Chapter 10

233 11 4
                                    

...

NAGISING si Clark ng makaramdam ng pagkilos sa tabi niya. Kung kanina ay malamig na malamig ang pakiramdam niya, ngayon naman ay mainit na.

Nilingon niya ang tabi at nakita si Venice na nakasiksik sa may leeg niya. Kaya pala nakaramdam siya ng pagkangalay sa bahaging iyon.
Hinaplos niya ang buhok nito dahilan para magising ito at magtama ang mga mata nila.

"Hmmm.. sorry."
Mabining sabi nito kaya hindi mapigilang lumundag ng kanyang puso.

Hindi niya rin napigilan ang sarili na gawaran ito ng magaang halik sa noo.

Akala niya ay aangal eto pero tumingin lamang ito sa kanya at ngumiti.
Nagulat pa siya ng walang pasabing dumagan ito sa katawan niyang hanggang ngayon ay wala paring telang nakatakip.

Lumalim at bumigat ang kanyang paghinga kasabay ng pagkabuhay ng kanyang alaga doon sa baba.

"V-venice.."
Mahinang sambit niya na nahulog sa isang ungol. Pilyong ngiti lamang ang iginanti sa kanya ng dalaga.

"Hmm.. Can you accompany me again tonight? Ayaw kong mag-isa dito sa bahay kapag gabi na. Nakakalungkot."
Parang nagagayumang tumango naman siya at tuluyang nawala sa sarili nung dumampi sa leeg niya ang malambot at mainit na labi ng dalaga.

Only Venice could make him lose his mind. Kung sabagay, tanging ito lang din naman ang babaeng nakakuha ng atensyon niya at ayaw na niyang bumaling pa sa iba.

"Saan ka ba ngayong araw?"
Mahinang tanong nito sa kanya na hindi parin tinitigilan ang ginagawa sa leeg niya.
Nakakakiliti na nakapagpabuhay sa pagnanasang kanyang naramdaman. Kung ipagpatuloy pa ito ng dalaga ay baka hindi na niya mapigilan ang sariling angkinin itong muli.

"V-venice.. stop it."
Pigil niya pero sa kabilang isip ay gusto niyang ipagpatuloy pa ang ginawa nito.
Pero kapakanan ng dalaga ang kanyang iniisip kung kaya pinigilan niya ito.

Nakasimangot ang mukhang tumigil at humarap ito sa kanya.
Anyo rin itong maiiyak kaya nagpa-panic ang loob niya.

Anong nagawa ko? Anang isip ni Clark.

"Ba-bakit mo ko pinatigil?"
Naluluha ang matang sabi nito.

"Ahh.. ehh.."
Tanging nasabi niya dahil hindi niya alam kung anong sasabihin.
Nagulat nalang siya ng biglang bumaba ang mukha nito at madiin na kinagat siya sa leeg.

"FucK!! Venice!!"
Gulat na sabi niya. Padabog naman itong umalis mula sa pagkakadagan sa kanya at tinungo ang kama.

"Umuwi ka na nga."
Galit na sabi nito bago pinaghahagis sa kanya ang kanyang damit na nakakalat sa sahig.

"S-sorry Venice.."
Hinging paumanhin niya kahit hindi niya alam kung anong kasalanan niya.

Ganun ba ito kasabik na nagalit ito ng pigilan niya?
Hindi niya alam. Hindi rin naman niya lubusan pang kilala ang ugali ng dalaga kaya wala siyang ideya kung bakit ganito ang inaakto nito.

"Umalis ka na baka mainis ako sayo at masipa kita."
Takang sinulyapan nalang niya ito na nakakunot ang noong nakamasid sa bawat kilos niya. Hanggang sa makapagbihis siya ay hindi siya hiniwalayan ng masama nitong titig.

"S-sige.. Babalik nalang ako mamaya.."
Paalam niya at agad umilag ng makitang hinagisan siya nito ng unan.

Seryoso!? Anong nangyari sa babaeng ito?
Tanong niya sa isip.

"Wag ka nang bumalik! Nakakainis yang pagmumukha mo!"

Naiiling na umalis na lamang si Clark at wala sa sarili habang naglalakad na pauwi sa kanila.
Madilim pa ang paligid marahil ay alas singko pa ng umaga.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon