Kabanata 7: Ang Pusa ni Tricia

22 1 0
                                    

Haay... nasa school na naman sina Anne at Chesca. Ang boring nanaman dito sa apartment nila. Wala na ring pagkain sa ref, pano ako kakain nito? Ah, 'di bale bibili na lang ako sa baba ng makakain.

Pumunta ako sa bakery para bumili ng monay at softdrinks. Naalala ko nanaman si Andrea, kamusta na kaya siya? Habang tinitignan ko ang monay, nakikita ko ang mukha ni Andrea dito. Ang yellow niyang mga mata, ang grey niyang mga balahibo sa ulo, ang mga whiskers niya. Namimiss ko na siya. Marami akong gustong ikwento sa kanya tungkol sa mga nangyari sa akin pero wala siya sa tabi ko.

Nang matapos akong kumain, naglakad-lakad muna ako bago bumalik sa apartment. Napadpad ako sa Recto, malapit sa UE. Ang daming tao, karamihan mga estudyante. Habang naglalakad ako, napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko. Nginingitian ko naman sila pero sila nakasimangot sa akin. Biglang may naghiyawan sa likod ko, lumingon ako para tingnan kung anong meron at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"BEEP!! BEEEP BEEEEEEEEEEP!!"


May isang truck na nawawalan ng kontrol ang humaharurot sa kalsada. Parang isang torong galit na galit. Habang nakatingin ako, napansin ko ang isang pamilyar na mukha na patakbong tumatawid sa sobrang takot. Siya ang babaeng nakita ko nang mga nakaraang araw, yung babaeng may pusa na hinabol ko para bigyan ng monay! Dali-dali akong tumakbo para iligtas siya. Nakikita ko ang mga mata niyang takot na takot at para bang alam na niyang mamatay na siya. Lalo ko pang binilisan ang takbo at sabay na lumundag... 

"BLAAAG! DDDUG!! PLING KLING!" 


Bumangga ang truck gilid ng  isang building at tuluyan na itong kumalma. Makikita ang yupi-yupi nitong harapan at sa kabilang banda, ang gulong na humiwalay at pagulong-gulong na lang. Medyo nasira ang pader kung saan bumangga ang truck at makikita ang makapal na usok mula dito. Mabuti na lamang ay walang tao ang nasaktan maliban na lamang sa driver ng truck.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya habang nakadapa kami sa gilid ng sidewalk.

"Okay lang ako, salamat." Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay ko sa kanya at sabay na kaming tumayo.

Pinagpag ko ang mga dumi at alikabok na sumama sa damit at pantalon ko. Nang mawala na ang sobrang takot naming dalawa, lumingon kami sa pinagbanggaan ng truck.

"Grabe, muntik na tayo dun! haha" Ngumiti ako at kumamot ng ulo habang nakatingin sa kanya.

"Oo nga eh." At huminga siya ng malalim na parang 'di parin nakaka-move on. 

"Ako nga pala si Charlie." Inilabas ko ang kamay ko para makipag-shake hands.

"Tricia." Ngumiti siya at nakipag-shake hands sa akin.

"Namumukhaan kita, ikaw yung nasa tapat ng gate namin last week ah? di'ba?" Tanong niya sa akin habang tinitignan niyang mabuti ang mukha ko.

"Ah haha oo ako nga yon." Sagot ko naman sa kanya.

"Ah okay, nice to meet you charlie. Gusto ko palang magpasalamat sa'yo, halika punta tayo sa bahay tamang-tama magbe-bake ako, bibigyan kita ng muffins." Pangiti niya akong ininvite.

"Tamang-tama nagugutom na ako, game tara!" Sagot ko naman sa kanya.

Sakto ang pagdating ng mga ambulansya at ng mga pulis nang umalis kami sa lugar na iyon. Sumakay kami sa tricycle at pumara sa tapat ng bahay nila. Nang makapasok kami sa loob ng bahay niya, hindi sinalubong si Tricia ng alaga niyang pusa. Nagtaka si Tricia sapagkat tuwing umuuwi siya ng bahay ay lagi itong sumasalubong sa kanya. 

"Ming! mingming! nandito na ako!" yan ang sinasabi ni Tricia habang hinahanap namin ang pusa niya.

Lumipas na ang limang minuto at 'di parin namin nakikita ang pusa niya. Naghahanap ako sa ilalim ng kama at  nagulantang ako sa nakita ko, napaatras ako. Dapat ko bang tawagin si Tricia? Dapat ko bang sabihin 'to sa kanya? 'Di ko alam, pero dapat niyang makita ito.

"Tricia! Nakita ko na ang pusa mo."

A/N: 

Ano kayang nakita ni Charlie? 

haha abangan sa susunod na kabanata

ipopost ko na mamaya ang mga susunod na chapter hanggang sa ending  :)

don't to forget to vote :)

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon