Kabanata 10: Tricia, Ikaw na lang Ang Pag-asa Ko

12 0 0
                                    

Lumiko ako sa isang kanto para mailigaw ang mga pulis na humahabol sa akin. umikot nanaman ako sa isang makipot na eskinita kung saan hindi na nila ako makikita. Ipinark ko ang motor sa isang madilim na sulok sa eskinita. Bumaba ako at nagtago naman sa loob ng isang basurahan sa tabi ng motor. Tinitiis ko ang amoy at lansa sa basurahan, 'wag lang akong makita ng mga pulis. Naririnig ko ang mga sirena nila na lumagpas na sa kinaroroonan ko kaya sinilip ko kung totoo ang hinala ko.

Wala na sila. Nakahinga na rin ako ng maluwag. Tumingin ako sa relo ko para tingnan ang oras at nakita kong 10:00 na ng gabi. Nagdesisyon na akong pumunta sa bahay ni Tricia para humingi ng tulong. Sumakay ako ulit sa motor, at humarurot papunta sa bahay nila.

"Tricia! Gising ka pa ba?!" 

Sigaw ko sa harap ng bahay nila habang kumakatok sa gate nila. Mukha na akong tanga dito pero siya nalang ang kakampi ko dito sa mundo ng mga tao. 

"Tricia! please! desperado na ako." 

Biglang bumukas ang ilaw sa kwarto ni Tricia. Narinig ko ang mga hakbang niya na papalapit sa gate. Bumukas ang gate at sumilip siya.

"Oh, Charlie gabi na ah. Napadaan ka dito." 

Tanong niya sa akin na para bang nagtataka at inaantok na. Nagambala ko yata ang pagtulog niya.

"Sorry, naistorbo pa kita. Kailangan ko ng tulong mo."

"Osige... Halika pasok ka muna."

Pinapasok ako ni Tricia sa bahay nila. Inilapag ko ang bag na nasa likod ko at pinatong ko sa mesa. Nakikita ko sa mga mata ni Tricia ang pagtataka sa mga ginagawa ko.

"Tricia, hinahabol ako ng mga pulis." 

"Ha? Ano? Bakit ka hinahabol ng mga pulis?"

Mukhang 'di siya makapaniwala sa sinabi ko. Wala na din akong oras para ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari. Ang gusto ko lang muna ngayon ay magtago. Pero kailangan niyang malaman ang totoo.

"Tricia, napatay ng isang magnanakaw si Anne, yung kasama ko sa apartment. Ako ang pinagbibintangan na pumatay sa kanya." 

Malungkot na tugon ko sa kanya. Nawala ang bakas ng pagtataka at takot sa mukha ni Tricia. Hinawakan niya ang braso ko at umupo kami sa para pagkwentuhan ang mga pangyayari. Ipinaliwanag ko sa kanya ang buong pangyayari at sa tingin ko naman eh naniniwala siya sa mga sinabi ko. 

"Huwag kang mag-alala, lalabas at lalabas din ang katotohanan." Sabi ni Tricia sa akin para gumaan ang loob ko.

"Salamat Tricia." Tinitigan ko siya na may mga seryosong mga mata. 

"Blug! blug! blug! blug!" May kumakatok sa pintuan.

Lumapit si Tricia sa pintuan at marahang binuksan ito. Nagtago naman ako sa ilalim ng kama sa kwarto niya. Kung saan nanganak ang pusa niya. Nakalimutan ko pang isara ang pinto ng kwarto niya sa pagmamadaling magtago. Dahil dito, Nakikita ko ang pag-uusap ng pulis at ni Tricia.

"Pulis ho, nakita niyo ba ang lalaking ito?"

Tanong ng isang matabang pulis at ipinakita kay Tricia ang isang larawan. Ito ang larawan naming tatlo nina Anne at Chesca at ako ang nasa gitna nilang dalawa. Nalungkot ako at napayuko na lamang sa nakita. Narinig ko ang tugon ni Tricia sa pulis na hindi ko inaasahan.

"Ah, eh, opo, nandito po siya. Nasa ilalim siya ng kama ko sa kwarto."

Nanlaki ang mga mata ko at nag-freeze ako sa narinig. Lumingon si Tricia sa pinagtataguan ko at itinuro ako sa mga pulis. Dahan-dahang lumapit ang tatlong pulis na nakatutok ang mga baril sa akin. Bakit ganun? Bakit nilaglag ako ni Tricia? Akala ko siya ang pag-asa ko. Akala ko tutulungan niya akong malinis ang pangalan ko. Bakit Tricia? Bakit...

Nakatingin ang mga mata ni Tricia sa akin habang pinposasan ako. Para bang ang mga mata niya ay nagsasabing 'sorry'. Kinaladkad ako ng mga pulis palabas ng bahay ngunit napahinto kami sa pintuan kung saan nakatayo si Tricia. Tinitigan ko lang siya, wala akong masabi at gulat parin ako hanggang ngayon. 

"Charlie, I'm sorry. 'Wag kang mag-alala lalabas at lalabas din ang katotohanan."

Hinila na ako ng pulis palabas sa bahay nila at isinakay na ako sa kotse nila. Nakatingin parin ako sa bahay nila habang umaandar na ang kotse. Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Tricia. Akala ko tutulungan niya ako. Pero akala ko lang pala iyon. 

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon