Kabanata 9: Wala Akong Kasalanan

7 0 0
                                    

"ANNE!!" 

Dali-dali akong lumapit para ihiga siya sa mga binti ko. Tinatapik ko ang mukha at pilit ko siyang ginigising. 

"ANNE! GUMISING KA PLEASE!"

Habang tinatapik ko siya, pumatak na ang mga luha ko sa kanya. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko na parang gusto nang lumabas sa katawan ko sa lakas ng pagtibok. Pinipigilan kong sumabog ang mga emosyon ko pero hindi...hindi ko na kaya. Hindi ko na napigilan pa at napasigaw na ako sa sobrang galit at kalungkutan. Gusto kong habulin ang magnanakaw, gusto kong maghiganti sa ginawa niya kay Anne. Pero hindi, hindi gugustuhin ni Anne na patayin ko ang gumawa nito sa kanya. Tumingin na lamang ako sa mga mata ni Anne na nakadilat pa. Nakikita ko ang takot sa mukha niya, marahil ito na ang huling naging expression niya bago siya patayin. Ipinikit ko na lamang ang mga mata niya at hinugot ko ang itim na kutsilyong nakabaon sa dibdib niya. 

"CHARLIE? A-ANONG GINAWA MO?!" 

Lumingon ako at nakita ko si Chesca. Nanlalaki ang mga mata niya, napanganga siya sa nakita. Unti-unting nanginig ang mga tuhod niya at dahan-dahan nang pumatak ang mga luha niya. 

"Chesca, hindi ako ang may gawa nito"

Iyan na lamang ang naisagot ko sa kanya. Hawak-hawak ko pa ang itim na kutsilyo at duguan ang mga kamay ko. Alam ko ang iniisip niya pero mali iyon. Hindi ako ang pumatay kay Anne. Wala akong kasalanan.

Hindi na nakapagsalita si Anne at tumakbo na siya pababa sa apartment habang umiiyak. Wala na akong nagawa para pigilan si Anne, alam kong tatawag na siya ng mga pulis kaya hindi na ako magtatagal dito. Inilapag ko ang kutsilyo, naghugas ng kamay, kumuha ng bag na may lamang pagkain at mga damit. Tumingin akong muli kay Anne sa huling pagkakataon at pinunasan ko ang mga luha ko. Tumalon na ako sa bintana kung saan tumalon din ang magnanakaw. 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang makalayo sa lugar na 'to. Kahit na wala akong kasalanan, hinding hindi ako paniniwalaan ni Chesca. Wala na akong kakampi ngayon. Wala na akong mapupuntahan.Habang tumatakbo ako, narinig ko ang sirena ng mga pulis na papalapit sa apartment. Nakita ko ang mga blue at red na mga ilaw ng sasakyan ng mga pulis sa dulo ng kalsadang tinatakbuhan ko. Kaya lumiko ako sa isang kanto para iwasan ang mga pulis. Ngunit nang lumiko ako, may nakita akong dalawang pulis na may kausap na isang civilian. Nakita ko na hawak-hawa niya ang isang picture, at picture ko yon! Wala nang sabi-sabi at tumakbo na ako palayo sa kanila. Bumalik ako sa daan kong may mga pulis na nag-aabang. Bahala na kung anong mangyari.

Habang tumatakbo ako, may nakita akong isang malaking basurahan sa gilid ng bakery na binibilhan ko ng monay. Inakyat ko ang basurahan at mula naman doon, umakyat ako sa bubong ng bakery. Tumunog ang yero habang tinatapakan ko.

"Pulis!! wag kang kikilos nang masama, kundi babarilin kita."

Paglingon ko sa aking likod, nakita ko ang isang pulis na tinututukan ako ng baril. Binilisan ko na lamang ang pag akyat tumakbo na ako sa bubong. Nagradyo ang pulis at humingi ng back-up sabay umakyat para habulin ako. Tumalon ako sa panibagong building at sumunod din naman ang pulis. Hinihingal na ako at medyo napapagod na pero tumakbo lang ako. Dagdagan mo pa ng kaba dahil may humahabol sa akin. Kitang-kita ko sa baba ang mga sasakyan ng pulis na hinahabol din ako. Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong hindi na nag-iisang pulis ang humahabol sa akin. Lima na sila. LIMA!! Nagpanic ako kaya mas binilisan ko pa at nang makarating sa may dulo, tumalon nanaman sa panibagong building na mas mababa. Nang maglanding ako, gumulong ako para hindi ako masaktan sa pagbagsak. Tumayo ako ng mabilis at tumuloy sa pagtakbo. 

Sa lahat ng mga nangyayari, muling pumasok sa isip ko si Tricia. Baka matulungan ako ni Tricia! Kaya nagpasya ako na pumunta sa bahay nila, pero, bago ang lahat, kailangan ko munang iligay ang mga pulis na humahabol sa akin. Nang maka-abot ako sa edge ng rooftop, hindi na ako tumalon sa isa pang building. Tumalon na ako diretso pababa kung saan may madilim na eskinita. Gumulong ulit ako para hindi masaktan ang katawan ko sa paglanding. Tumayo ako at tumakbo sa kalsada. Sakto naman na may nakaparadang motor sa tapat ng isang sari-sari store at naiwan ang susi nito. Ang may ari nito ay bumibili ng sigarilyo at nagsisindi pa lang kaya tumakbo agad ako papunta sa motor, sumakay, ini-start at humarurot palayo. 

"Ang motor ko!" 

kitang-kita ko ang pagka-inis sa mukha niya habang tinuturo ako na humaharurot. Nakita ako ng mga pulis kaya hinabol nila ako gamit ang kotse nila. Nakikita ko sa side-mirror ng motor ang mga ilaw na blue at red. Papalapit na sila sa akin. Mukhang mahuhuli nila ako. Makakaabot pa ba ako sa bahay nila Tricia? Tricia tulungan mo ako.

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon