Chapter 9

210 13 2
                                    

Warning: SPG

(A/N: Some scenes on this chapter has mature content. Read at your own risk.)

...

MATIIM na pinagmasdan ni Clark ang nakahigang dalaga pagkatapos niya itong maalalayan. Nanlalamig ito nung mahawakan niya kaya pagka higa ay agad niyang binalot ng kumot.

"S-salamat.. Pwede mo na akong iwan Clark. Ayos na ako."
Pagtataboy nito sa kanya ng hindi siya nililingon.

Marami pa siyang itatanong dito kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong ito. Subalit baka hindi yun mabigyan ng kasagutan dahil masama ang pakiramdam ng dalaga. Mas maiging makapagpahinga ito.

"Dito lang ako. Babantayan kita kaya magpahinga ka nalang dyan."
Ipagpabukas nalang siguro niya ang pagtatanong dito.

Tunog lang ng aircon ang namayani sa loob ng silid. Marahil ay tulog na yata ang dalaga.

Napahilig sa sofa si Clark at nagpakawala ng buntong hininga.

Nais niyang tanungin ang dalaga kung anong nangyari sa loob ng isang buwan. Pagkatapos kasi ng huling pag-uusap nila tungkol sa pagputol ng kaugnayan nila ay hindi na niya ito nakita ulit.

Nitong gabi lang sila muling nagtagpo at kasama pa nito ang hinala niyang pakakasalan ni Freya pati ang mga magulang ng mga ito.

Ngunit lihim siyang nagpasalamat dahil muli silang nagkita nito. Nakita niya kung paano iniwan si Freya nung kasama nito at sumama sa ibang babae kaya hindi niya mapigilang magalit at lingid sa kaalaman ng dalaga ay nasuntok niya ang binata kanina pagkalabas nito ng restaurant.

"Clark.."
Napalingon siya at agad lumapit kay Freya nang sambitin nito ang pangalan niya.

"Bakit? May kailangan ka ba? Kumusta na pakiramdam mo?"
Sunod sunod niyang tanong.

"Nilalamig ako.. Can you.. Can you sleep beside me?"
Pagkasabi nun ng dalaga ay hinuli nito ang kamay niya at marahang hinila kaya wala siyang nagawa kundi humiga sa tabi nito.

Pagkahiga niya ay agad itong sumiksik sa kanya at niyapos sa bewang niya ang kamay nito kaya nabato siya sa kinalalagyan.

Parang unti-unti ding uminit ang paligid ng maramdaman niya ang pagkakadikit ng mga balat nila.

Mas lalo siyang naninigas ng inaamoy-amoy ng dalaga ang leeg niya.

"V-venice... A-anong ginagawa mo?"
Nauutal niyang tanong sa dalaga.
Parang sa isang iglap lang din ay nabuhay ang kanyang katawan.

"Hmm.. I like your smell.."
Pabulong na sabi nito sa kanya at maya-maya lang ay naramdaman na niya ang labi nito sa leeg niya.

His breathing becomes ragged.
His buddy seems to be awaken.
And this is not going to be good for him.

"V-venice.. Stop that. You're sick."
Saway niya dito pero hindi man lang gumalaw ang kanyang katawan para pigilan ito dahil ang totoo ay gusto naman din niya ang ginagawa nito.

"Sinabi ko na sayo na ituloy natin ang deal. And let's start with this one."
Pagkasabi nun sa kanya ng dalaga ay walang hisitasyon na siniil siya ng halik nito na siyang walang pag-aalinlangan naman niyang tinugon.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon