Kabanata 1: Ang Pagbabago

59 0 0
                                    

"Beep! Beep!" busina ng kotseng humaharurot sa bilis.

"ANDREA!!"

Binilisan ko pa ang takbo at bigla akong tumalon para itulak si Andrea palayo sa daraanan ng kotse. Wala na akong pake kahit ako pa ang masagasaan, mailigtas ko lang si Andrea. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala si Andrea, mas mabuti pang ako na lang ang mamatay 'wag lang siya.

Tumilapon si Andrea sa sidewalk dahil sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya. Napalingon ako sa kotse. Hindi na ako nakapag-react, hindi na ako nakatalon. Tuluyan akong nabundol ng kotse at tumalbog ako sa kalsada. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko na naramdaman ang sakit ng katawan ko. Tumigil ang kotse at bumukas ang mga pinto nito, dalawang babaeng tao ang lumabas mula roon at lumapit sa akin. Muli akong tumingin kay Andrea, hay.. salamat naman at ligtas siya. Nakaramdam ako ng pagkahilo at unti-unti nang pumikit ang aking mga mata.

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si San Pedro na hinihimas-himas ang hawak niyang manok at nakatitig sa akin. 

"O! Charlie, gising ka na pala." 

"San Pedro? totoo ka pala. Nasa langit na ba ako?" Sagot ko sa kanya at tumayo na ako sa apat kong mga paa.

"Tumigil ka diyan Charlie, nasa gate ka palang ng purgatoryo." Sagot ni San Pedro, 'di lang ako sure kung nagbibiro o seryoso na siya.

"...At dahil nagpakabayani ka, bibigyan kita ng chance para mabuhay bilang isang tao. Di'ba iyon ang gusto mo?" Dagdag ni San Pedro at ngumiti siya. 

Oo, tama siya, matagal ko nang kahilingan ang maging isang tao. Gusto ko maging isang tao kasi gusto ko lang maranasan ang mga ginagawa nila sa araw-araw. Since pusang gala ako, lagi akong nakakakita ng mga tao sa lansangan, may mga taong binibigyan ako ng pagkain, may mga taong tinataboy ako sa bahay nila, at may mga taong nantitrip sa aming mga pusa. Sa tinagal-tagal ko na dito sa mundo na kung saan naghahari ang mga tao, napag-aralan ko na ang language nila ang kaso nga lang 'di ko ito masalita kasi nga pusa ako. Pero si San Pedro? okay siya haha, naiintindihan niya lahat ng wika sa mundo.

"Ah, opo." Tugon ko sa sinabi niya at ngumiti ako. 

"Osige, bibigyan kita ng 30 days para mabuhay bilang isang tao at kapag napatunayan mong karapat-dapat kang maging isang tao, eh magiging tao ka na ng tuluyan." Nakangiting sinabi ni San Pedro. Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita at ipinatong na niya ang kanyang kanang kamay sa ulo ko. 

"Charlie, ipikit mo ang iyong mga mata. Simula ngayon magiging isang tao ka na."

Ipinikit ko ang aking mga mata gaya ng sinabi ni San Pedro. Naramdaman ko ang init ng mga kamay niya sa ibabaw ng ulo ko sabay sa pag-gaan ng pakiramdam ko. 

"Charlie, maaari mo nang idilat ang mga mata mo."

Idinilat ko ang mga mata ko at bigla akong nanlamig. Nagsimula na akong manginig sa sobrang lamig. umupo ako mula sa pagkakahiga at napansin kong wala na ang mga balahibo ko. Napatingin ako sa isang salamin na nakapatong sa ibabaw ng mesa at nakita ko ang sarili ko.

"TAO NA AKO!!!"

 A/N:

Ano kaya ang pakiramdam ng isang pusa?

minsan gusto ko maging pusa haha

please vote up :) share your opinions :D

thanks sa pagbasa !

update ko na agad ang chapter 2 kapag matapos ko :))

shout-out pala kay blueblindeyes :) para sa'yo 'to

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon