Chapter 28

158 9 2
                                    


...

"LET'S GO?"
Malalim ang pinakawalang hininga ni Venice bago tinanggap ang isang kamay ni Clark na nakalahad sa harap niya.

Bumaba siya sa sasakyan nito at tumayo sa tabi nito. Clark give her an assuring smile at binalingan ang kanilang anak na hawak din nito sa kabilang kamay.

Kabado siya habang papalapit sila sa pintuan ng bahay nito. Ramdam iyon ng asawa kaya marahang pinisil nito ang nanlalamig niyang kamay tsaka sinulyapan siya.

"Wag kang kabahan. It's just Granny Demi. She's nice."
Ani nito para pagaanin ang loob niya.

"Papa.. will Granny like me?"
Pareho silang napahinto para tingnan si Clavine na malungkot ang ekspresyon sa mukha.

Clark lower his body to face their son pero nanatiling hawak siya nito sa kamay.

"Sure she will. Ikaw pa ba?"
Ngumiti din ang bata tsaka nauna na sa kanila na ikinatawa lang ni Clark.

Nang makapasok sa bahay ay bumungad sa kanila ang masiglang mukha ni Baby na may dalang tray na naglalaman ng pagkain.

"Oh?! You're back." Nakangiting ani nito. "Nasa garden si Granny. Sabi niya dun na daw kayo dumiretso."

Sinundan nila ito dahil sa garden din ito patungo.

"Hey.."
Lumingon ito sa kanila at tumingin partikular na sa kanya.

"I haven't introduce my self yet. I'm Baby. And we're cousins." ani nito at tinuro si Clark na katabi niya.

Malapad ang ngiti na iginawad nito sa kanya. Kinuha ni Clark ang hawak nitong tray tsaka hinalikan siya sa noo.

"Well, I think you have to talk. Mauna na kami sa garden."
Tumango siya at tinanaw ang asawa habang akay nito ang kanyang anak na palabas sa pinto patungo sa hardin.

"About yesterday, I'm sorry you misunderstood.."
Alanganin na napangiti siya tsaka winagayway ang kamay sa harap nito.

"No.. I should be the one to say sorry. Sorry I misunderstood everything without even asking."
Umangkla ito sa braso niya at mahinang humakbang kaya nagpatianod na lang din siya.

"It's okay though. Actually palagi kaming napagkakamalan ni Clark na in a relationship. Geez... Incest."
Natawa siya sa sinabi nito dahil maging siya ay ganun din ang nangyari.

"By the way, I'm Freya Venice."
Aniya ng maalalang hindi pa pala siya nakapagpakilala dito.

"I know." Baby smiled. "Clark's wife. And anak niyo siguro yung cute kid?"

Napatingin siya dito dahil sa alam nito kung sino siya. Although she had an idea that Clark already told her.

"Well, Seb told me about you."
Kumunot ng noo niya.

"Seb?"
She ask. Pamilyar sa kanya ang pangalan pero hindi niya maalala kung sino ang may-ari nun.

"Yeah? Clark's brother."
Napatango-tango siya nang tuluyang maalala.

"Clark is so secretive. Kung di pa kita nakita kahapon at kung di pa ako nakapagtanong sa kapatid niya, talagang wala akong ideya. Kaya pala sobrang ilap niya sa mga babae way back on Manila. May hinihintay naman pala."
Ngumiti ito nang tumingin ito sa kanya. She as well smiled and can't help her heart to be flattered.

After all, totoo pala ang mga sinabi ng asawa sa kanya. And she is very happy that Clark really fulfill his promise to stay faithful to her no matter what happen.

"Thanks for telling me that."
Aniya na ikinakunot ng noo nito pero hindi na din ito nagsalita dahil nasa labas na sila at ilang hakbang nalang ang layo sa kinaroroonan nina Clark at ang lola nito.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon