Chapter 16

147 9 0
                                    


...

NAPAMULAT si Clark ng marinig ang ingay na nagmumula sa kanyang cellphone. Kinukuskos ang matang hinagilap niya ito hanggang sa maabot ng kanyang kamay.

"Hello?"
Sagot niya na hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumawag.

"Is this Mr. Yuan?"
Tanong ng nasa kabilang linya.

"Opo. Sino to?"
Sagot niya na tumatango. Napatingin siya sa tabi at nagtataka kung bakit wala si Venice doon.

Baka nasa banyo. Anang isip niya at tinuon ang pansin sa kausap.

"Your mother.."
Hindi pa man tapos ang sasabihin nito ay alam na niya kung ano ang sadya nito. Agad siyang napabangon at madaling sinimut ang nagkalat na damit tsaka madaling isinuot iyon.

"Papunta na ako. Hintayin niyo ako."
Tarantang ani niya bago pinatay ang tawag.

"Venice?"
Tawag niya sa asawa ng hindi ito makita sa banyo.

"Venice? Nasaan ka?"
Sigaw niya at pumasok sa kusina. Hinanap na din niya sa kabilang silid ang asawa at sa labas pero hindi niya ito nakita. Nababahala siya para dito pero higit ang pag-aalala niya sa ina.

Kailangan niyang makapunta sa hospital agad-agad dahil malala na ang kalagayan nito.

Kaya kahit labag sa loob niya na iiwan ang bahay ni Venice ng di man lang nagpapaalam dito ay nilisan niya ang bahay tsaka nagtungo sa hospital.

Nagtaka siya ng maabutan ang ina ni Venice sa hospital. Napangiti pa ito ng makita siya.

"Anong.. anong ginagawa niyo dito?"
Bagamat puno ng pagtataka ang isip niya, pinanatili niyang walang emosyon ang mukha.

"I'm here to ask you again about my offer."
Ngiting sabi nito at di niya mapigilan ang pagkainis.

"Ganyan ka ba ka desperada na alisin ako sa buhay ng anak mo?"
Nanggagalaiti na tanong niya dito. Pinipigilan niya lang ang sarili na bulyawan ito dahil ayaw niyang gumawa ng eksena.

"Yeah! I am that desperate to save my daughter from a poor and dirty man like you. At pasalamat ka nga, concern pa ako sa ina mo na kung di mo pa magawang paoperahan ngayon ay mamamatay na siya."

He lift his fist para sana saktan ang ginang pero hindi niya nagawa. He keeps on bearing on his mind that this woman he is facing is the mother of his love one.

"Umalis ka na."
He firmly said pero hindi iyon sinunod ng ginang.

"Bakit ang tigas mo Mr. Yuan? Sa tingin mo ba ipaglalaban ka ng anak ko? Isang kagaya mo na hampas lupa? Pwes nagkakamali ka dahil nasa mansion ngayon si Venice at pumayag na siyang magpakasal kay Erwin."

Nanlambot ang tuhod niya sa narinig. Gusto niyang kompirmahin kung tama ba ang sinabi ng ginang pero walang lumabas na salita sa kanyang bibig.

"Anyway... Bilang huling kahilingan nalang din ng anak ko, ako ang aako sa lahat ng bayarin sa pagpapaopera ng ina mo. At aasahan kong bukas na bukas, wala na kayo dito sa lugar na ito."

Wala siyang maapuhap na sabihin. Hindi siya naniniwalang ganun nalang siya kung talikuran ni Venice. Mahal na mahal siya nito kaya hindi totoo ang sinabi ng ginang na pumayag itong magpakasal sa iba.

"My business here is done."
Saad ng ginang bago umalis. Nanlulumong napatingin na lamang siya sa papalayong bulto nito ng hindi man lang naisatinig ang mga nais niyang sabihin.

"Mr. Yuan--- I need you to sign here."
Wala sa sariling tinanggap niya ang papel na binigay sa kanya ng nurse at lumilipad ang isip na pinirmahan iyon ng hindi man lang binasa.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon