Chapter 8

244 12 1
                                    

...

NAPAHILOT sa sentido niya si Clark nang makarating sa hospital. Naaalala na naman kasi niya ang nangyari kagabi. Bagama't wala siyang pinagsisisihan doon ay inaalala pa rin niya kung anong gagawin niyang pakikitungo sa dalaga.

Nahihiya siya dito kahit na sabihing walang nawala sa kanya. Kung tutuusin ay sang-ayon naman ito sa napag-usapan nilang kasunduan ng dalaga pero di naman niya inaasahang mapaaga ang katuparan noon.

Lihim din siyang nagdiwang dahil siya ang kauna-unahang lalaki na nakagalaw kay Venice. At noon pa man, nangako na din siya sa kanyang sarili na ang tanging gagalawin lamang niya ay ang babaeng kanyang nais makasama ng habang-buhay.

Alam niyang maliit lang ang tsansa na mangyari yun dahil sa kanilang estado sa buhay at alam niyang hindi din sang-ayon sa kanya ang magulang nito bagama't nagpapanggap lamang sila ngunit sasamantalahin na niya ang pagkakataong ito na tuluyang mapasa-kanya si Venice. At sana lang ay mamahalin din siya ng dalaga. Sana lang hindi hahangga ang ugnayan nila dahil sa isang kasunduan sa pagbabayad niya ng utang dito.

"Anak... ayos ka lang ba?"
Nilingon niya ang ina na nakaupo sa hospital bed nito at matiim siyang tinitigan.

Masaya siya dahil unti-unti nang nanunumbalik ang sigla ng kanyang ina. At isa sa kanyang pinapasalamatan ay si Venice. Baka nga wala na ang kanyang ina kung hindi siya tinulungan ng dalaga.

"Oo ma. Ayos lang po ako."
Lumapit siya sa kanyang ina at tumabi ng upo dito.
Yumakap naman ito sa kanya at inihilig sa balikat niya ang ulo nito.

"May gumugulo ba sa isip mo anak?"

Umiling lang siya at nananatiling tahimik. Gusto niyang mag kwento sa ina tungkol sa mga nangyayari ngunit inaalala niya ang kalagayan nito. Baka mapaano pa ito pag sinabi niya ang totoong estado nila ni Venice. Mukhang siyang-siya pa naman ito nang malamang kasintahan na niya ito.

"Bukas nga pala ma, pwede na tayong umuwi."
Masayang niyakap siya ng kanyang ina.

"Salamat sayo anak. Salamat at di mo ako pinabayaan. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo, kayo ng kapatid mo. Pasensya na kayo at mahina ang ina niyo. Pangako, babawi ako sa inyo. Aalagaan ko kayo ng kapatid mo."

"Wala yun ma. Mahal ka namin at ayaw ka naming mawala. Di ko kakayanin kung pati ikaw iiwan din kami. Kaya gagawin ko po ang lahat ma, para lang makasama ka namin ng matagal."

Naiiyak na niyakap siyang muli ng kanyang ina.

Nasa ganun silang eksena ng pumasok si Venice.

"Oh, Freya anak.. Napadalaw ka."
Nakangiting bati ng ina niya sa kakarating lang na dalaga.
Pansamantala siyang nakalimutan ng ina na siyang ikinangiti niya na lang.

"Magandang araw po. Kamusta na po ang pakiramdam niyo?"
Masaya nang nag-usap ang dalawa habang siya ay nakikinig lamang.

Talagang gustong gusto nito si Venice kahit noon pa man nung sa larawan lang nito nakita ang dalaga.

"Ang swerte mo anak pag siya ang napangasawa mo. At syempre, mas swerte siya sayo dahil napakabait mo."
Naiiling siya ng maalala ang sinabing iyon ng ina niya. Iniisip din niya kung ano na kaya ang nangyari kung walang trahedyang dumating nung nagtapat sa kanya ang dalaga dalawang taon na ang lumipas.

Marahil ay masaya na siguro sila ngayon.

Pero kahit ganun, gagawin niya ang abot ng kaniyang makakaya na hindi sila hahangga lang sa pagpapanggap.

"Oh, anak! Ano pang hinihintay mo dyan?"
Nabalik siya sa realidad ng sikuhin siya ng ina. Wala na din sa silid si Venice at hindi man lang niya iyon namamalayan.

That Macho Dancer | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon