Gabriella POV
"Gabriella, wait! Please! I'll explain further! Please listen!!"
Mabilis akong naglakad kahit pakiramdam ko bibigay ang katawan ko. Ano bang binigay sa akin ni Haize kagabi?
I know he kissed me, kagaya ng ginawa ko sakanya noon. Pinalunok nya din ako ng gamot.
Mabilis akong lumagpas kina White at Isaac. Nandito din si Lucas. At bakit naman nandito ang tatlong to?
Hindi ko na sila pinansin at tumungo sa pinto at binuksan iyon.
"Ella!"
Nanlaki ang mga mata ko ng mabungaran sa labas ng pinto si Nathaniel at bigla nya akong niyakap. Napa tigil ako.
"Alam ko kung bakit ka nandito sa loob ng school na ito since before. I know you very well, stop it Ella. Tumigil kana sa ginagawa mo, revenge will not give you a peace of mind it will just break you. I'm willing to be your shield because im doing it all this time. Muntik nang malaman ng lahat ang katotohanan kung sino ka."
Ramdam ko ang paghaplos nito sa likod ng buhok ko.
"I know your hurting, that's why i'm begging you to stop."
Mabilis kong tinulak si Nathaniel sa pagkakayakap sa akin.
"Stop? That's not in my vocabulary, Nathaniel. Wala akong pakialam kong nabuking na ako o ano. I'll seek revenge for my twin and no one can stop me. Get off."
Hindi sya umalis sa harap ko kaya malakas ko syang tinulak at nilagpasan.
I heard him calling my name several times pero hindi ko sya pinansin. Hindi ko din pinansin ang kakaibang titig ng mga estudyanteng nakaka salubong ko sa corridors.
Naalarma ako ng may humigit sa braso ko at hinila ako sa isang direksyon.
"Schalzi, the fuck?"
Inis kong bulalas ng mapag sino ito.
"Gab, aalis na tayo dito. We will hide until Estevan would grow tired following you. Makakalimutan nya din ang pinagkasunduan nyo."
Winaksi ko ang brasong hawak nya.
"Akala ko ba matalino ka? You know very well that wala na akong takas. Maybe makakatakas ako sa mata ni Estevan but not in the eyes of the mafia lords."
Nakita ko itong napa kagat ng labi at pumikit ng mariin. I know alam nya din iyon.
"Naipadala ko na sa iyo ang box. Nakuha mo diba?"
Nagulat ako.
"You mean?"
"Yes, ako ang naglagay ng box na iyon sa terrace nyo. Alam kong nandito ka lang para sa kapatid mo. At alam ko kung sino ang pumatay sakanya gabriella."
Nanlaki ang mga mata ko at gulat syang binalingan. Hinablot ko ang braso nya at seryoso syang pinagka titigan.
"Who?!"
"This is not the place to talk about it."
"D*mn! Gusto ko nang malaman ngayon din!"
Mariin kong hinawakan ang braso niya sa inis.
"Fvck it, gab! Get a hold of yourself! Alam kong mas lumaki ang galit mo sa mga nangyari sa kapatid mo! I even watch the video that night! Pero kailangan mong kumalma, okay?!"
Napapa kurap naman ako at tila ngayon ko lang napagtanto ang mga reaksyon ko. Napapikit ako ng mariin at napa buga ng hangin sa inis dahil sa ginawa ko.
I even hurt my cousin, shit. I need to say sorry to Rafael, hindi dapat sya ang pinagbuntungan ko ng galit.
"Follow me."
Hinigit naman ulit ako ni schalzi.
...
"Tignan mo."
Inabot ni schalzi sa akin ang ilang larawan na syang kinuha ko at tinitigan.
"Mabuti nalang at hindi ka nabuking sa lahat ng mga estudyante kagabi. Bago kapa makasigaw hinalikan kana ng lalaking yon. Mabuti nga iyon e."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni schalzi at napatingin sa hawak na mga litrato. Nangitngit ko ang mga ngipin sa galit.
"So, sila pala ang may gawa?"
Hindi ko mapigilang mainis. Mabilis akong napa tayo sa galit pero mabilis din akong pinigilan ni schalzi.
"Woah! Hindi ka naman ganito ah! Hindi ka nagpapadalos, we need a neat plan. Nalaman ko din kamakailan lang na hindi sila normal na tao lang dito sa akademya, we need to be extra careful in making plans just to kill them, gab."
Napatingin ako kay schalzi at muling napa upo.
"Then, we will make plans."
Tinitigan ko si schalzi at pareho kaming napa ngisi.
"We will make plans."
Pag uulit nito sa sinabi ko.
...
Mahina kong inalog ang hawak na glass tubes.
"Try this."
Binigay ko ang isang pill kay schalzi .
"Lunukin mo."
Tumango naman ito at ginawa ang sinabi ko.
"Enhancement pill. Mabilis kang makakapag catch up sa mga nangyayari sa paligid natin at hindi lang yon. Nagiging matalas ang isip at pandinig mo sa lahat ng bagay."
Paliwanag ko kaya napa ngiti si schalzi.
"I can surely benefit from this. And it tastes sweet."
Lumipat ako sa isang lamesa at upang maghalo ng ilang ingredients. Nandito kami sa dorm ni schalzi, matapos naming mag usap kanina ay pinagpasyahan kong gumawa ng bagong pills na makakatulong sa aming plano.
"Of Course, I added sugar. Take this."
Hinagis ko sa kanya ang tatlong capsule ng pills na sinalo lamang nito.
"Alam mo naman siguro kong anong mga pills ang nandyan. Mayroong light at dark ang mga kulay ng mga pills sa capsule na yan. Kapag light ang kulay ibig sabihin yan ang mga lason na pills habang ang mga dark colors na pills, yan ang mga lunas sa mga lason. Nasabi ko na sayo isa isa ang mga lason ng iba't ibang kulay at sana nakuha mo. Iniba ko naman ang lalagyan, saka ang isang pill ay para sayo. Just in case masugatan ka kailangan mo yan."
Tumango ito.
"Areglado."
Nginitian ko sya.
"Hindi muna tayo kikilos ngayon, huhupain muna natin ang mga tsismis tungkol sa nangyari. Kikilos tayo kapag hindi handa ang kalaban. I'm trusting you on this, schalzi."
Nginisihan nya ako.
"I won't do the same thing again, Gabriella. Ipapakita ko sayong sising sisi na ako sa ginawa ko."
I simply smiled.
YOU ARE READING
SPECIAL ACADEMY [UNDER MAJOR REVISIONS]
Mystery / ThrillerWelcome to the intriguing world of the Special Academy, a prestigious institution shrouded in mystery.