Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si san Pedro sa harap ko.
"Charlie, ikinalulungkot kong sabihin sa iyo, pero hindi ka maaring maging isang ganap na tao. Hindi mo napatunayan na karapat-dapat kang maging isang tao."
"Ano pong magiging kapalaran ko?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ko ang dibdib ko.
"Babalik ka sa pagiging pusa, ayusin mo ang mga gusot na ginawa mo sa mundo." Kalmadong tugon ni San Pedro.
Bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi ko alam kung dahil sa mga sinabi ni San Pedro o dahil sa pagod. Ipinikit ko na ang mga mata ko.
Nang magising ako, Nasa isang kama ako ng ospital. May doktor na humahawak sa akin. Tiningnan ko ang mga kamay ko at nakita ko ulit ang orange kong mga balahibo. Nakita ko rin sina Anne at Chesca na nanonood habang iniinjeksyunan ako ng doktor. Buhay si Anne? Yan ang tanong ko sa sarili. Panaginip ko lang ba ang lahat ng nangyari? Nakita ko si Andrea na palakad-lakad sa sahig ng kwarto. Hay, salamat at ligtas si Andrea. Hinding-hindi ko na papangarapin na maging isang tao. Ang mahalaga masaya ako kung anong meron ako. Ngumit ako at itinaas ko ang mga buntok ko.
-TUNAY NA WAKAS-
A/N:
Salamat ulit sa pagbasa haha!
Eto talaga ang tunay na ending XD
Please don't forget to vote :)
BINABASA MO ANG
Charlie: Ang Pusang Gala
General FictionSi Charlie ay isang masiyahing pusang gala. Kontento na siya sa paraan ng kanyang pamumuhay, kahit na ang mga kinakain lang niya ay mga tira-tirang pagkain mula sa iba't-ibang bahay at natutulog lang siya sa isang simbahan sa Maynila. Isang 'di inaa...