Chapter 17

154 11 1
                                    


...

WALANG bahid ng anumang emosyon na nakatingin si Venice sa kanyang repleksyon sa salamin. Suot na niya ang pinadesinyong gown na saktong-sakto sa kurba ng katawan niya.

Nadako ang kamay niya sa kanyang tiyan. Manipis pa ito at di pa halata na may laman iyon dahil isang buwan palang naman ito.

"You look dazzling, mam Freya. Kulang nalang ang ngiti sa labi mo para mas gumanda ka."
Ngumiti siya ng kaunti sa nag-ayos sa kanya.

Kanina pa ito panay ang puri sa kanya. She is indeed beautiful as she stared at her reflection on a full length mirror. Pero hindi niya magawang ngumiti ng buong puso.

Kung sana si Clark ang groom na naghihintay sa kanya ay tiyak na mapupunit na ang labi niya sa kakangiti.

Napatingin siya sa singsing na nasa daliri niya at hinaplos ito habang inaalala ang simpleng kasal nila ng asawa.

That was just a simple wedding yet she will never forget that very special day.

"Ma'am... Nasa baba na ang bridal car. Umm, pupunta na tayo sa simbahan after 10 minutes."
Tinanguan niya ang katulong ng nag make up sa kanya. Iniwan na din siya nito at nauna nang bumaba.

She stared at herself again for the last time. Pinipigilan niya na wag maiiyak. Any minute by now, tuluyan na siyang matali sa lalaking hindi naman niya kailanman pinangarap na makasama.

This is for you, Clark. Mahal na mahal kita.

She immediately wiped the tears that fell on her eyes at pilit na pinaskil ang ngiti sa mga labi.

Nakausap niya ang mommy kahapon at sinabi nitong matagumpay ang operasyon ng ina ng asawa niya. At least that gives her a motivation to smile. Kahit na pilit at kahit na masakit.

Nilingon niya ang pinto ng may kumatok roon at maya maya ay bumukas tsaka pumasok si Erwin.

Gulat na napatingin siya rito. "A-anong ginagawa mo dito? You should be in the church waiting for me."

He just hissed. Lumapit ito sa kanya. "As if naman sisiputin mo ako." Ani nito na binuntutan ng mahinang tawa.

"Alam mo namang wala akong choice."
Sinundan niya ito ng tingin ng umupo ito sa kama niya. Hinuli nito ang mga mata niya at tiningnan siya ng seryoso.

"Do you really love Clark Yuan, yeah?"
Takang tiningnan niya ito at di siya makapagsalita.

Ano bang nais iparating ng taong to? Why did he ask so sudden? At bakit ba siya nandito?

"What if I tell you to back out from the wedding?"
Gulat niyang nilapitan ito at sinuri ang mukha. Whether he's joking or serious.

"You won't do that. Alam kong gusto mo nang makuha ang mana mo."

He hissed again. Tumayo ito saka ginagap ang kamay niya at buong seryoso ng tumitig sa mukha niya.

"You are pretty. You are lovable. But I know, hindi ikaw ang nakatakda sa akin. And I believe, you are for Clark."
Binawi niya ang kamay.

"Naguguluhan ako Erwin. Ano bang gusto mong sabihin?"
He heaved a sigh at hindi niya napaghandaan ang pagyakap nito.

"I am not telling you to go to him. Pero ang gusto ko, umalis ka. Magpakalayo-layo ka. Away from your parents. Away from Clark. As much as I would like you to go to your husband, hindi yun maaari. Maaring mapahamak sila knowing that alam ng mama mo kung saan sila. Just make yourself invisible from all the people who recognized you."

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon