Tumatakbo ako ng mabilis, lumulundag sa mga madadaanang harang. Wala lang, ganito kasi ang trip ko. Nae-excite ako kapag patalon-talon ako sa mga bahay at patakbo-takbo ako. Wooo!! Kung hilig lang din sana ni Andrea eto, malamang lagi namin 'tong ginagawa kapag naghahanap kami ng pagkain. Iba kasi ang hilig niya eh. Hilig niya ang manghuli ng daga, ipis, butiki, at iba pang mga gumagalaw na insekto.
Napatigil ako nang dumating ako sa dulo ng bubong ng bahay. Kapag tumalon ako mula doon, malalim ang babagsakan ko, nag-iisip ako kung babalik nalang ako o tatalunin ko ito? Tiningnan ko ng mabuti ang babagsakan ko at nakita ko na may isang basurahan doon na puno ng mga retasong mga tela. 'Di na 'ko nagdalawang isip at lumundag na ako mula sa bubong.
Nag-slomo ang lahat. Ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko dahil sa excitement at konting kaba. Dahan-dahan akong napangiti habang nasa ere ako. Ito ang pinakamasarap na feeling na naramdaman ko. Pakiramdam ko malaya ako. Feeling ko ibon na ako. Ang saya! Bumalik na sa normal ang lahat ng maramdaman ko na ang lambot ng mga retasong tela kung saan ako bumagsak. Agad naman akong umalis mula doon at tumuloy na sa pagtakbo.
Nang makabalik na ako sa simbahan, nakita ko si Andrea na kausap si Jean. Nag-alala ako kaya lumapit ako para kausapin sila.
"Jean? Anong ginagawa mo dito?"
"Wala, kausap ko lang si Andrea. Sige Charlie mauuna na ako." Ngumiti siya na para bang may maitim siyang plano at umalis na sa harapan ko.
"Andrea, anong pinag-usapan ninyo ni Jean?" Tanong ko kay Andrea.
Hindi niya ako pinansin at umalis na rin siya.
"Ano bang problema ng mga pusa dito ngayon?!" Pasigaw kong naitanong sa sarili ko.
Hinabol ko si Andrea ngunit sa bilis niyang tumakbo ay hindi ko siya maabot-abutan.
"Andrea! Sandali hintayin mo ako." Hingal na hingal na ako pero sinusundan ko parin siya. Hindi parin siya umiimik at patuloy pa rin sa pagtakbo.
"Andrea! Ano bang problema?"
Lumingon siya sa akin at nakita ko ang mga nanlilisik niyang mga mata na para bang galit sa akin. Hindi ko naman alam kung anong ginawa ko o nasabi ko, bakit naman siya magagalit sa akin? Hindi naman siguro, baka masama lang ang araw niya ngayon dahil kay Jean.
"Huy, Andrea, magsalita ka naman. Si Jean ba ang kinaiinisan mo?"
"Hindi, naiinis ako sa'yo Charlie!" Pasigaw niyang sinabi sa akin,
"Ha? Bakit Andrea?"
Nagtataka talaga ako kung bakit kasi wala naman akong ginawa o kaya sinabi na makakapagpagalit sa kanya eh.
"Charlie! 'Wag ka nang magmaang-maangan pa! Kitang-kita ka namin ni Jean na nilalamon ang mga inipon kong pagkain." Galit na sinabi ni Jean sa akin, pero wala akong alam sa sinasabi niya.
"'Di mo 'ba alam para sa ating dalawa yun! Sa birthday ko! Tapos kinain mo lang? Ang selfish mo no?" dagdag pa niya.
"Andrea, 'di ko alam ang sinasabi mo! Hindi ko kinain ang mga inipon mong pagkain!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ano ka ba Charlie! kitang-kita ng dalawa kong mata! kitang-kita naming dalawa ni Jean! Sarap na sarap ka pa nga eh! Haynako, bahala ka na nga jan Charlie!" At bigla siyang lumundag sa isang bakod at tumakbo ng mabilis.
"Andrea! Sandali!" Sinundan ko siya.
Wala talaga akong alam sa mga sinasabi niya, ngayon ko nga lang nalaman na nag-iimbak pala si Andrea ng pagkain para sa aming dalawa sa birthday niya eh. Ano nanaman bang ginawa ni Jean? Baka sinet-up niya ako. Baka may kakilala siyang pusa na kapareho ng kulay at stripes ko? Ugh! Gustong sirain ni Jean ang friendship naming dalawa.
Nakarating kaming dalawa sa tabi ng kalsada kung saan naabutan ko na siya.
"Andrea, sandali lang!"
Tinabihan ko siya habang tumatakbo pero 'di parin niya ako pinansin at lalong binilisan ang kanyang pagtakbo. 'Di ko na kaya dahil pagod na pagod na ako dahil kanina pa ako tumatakbo at tumatalon-talon kaya naman naglakad nalang ako. Tumawid si Andrea sa kalsada para lalo akong 'di makasunod ngunit may kotseng humaharurot na hindi niya napansin. Tumakbo ako para iligtas siya.
"Andrea! May kotse!" Sigaw ko sa kanya.
Napatingin si Andrea sa kotse pero natulala lang siya. Marahil sa sobrang takot dahil ang mga magulang niya ay namatay nang masagasaan ng kotse. Kaya naman tinodo ko na ang pagtakbo.
"ANDREA!!"
Binilisan ko pa ang takbo at bigla akong tumalon para itulak si Andrea palayo sa daraanan ng kotse. Wala na akong pake kahit ako pa ang masagasaan, mailigtas ko lang si Andrea. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala si Andrea, mas mabuti pang ako na lang ang mamatay 'wag lang siya.
Imbes na siya ang nabundol ng kotse, ako ang nasagasaan. At dahil sa pangyayaring ito, dito nagsimulang magbago ang ikot ng mundo ko. Binigyan ako ni San Pedro ng 30 days para patunayan na karapat-dapat akong maging isang ganap na tao. Karapat-dapat nga ba? Hindi ko naman hiniling na maging isang tao pero, mukhang masaya! Kaya eto, tatanggapin ko na ang hamon niya.
BINABASA MO ANG
Charlie: Ang Pusang Gala
General FictionSi Charlie ay isang masiyahing pusang gala. Kontento na siya sa paraan ng kanyang pamumuhay, kahit na ang mga kinakain lang niya ay mga tira-tirang pagkain mula sa iba't-ibang bahay at natutulog lang siya sa isang simbahan sa Maynila. Isang 'di inaa...