Kabanata 11: Hindi Patas Ang Mundo

8 0 0
                                    

Nang makarating kami sa presinto, lumabas kami sa kotse. Iniisip ko pa rin kung bakit ako nilaglag ni Tricia. Hindi ko matanggap, akala ko pa naman siya ang makakatulong sa akin. Hinila ako ng isang pulis para ipasok sa loob ng police station, ngunit bago pa man kami makapasok may tumawag sa mga pulis.

"Mga pare!, kamusta na kayo?! Tagal na nating 'di nagkikita!"

Isang lalaking nasa 35 years old na at naka-americana ang dumating na may hawak na brown na suitcase. Mukhang magkakakilala sila ng mga pulis na umaresto sa akin. 

Binitiwan ako ng mga pulis sa pagkakahawak at lumapit sa lalaki na bumati sa kanila.

"Pareng Efren! Kamusta? Big-time ka na ha! wow!" Malugod na bati ng isa sa mga pulis.

At doon ay nagkakwentuhan sila, pagkakataon ko na para tumakas. Wala na 'kong sinayang na segundo at tumakbo na ako papalayo sa kanila. Hindi na ako lumingon sa kanila, basta tumakbo na lang ako. Nanginignig na ang buong katawan ko sa sobrang takot na baka abutan nila ako pero hindi ako nagpadaig sa takot. Kailangan kong maging matalino para makatakas sa kanila. Sandali, wala naman dapat akong takasan? Hindi ako ang pumatay kay Anne. Unti-unti kong narinig ang mga yapak ng mga pulis sa likuran ko, hinahabol na nila ako. Nang makarating ako sa isang kanto, agad akong lumiko doon para iligaw ang mga pulis na naghahabol sa akin. Hindi parin sapat ang 'pag liko ko sa kanto sapagkat nakita parin nila ako. Sinusundan pa rin nila ako. Nahihirapan akong tumakbo dahil nakaposas pa ang mga kamay ko. 

"Bang! Bang!" 

Nagulat ako at napayuko ng marinig ko ang dalawang putok ng baril. Pinapaputukan na ba nila ako? Hindi siguro, baka warning shot lang nila yun. 

"Huminto ka na! Kundi, babarilin kita sa paa!"  sigaw ng isang pulis na nakatutok ang baril sa akin habang tumatakbo.

Hindi ko pinansin ang sigaw niya. Tumuloy pa rin ako sa pagtakbo kahit na alam kong papaputukan na nila ako. Nang makarating ako sa panibagong kanto ay lumiko ako. Medyo napapagod na ako kaya parang bumagal nang kaunti ang takbo ko. Ganun din naman ang nangyayari sa kanila, kaya bumagal din sila ng kaunti. Dagdagan pa na may mga edad na rin ang mga pulis. Pero talagang kailangan kong tumakbo ng mabilis, nakasalalay dito ang kalayaan ko. Nang may makita akong isang bata sa kalye, naisip kong gawin siyang harang sa kanila. Hinatak ko ang kamay ng isang madungis na batang kalye at itinapon ko sa kanila. Napa-aray nalang ang bata sa ginawa ko pero 'di na ako lumingon sa likod para silipin ang nangyari. Gumana naman ito dahil tinulungan ng mga pulis ang bata na makatayo. Mas lumaki ang distansya namin ng mga pulis. Habang tumatakbo, natatanaw ko na ang isa pang kanto. Naiisip ko na lumiko doon, pero ganun din naman, masusundan din nila ako. Pero, sige, liliko na ako desperado na akong iligaw sila. 

"BANG! BANG!"

Napatigil ako sa pagtakbo at napadapa sa kalye. Nakita ko ang dugo na umaawas galing sa dibdib ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. Aray! Agh, ang sakit. Tinamaan ako ng bala. Sakto sa puso ang tama ko ng baril. 'Di ko alam, buhay pa ba ako? Bigla ko na lamang naalala ang lahat ng mga pinagdaanan ko bilang isang tao. Ang mga masasayang lakad namin nina Anne at Chesca. Ang pagpapanganak ng pusa ni Tricia sa mga kuting. Ang itim na kutsilyong nakabaon sa dibdib ni Anne.....

Hindi ko na sinubukang gumalaw pa at humiga na lamang ako sa kalye. Oras ko na talaga siguro ito. Nakikita ko na ang mga pulis na papalapit sa akin. Nang makalapit sila, nakatingin lang ako sa kanila ng walang expression sa mukha. Nagtataka ako dahil hindi ko nararamdaman ang sakit at pagod ng katawan ko. Mamamatay na ba ako? Dahan-dahang pumikit ang mga mata ko hanggang sa wala na akong makita.

-WAKAS-

A/N: 

Salamat sa pagbasa :)

May epilogue pa haha !

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon