Kabanata 8: Ang Itim na Kutsilyo

10 1 0
                                    

"Ahhhhhh!!!!!"

Napatili si Tricia nang silipin niya ang ilalim ng kama. Napatakip kaming dalawa ng bibig. Kitang-kita ng mga mata namin ang nangyayari sa pusa ni Tricia.

Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang dahan-dahang paglabas ng isang kuting mula sa pusa ni Tricia. At sa moment na iyon, naalala ko ang yumao kong ina. Unti-unti akong naluha habang pinapanood ang panganganak ng pusa ni Tricia. Nagulat ako ng biglang pinunasan ni Tricia ng panyo ang mga luha ko. Lumingon ako sa kanya, nakita ko sa mga mata niya na parang sinasabing 'naiintindihan kita'. Ngumiti si Tricia sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko, at ngumiti. "Okay lang yan Charlie." Bulong sa akin ni Tricia. Pinanood na lang namin ang pusa niya habang nanganganak.

Kakatapos ko lang linisin ang mga nagkalat na dugo sa ilalim ng kama at saktong natapos na ring i-bake ni Tricia ang chocolate muffins niya. Kumain kami sa table nila, iniwan namin ang pusa niya at ang kanyang apat na kuting sa isang karton malapit sa bodega. Tuwing lalapit kasi kaming dalawa sa kanya at lalo na sa mga kuting niya, lalo siyang nagagalit at parang mangangalmot kaya hinayaan nalang muna namin.

"Hindi ako makapaniwala, may dadagdag na sa pusa ko" Nakangiting sinabi ni Tricia.

"Nakakatuwa lang, haha nakita natin ang pagkapanganak ng mga kuting." Tugon ko naman sa kanya.

"Oo nga eh, 'di ko napansin na buntis pala siya akala ko lagi lang talaga siyang busog." sagot niya.

 "Kayanga eh, nung una kong makita? Bago pa lumabas ang ulo ng kuting? kala ko tatae siya eh." pabiro kong sagot.

"HAHAHAHAHAHA!!"

Tumawa si Tricia ng sobrang lakas. Hinampas pa nga niya ako sa balikat eh. Pati nga ako napatawa na rin sa tawa niya haha. 

Napasarap ang kwentuhan naming dalawa, puro tawanan kahit ang co-corny na ng mga joke namin. Nalaman ko na mahilig pala siya sa mga pusa (halata naman) kaya parang mas gumaan ang loob ko sa kanya. Ang mga magulang naman daw niya ay nasa bakasyon at next week pa ang balik kaya mag-isa lang si Tricia sa bahay nila kasama ang alaga niyang pusa. Mahilig si Tricia sa Ice cream, lalo na yung cookies and cream. Matalino siya, paborito nga daw niya ang Math eh. Marami pa akong nalaman sa kanya kaso sa sobrang haba ng mga pinagkwentuhan namin eh baka abutin tayo ng another 10 chapters para doon.  Nang makita ko sa bintana nila na parang pagabi na, nangamba ako na baka nag-aalala na sina Anne at Chesca sa apartment. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 7:00 pm na

"Uh, Tricia, gabi na pala. Uuwi na ako baka hinahanap na ako ng mga kasama ko sa apartment." Ngumiti ako at dahan-dahang tumayo sa kinauupuan ko. 

"Oo nga gumagabi na pala 'di ko namalayan haha, osige mag-iingat ka ha!" Tumayo na rin si Tricia para samahan ako palabas ng bahay nila. Binuksan na ni Tricia ang gate at lumabas na ako. Ngumiti ako bilang paalam at ngumiti rin siya sa akin bago siya tumalikod sa akin. Pumara ako ng tricycle at sumakay dito.

Dumating ako sa apartment. Nakapagtataka at bukas ang pinto? Siguro kakarating lang nila at naiwan lang ang pinto na bukas. Pumasok ako sa loob at may nakita akong isang lalaking nakabonet na itim, may dala-dalang bag, mukha siyang magnanakaw! 

"HOY!!" 

Sigaw ko sa magnanakaw na tumakbo papunta sa bintana sa may kusina.

Binasag ng magnanakaw ang bintana at tuluyan nang tumalon dito. Dali-dali akong pumunta sa may bintana para tingnan siya, sa taas nitong apartment baka mamatay siya sa pagbagsak. Sinilip ko siya sa bintana at nakita ko na bumagsak siya sa isang malaking basurahan. Tumayo siya at dali-daling sumakay sa motorsiklo niya na parang natataranta. Nang mag-start ang motor niya, humarurot na siya palayo. Tumingin ako sa orasan at eksaktong 8:00 pm na. Ano kayang sasabihin ko kina Chesca at Anne? Bad trip naman oh! 

Pumunta ako sa Kwarto ni Anne para tingnan kung anong mga gamit ang nakuha ng mga magnanakaw. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko. Si Anne, nakadapa sa sahig.............naliligo sa kanyang sariling dugo at may nakabaong itim na kutsilyo sa dibdib niya. 

A/N:

hahaha intense ba? 

kahit ako kinakabahan eh,

sana nagustuhan nyo ang kabanata na 'to

please vote up T__T nagmamakaawa na ako

salamat sa pagbasa !

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon