Chapter 7

276 11 3
                                    

...

BUONG maghapon ay hindi mawaglit sa isip ni Clark ang mga nangyari nitong umaga lang. Nag-aalala siya kay Freya na mula pa nung umalis sila sa bahay ng magulang nito ay hindi na ito nagsalita.

Pagkatapos nitong umiyak sa balikat niya ay nagyaya na itong umuwi. Gusto niyang magtanong. Nakita ba naman kasi niya ang ginawa ng ina nito. Naabutan din siya ng ama nito sa labas na blanko lang siyang tinapunan ng tingin tsaka pumasok.

"Anak, ayos ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo ah?"

Nilingon niya ang ina at binigyan ito ng ngiti.

"Umm.. Opo ma. Ayos lang..."

"Weh? Parang di yata eh. Iniisip mo yung nobya mo no?"
Napailing siya at bahagyang kumunot ang noo. Nagsinungaling nga pala siya sa ina tungkol dito.

"Umuwi ka na muna anak. Baka napaano na yung kapatid mo sa bahay. Ayos lang ako dito."
Tugon nito ng may ngiti pa din sa labi.

"Sure ka ba, ma? Kakaopera mo lang eh. Baka mapaano ka."

"Sus.. Iniwan mo nga ako kanina. Sumama ka sa nobya mo no?"
Kumunot muli ang noo niya dahil sa sinabi nito.

"E-eh.. Paano mo po nalaman yun?"
Ngumiti lang ang ina niya at hindi na nagsalita.

Nanahimik nalang din siya at ipinikit ang mata.

Napaigtad siya ng maalala ang nangyaring pagsampal ng ina ni Freya dito. He's worried. Hindi man niya alam ang dahilan kung bakit ganun ang nangyari pero alam niyang may mabigat na dinadala ang dalaga ngayon.

He wants to help. Just like how she helped him. Pero hindi niya alam kung anong kaya niyang maitulong.

Kanina ay nagampanan naman niya ang hinihiling nitong magpanggap bilang kasintahan pero sa tingin niya ay hindi yun sapat. Hindi rin yata kumbinsido ang magulang ng dalaga at lalong hindi ito sang-ayon sa kanya. Bagay na sa di malamang kadahilan ay nagpabigat sa kalooban niya.

Sa tingin niya ay hindi naman niya talagang nakalimutan ang nararamdaman para sa dalaga na itinatago niya na noon pa man.

Baka sa pagpapanggap niya ay lalo na siyang mahulog dito at tiyak na masasaktan lamang siya.

"Kung ano man yang bumabagabag sa isip mo anak, bigyan mo yan ng kasagutan. O kung sino man yan, puntahan mo na. Ayos lang ako. May mga nurse naman dito."

Napabuntong-hininga na lamang siya. Ganun na yata kahalata na may iniisip siya.

"Sige po ma. Babalik din agad ako."
Paalam niya sa ina. Ngumiti lang din ito at tumango.

Hindi alam ni Clark kung saan pupunta. Nag-aalinlangan kasi siya kung tama bang makialam sa problema ng dalaga.

I'm her pretend boyfriend. Maybe I can pretend to act like one and ask her problem.

Anang isip niya.
Tama. Siguro sapat na dahilan na yun para ipakita dito ang pag-aalala niya.

Hindi niya namalayang nasa harap na siya ng bahay nito. Agad niyang pinindot ang doorbell pero nakalipas na ang ilang sandali ay wala man lang nagbukas ng pinto.

Naghintay pa siya ng isang oras hanggang sa dumilim na ang langit ay wala pa rin ito. Naiiling na nilisan niya ang bahay at nagpasyang dumalaw sa shop na pinagtrabahuan.

"Oh Clark, kumusta na? Yung operasyon ng mama mo? Okay na ba sya?"

Bungad ng ginang na may ari ng Roseu nung napansin ang pagdating niya.

Ginantihan niya ito ng ngiti at hindi niya napigilang yakapin ang ginang. Isa din kasi ito sa tumulong at nagpalakas ng loob sa kanya.

"Mabuti na po ang kalagayan ni mama. Nagpapagaling nalang siya. Baka nga makakalabas na yun mga ilang araw. Salamat po sa inyo."
Ginulo nito ang buhok niya at masuyong ngumiti.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon