na ang mata ko sa liwanag eh nakita ko si Charlotte at si..
Tenison??
Gusto kong magsalita at mura-murahin sila pero hindi ko magawa dahil sa ducktape na nakadikit sa bibig ko.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanila.
Maya-maya lang alam kong nandito na si Sib.
"Kawawang bakla, ano natahimik ka jan kasi wala ka nang magagawa, hahaha wag mo na asahan na ililigtas ka ng taong mahal ko" sabi ni Charlotte.
"Cha, ano ba kasi gagawin mo sa kaniya? Di mo ba alam na makukulong ka sa ginagawa mo?" tanong no Tenison.
"Tumahimik ka nga, alam mo suportahan mo nalang ako pwede ba pinsan, tsaka ikaw ang nagsabi sa akin na nasa school nyo ang boyfriend ko" sabi ni Charlotte.
Natawa ako sa sinabi no Charlotte.
"Bakit ka tumatawa?" tanong niya sa akin.
Tawa pa rin ako ng tawa.
"Siguro natatawa ka sa sarili mo noh, kasi narealize mo na hindi kayo bagay ni Sib ko." sabi pa niya.
"Hindi ko maisip kung bakit ang isang tulad mong bakla eh pinatulan ni Sib" tanong niya.
Haha kasi wala kang isip.
Napailing nalang si Tenison sa mga pinagsasabi ni Charlotte.
Lumapit sa akin si Tenison tapos tinanggal niya yung pagkakatali ng kamay ko. Hinayaan ko lang siya. Syempre noh gusto kong makaalis dito kaya hindi na ako nagreklamong tanggalin niya sa pagkakatali ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
MY MYSTERIOUS HIDDEN GENIUS (BXB)
Teen FictionFRANCIAN ACADEMY, isang sikat na school na namamayagpag pagdating sa Academic at Sports dahil sa apat na estudyanteng tinatawag na FRANCIAN 4. Pero paano kung misteryosong nawala ang isa sa kanila? At hindi lingid sa kaalaman ng buong school na may...