Chapter 2

384 16 3
                                    

...

CLARK heaved a deep sigh nang makarating siya sa hospital. Pinalipas na muna niya ang ilang sandali na manatili sa labas ng kwarto ng ina.

Pagkatapos kasi niyang mag serbisyo sa party ay pinauwi na siya ng manager ng club. Umuwi na din siya sa bahay para daluhan ang kapatid na sa paglipas ng araw ay nasanay nang maiwang mag-isa sa kanilang bahay dahil na rin palagi siyang nasa hospital pag gabi at nagtatrabaho naman sa convenience store kapag umaga.

Lupaypay na umupo siya sa sahig at sumandal sa dingding sa labas ng kwarto ng ina at nasapo ang ulo.

Kumawala ang mga luha sa kanyang mata at nanariwa muli sa alaala ang pangyayari kanina.

Hindi lang alam ng mga naroon sa silid na iyon kung gaanong tapang ang hinugot niya para gawin yun. Hindi alam ng mga ito kung gaanong hiya ang nararamdaman niya sa sandaling iyon.

Naaalala niya ang tingin sa kanya ng mga tao sa silid na iyon

He felt like he's a whore, selling his dignity for money.

Napasabunot siya sa sariling buhok at tahimik na umiyak. Kung hindi lang nakaratay ang kanyang ina at nangangailangan ng malaking halaga ay nungkang mamamasukan siya sa club na iyon.

May naipon na siyang halaga ngunit hindi parin ito sapat para sa operasyon ng ina kung kaya kailangan pa niyang bumalik muli sa club kinabukasan at magbabakasakaling  makahanap siya ng halagang idadagdag sa naipon niya.

Lumipas din ang kalahating oras bago niya naisipang pumasok. Pinahid muna niya ang luha sa mata at inayos ang sarili bago tuluyang binuksan ang pinto at lumapit sa ina nitong natutulog.

Hindi na naman niya napigilan ang luha ng pagmasdan ito.

Ayaw niyang mawala ang ina. Sapat nang mawalan sila ng isang magulang at baka hindi niya kakayanin kung pati ito ay mawala.

Kaya gagawin niya ang lahat para dito.
Kahit na kakapit pa siya sa patalim.

Alas nuebe ng umaga ng umuwi siya sa bahay nila galing sa hospital. Wala ang kapatid nito marahil ay pumasok na sa paaralan.

Nasa ika anim na baitang na ang kapatid niya at nagalak siyang kaya na nitong alagaan ang sarili.

Nagmadali na siyang magbihis para pumasok sa convenience store. Kahit walang sapat na tulog ay hindi niya ininda iyon. Pagkatapos ng operasyon ay makakaraos rin siya.

Konting tiis nalang. May awa din ang Dios.

"Clark! Buti dumating ka na. Kumusta na ang nanay mo?"
Salubong sa kanya ng amo na siyang may ari din ng tindahan na kanyang pinasukan.

Bakas ang simpatya sa mukha nito kaya lihim na nagpasalamat siya dahil kahit papaano, may dumamay sa kanya.

"Ganun pa din po mam Rose, kailangan na talagang maoperahan next week."

"May pambayad ka na ba sa operasyon?"
Napayuko siya dahil sa tanong nito.

"Kung sana lang ako nalang ang magbabayad eh. Pero alam mo din naman ang sitwasyon namin kahit na ba may pinagkikitaan kami. Kaya pasensya na talaga Clark kung konti lang ang maitulong namin."

Napangiti siya sa ginang at ginagap ang kamay nito.

"Ayos lang po mam. Malaking tulong na po yun. At saka, wag niyo lang akong paalisin dito sa tindahan ay ayos na sa akin. Makakahanap pa naman ako ng ibang paraan para matuloy ang pagpapa-opera ni mama."
Ginulo ng ginang ang buhok niya at lumungkot ang mukha nito.

Alam niyang naaawa ito sa kanya pero hindi na nito isinatinig pa.

"Oh sya, may bumili dito ng maraming supplies kanina ipapahatid nalang sa tirahan nila. Madami-dami din iyon at wala pa ang Sir mo kaya ikaw nalang ang maghatid. Baka magreklamo na yung costumer na yun kung hintayin pa nating dumating si sir mo."
Tumango siya at nilapitan ang nakaplastic at karton na mga food supplies at iba pa.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon