Chapter 12

165 12 0
                                    

...

CLARK was standing straight in front of a judge on his late 50's. Suot niya ang puting-puti na polo at plantsadong itim na slax.

He's nervous yet the overwhelming feeling arises most lalo na nang masilayan ang ngiti ng kanyang katabi.

Simple lamang ang ayos nito pero mas lalo itong gumanda sa suot nitong puting bestida. Off shoulder ang suot nito na may mga ruffles na rosas na desinyo. Hapit sa balingkinitang katawan ng dalaga ang bestida at umabot hanggang tuhod ang taas nito. She's wearing a white open toe shoes that perfectly fits her dress.

He can't help but to admire the beauty in front of him. Hindi siya makapaniwalang ikakasal na sila.

"Wala na ba tayong hinihintay?"
Tanong sa kanila ng kaharap na naka pormal ng suot.

Nagkatinginan muna ang dalawa tsaka parehong nakangiting humarap.

"Wala na po."
Sabay nilang sabi. Nagsasalita sa harap ang judge tungkol sa mga gampanin nila kapag naging mag-asawa na sila at matiim naman silang nakikinig. Paminsan-minsan din silang nagkakatinginan at sabay na ngingiti.

"By the power vested in me through the law of the Republic of the Philippines, I now pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride."

Pinakatitigan niya muna ang dalaga na nakangiti sa harap niya. Parang kailan lang nang nagtapat ito sa kanya at wala siyang naging tugon.

Parang kailan lang din nung muli silang magkita sa kaarawan nito habang sinasayawan ang dalaga.

Hindi pa rin ganun katagal bago sila nagkaroon ng kasunduan na nauwi sa totohanan.

Ngayon, mag-asawa na sila.
Kahit hindi man sa simbahan ang kanilang kasal at sa harap lang ng isang husgado, masaya pa rin siya at siya ang pinili nito.

5 days ago when Venice told him about getting married. Hindi niya alam na ganitong kaaga pala sila magpapakasal. It's in a hurry pero bakit pa siya tatanggi?

Now that Venice chooses him, he's now willing to fight for her whatever will happen.

He leaned closer to her. Tears form on his eyes as his lips touches hers.

"I love you Freya Venice Yuan.. My wife.."
He said after the kiss. Naluluhang tumitig naman sa kanya ang kabiyak.

"I love you too, Clark Demive Yuan.. My husband."
They again shared a kiss, a long and passionate one kaya tumikhim na ang judge at tumatawang sinaway sila.

"Oh sya.. I'll process your papers. Balikan niyo nalang after 2 days. Congrats to both of you. May you live in peace and harmony and love."

Nagpasalamat sila sa judge at parehong nakangiting nilisan ang opisina nito.

Magkahawak kamay na pumasok ang dalawa sa tahanan nina Clark at parehong nakangiti.

Nadatnan nila ang ina niya na kasalukuyang naghahain ng tanghalian sa hapag.

"Ma.."
Tawag pansin niya dito. Lumingon naman ito at ngumiti sa kanilang dalawa.

"Oh? Tamang-tama, kumain na kayo."
Ngiting aya nito sa kanila at magkatabi na umupo na sila.

"Kumusta naman ang kasal? Pasensya na talaga kayo at di ko kayo nasamahan."

"Ayos lang po m-mama. Mas mahalaga pa rin ang kalusugan mo at maayos naman pong natapos yung kasal."
Tugon ni Venice sa ginang.
Ngumiti naman ito at parehong hinawakan ang kanilang kamay.

May luha sa mga mata nito habang pinagmamasdan sila.

"Mga anak.. Alam kong maraming hahadlang sa inyo. Ang maipapayo ko lang, alagaan ninyo ang isa't isa at harapin niyo ang buhay ng magkasabay."

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon