Kabanata 5: Marunong Bang Umibig Ang Mga Pusa?

29 0 0
                                    

Salamat kina Anne at Chesca dahil binihisan nila ako at pinakain kahit na 'di nila ako kilala. Pinayagan din nila akong manatili sa apartment nila sa 30 days kong pagiging tao. Mahirap bang maging isang tao? yan ang tanong ko sa sarili ko. Nang ikwento sa akin nina Anne at Chesca kung paano namumuhay ang mga tao, pinanghinaan ako ng loob. Mukhang napaka-komplikado ang mabuhay bilang isang tao, bawal kumain ng hilaw na karne(dapat niluluto muna), kailangan araw-araw maligo (isa sa mga pinakaayaw kong gawin), kailangan araw-araw nagtu-toothbrush? hay ewan. Basta ang dami pa nilang sinabi sa akin.

"Charlie, papasok na kaming dalawa sa school, 'wag kang magkakalat dito ha." Ngumiti si Anne at tinapik niya ang balikat ko.

"Huwag mong kalilimutan yung tinuro ko sa'yo kung papaano mag-prito ng isda!" dagdag naman ni Chesca at tuluyan na silang umalis. Naiwan lang akong nakatayo at nag-iisip. hmm... ano kaya ang dapat kong gawin ngayong araw? Yan ang tanong ko sa sarili ko. 

"brrrggghhhhghgh!" biglang sumigaw ang sikmura ko. Nagugutom na ako, kailangan ko nang kumain. Lumapit at binuksan ko ang ref para kuhanin ang isda sa freezer. Kinuha ko ang chopping board at isang kutsilyo. Tinanggal ko ang mga lamang loob ng isda gaya ng turo sa akin ni Anne. Habang hinihiwa ko ang isda, hindi ko mapigilang maglaway. Inilagay ko na sa kawali ang isda para i-prito.  Ang bango, ahhh sa amoy palang busog na 'ko. Kaya nga siguro niluluto ng mga tao ang mga kinakain nila kasi lalong sumasarap ang pagkain nila.

Nang matapos akong kumain, kinuha ko ang extrang susi na iniwan nina Chesca at Anne sa akin. Lumabas muna ako sa apartment nila para mag-explore ng mundo. Nakaporma pa ako nang lumabas sa bahay. Inilagay ko ang mga kamay ko sa likod ng ulo ko at ngumiti na parang relax na relax. Huminga ako ng malalim at nagsimula na akong maglakad-lakad.

Ahhh... ang sarap ng simoy ng hangin! Ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi na ako ang pusang dating tinataboy ng mga tao. Hindi na ako ang pusang araw-araw naghihirap makakain lang. Biglang pumasok sa isipan ko si Andrea. Nasaan na kaya si Andrea? Ano na kaya ang ginagawa niya? Hay, sana ok lang siya. 

Dumaan muna ako sa isang bakery para bumili ng tinapay. Oo tinuruan din ako nila Anne at Chesca kung paano mamili, alam ko ang halaga ng piso, limampiso, bente, etc. Bumili ako ng isang balot ng monay na dati kinukuha ko lang sa basurahan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang kinakain ang hawak kong monay. Habang naglalakad ako, napansin ko ang isang pusa sa gilid ng isang poste. Natuwa ako kasi ang ganda ng puti niyang balahibo kaya lumapit ako para bigyan siya ng monay pero tumakbo siya.

"Teka! sandali lang, pusa din ako. Heto oh, may monay ako." 

Tumakbo ako para habulin siya at napunta kami sa harapan ng isang bahay na pang mayaman ang dating. Sakto naman ang pagbukas ng gate ng bahay at lumabas ang isang napakagandang babae. Grabe, Ang puti at ang kinis niya. Dinampot niya ang pusang hinahabol ko at humarap siya sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at ngumiti.

"Ano pong kailangan nila?" 

Nahulog ang monay na hawak-hawak ko sa sobrang ganda ng ngiti niya. Hindi ako nakakilos, hindi rin ako nakakibo. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Nakalipas ang ilang segundo at hinihintay niya ang sagot ko. Ang awkward na ng ngiti niya sa akin.

"Ahh, wala napadaan lang ako. Sige mauuna na ako"

Buong ngiti kong sinabi sa kanya at tuluyan na akong umalis sa kinatatayuan ko. Sumara na ang gate nang lumingon ako para tumingin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad na parang walang nangyari. 

6 o'clock na nang makabalik ako sa apartment nina Chesca at Anne. Kakatok na sana ako sa pinto ng narinig ko ang mga sinasabi nila sa loob.

"Nasaan na si Charlie?!"  natatarantang tanong ni Chesca.

"Sabi ko na nga ba eh! magnanakaw yun! iniwan na niya tayo! Baka may mga nakuha na siyang mga gamit natin"  sagot naman ni Anne.

"Wala namang nawawala dito, baka napahamak na si Charlie!" Pag-aalala ni Chesca.

Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at nadatnan ko silang dalawa na nakaupo sa maliit na dining area ng apartment. 

"Sorry, hehe naglakad-lakad lang ako."

Napangiti nalang ako ng mgay halong hiya habang nakikipag-usap sa kanila. Sa sobrang hiya, 'di ko natagalan na tumayo sa harap nila kaya bigla nalang akong humiga sa carpet nila at ipinikit ko nalang ang mga mata ko.

Tumingin sila sa akin na tila nagtataka sa paghiga ko sa carpet nila. 'Di ko na sila pinansin at tuluyan na akong natulog.

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon