Chapter 13

176 9 0
                                    

...

“THANK you.”
Napatingin si Clark sa kanyang katabi. Pareho na silang nakahiga at magkayakap. Just feeling each others warmth.

“Para saan?”
Lumingon ito sa kanya at ngumiti bago dinampian ng magaan na halik ang kanyang labi.

“Wala lang. I just wanted to thank you for accepting me.”
She embraced him tighter.

“Ako yata ang dapat magpasalamat? Kasi mas pinili mo ako kesa sa lalaking mayaman na nakatakdang ipakasal sa iyo.”
Tumango lamang ito tsaka gumanti ng yakap sa kanya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan nila at naisipan niyang basagin iyon.

“Ilan ang gusto mong anak?”
Agad napatingala sa kanya si Venice at namumula ang mukha nito na siyang ikinatawa niya.

“Hmm.. Ikaw bahala.”
Wari ay nahihiyang sagot nito at nagsumiksik sa leeg niya.

“Kung magkakaanak na tayo, I’ll promise na ipaparanas ko sa kanya kung paano mamuhay ng malaya. Pero syempre, yung hindi naman siya mapapahamak.”
Madamdamin niyang sabi habang inilalarawan sa isip ang pamilyang nais niyang buuin.

“Yeah.. Me too. I won’t let them experience what I had experienced. I’ll take care of them as long as kaya ko pa.”
Kusang tumulo ang kanyang luha dahil sa galak. He think it’s too unmanly crying but the thought of him and Venice planning for their future, their family, their kids, is something worth the tears.

Pinahid niya ang luha at matamis ang ngiting tumingin kay Venice. Wari ay nagkakasundo ang kanilang isip dahil maging ito ay tumingin din sa kanya dahilan para magtagpo ang kanilang mga mata.

“Hmm.. Ano? Simulan na ba nating gumawa ng anak?”
Pilyong sabi niya kaya hinampas siya ng asawa sa dibdib. 

“No way.. I’m tired.”
Reklamo nito kaya napasimangot siya.

“Bakit ka napagod? Wala pa naman tayong ginawang nakakapagod eh… At diba dapat honeymoon natin ngayon?”
Pangungulit pa niya pero tinalikuran lang siya nito at nagtalukbong ng kumot mula ulo hanggang paa.

“Ano na namang ginamit mong pabango? Ang pangit ng amoy! Dun ka nga sa couch. Wag kang tatabi sa akin.”
Sabi pa nito kaya wala siyang nagawa kundi sundin ito. Akala pa naman niya matutuloy ang naudlot nilang pagroromansa kanina sa kusina. 

“Naglilihi ka na ba asawa ko?”
May sasabihin pa sana siya kaya lang may lumipad nang unan na tumama sa mukha niya.

“Manahimik ka Clark. Matutulog na ako.”
Napabuntong-hininga na lamang siya at naiiling. Iniisip kung ano na namang problema nito.

Napaka-moody kasi pero kailangan niya parin itong intindihin.

“Goodnight my wife.. I love you..”
Pahabol niya.

“Yeah.. Night!! Love you too.”
Sapat na iyon para payapa siyang matutulog kahit hindi man sa tabi nito.

DALAWANG araw ang lumipas. Payapa naman ang naging pagsasama nila. Hanggang ngayon ay tanging pamilya lamang ni Clark ang nakakaalam na ikinasal na sila ng lalaki. Napangiti si Venice habang pinagmasdan ang gintong singsing sa kanyang daliri. Simple lang ito at hindi mamahalin pero hinding-hindi niya ito iwawala o huhubarin. Binili ito ni Clark kahapon nang makuha nito ang sweldo niya sa restaurant. Pinasyal pa nga siya nito at labis siyang natutuwa doon.

“So… ano nang kaganapan sa buhay ng aking kaibigan?”
Hindi pa rin mawaglit ang ngiti sa kanyang labi na binaling ang atensyon sa kaibigan.
Naisipan pala niyang bisitahin ito sa condo at nasa trabaho naman si Clark. Gusto rin niyang ipaalam ang nangyari sa kanya dito dahil may tiwala naman siya sa kaibigan at alam niyang hindi siya ipapahamak nito.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon