Kabanata 6: Ang Teddy Bear

10 0 0
                                    

Lumipas ang first week ko bilang isang tao, meron pa akong 3 weeks na natitira. Medyo nasasanay na akong maging isang tao. Marami na rin akong natutunan sa pamumuhay ng mga tao. Natutunan ko nang kumain ng kwek-kwek at fishball. Natutunan ko nang magbasa at sumulat pero yung basic lang. Natutunan ko na din gumamit ng computer. Marami pa akong natutunan sa loob ng isang linggo at sa sobrang dami, 'di ko na mamention lahat. Thank you kina Chesca at Anne sa pagbibigay sa akin ng guide. Kahit lagi silang busy sa school, 'di nila ako nalilimutan. 

"Charlie! Bilisan mo na jan, magsasara na ang SM." sambit ni Anne sa akin na nasa labas ng pinto.

"Sandali! sinisintas ko pa ang sapatos ko, malapit na 'ko matapos." sagot ko sa kanya.

"Anne? Adik ka ba? alas tres pa lang ng hapon ngayon, mamaya pang 10 pm magsasara ang SM." Nagtatakang sagot ni Chesca kay Anne.

"Tinatakot ko lang si Charlie!" Sagot naman ni Anne.

Natapos ako sa pagbihis at lumabas sa pinto. Pagkalabas ko, hinatak agad ako ni Anne at lumabas na kaming tatlo sa apartment. Akala ko nga magigiba ang apartment nila sa lakas ng pagkakasara ni Anne sa pinto.

Habang naglalakad kami sa SM Megamall, napadaan kaming tatlo sa blue magic. Tumingin ang mga babae ng mga stuff toy na gusto nila. Ako naman, nasa likod lang nila at pinapanood sila.

"Uy Chesca! Tingnan mo ito, ang ganda oh." Pinakita ni Anne kay chesca ang isang blue na teddy bear.

"Oo nga no? Bilhin mo na!" Sagot naman ni Chesca sa kanya.

"Mababawasan na naman allowance ko neto, hay.. sige! bibilhin ko na nga!" Sagot ni Anne

at dinala na niya ang teddy bear sa counter para bayaran iyon.

Lakad doon, kain dito, bili doon, tawanan dito, hanggang sa napagod na kaming lahat at nagkayayaan nang umuwi. Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng fx, may isang lalaki na nakahood at 'di makita ang mukha na tumatakbo papunta sa amin. Hinahabol ata siya ng kung sino kasi ang bilis ng takbo niya. Palapit ng palapit na siya sa daraanan namin kaya tumabi kaming tatlo. Nang madaanan niya kami, Hinablot niya ang hawak na purse ni Anne. Ngunit, imbes na purse ang mahablot ng lalaki, nahablot niya ang teddy bear ni Anne. Pero 'di na niya pinansin at tumuloy parin siyang tumakbo.

"Yung Teddy bear ko!" Sigaw ni Anne na parang paluha na.

Tumakbo naman ako para sundan ang lalaki. Sa bilis ng lalaki ay hindi ko siya maabot-abutan. Kumakaripas ang mga paa ko, hinahawi ng kamay ko ang hangin. Lalo ko pang binilisan ng binilisan. Umiinit na ang katawan ko at pinagpapawisan na ako. Konti nalang... konti nalang maabutan ko na siya. Itinodo ko na ang pagtakbo at lumundag ako para sunggaban siya. Nag-slomo ang lahat, niyakap ko ang lalaki at tuluyan kaming bumagsak sa bangketa. 'Di ko alintana ang sakit ng pagbasak, tanging nasa isip ko lang ay kunin ang teddy bear ni Anne.

Kinuha ko mula sa mga kamay niya ang Teddy bear at tumayo na ako mula sa pagkakadapa naming dalawa. Pinagpag ko ang pantalon at damit ko sabay tumalikod na ako para bumalik kina Anne at Chesca. Tumayo na rin ang lalaki at kumaripas na sa takbo. 'Di ko na siya binigyang pansin.

"Anne! Eto na ang teddy bear mo! " Buong ngiti kong iniwagayway ang teddy bear sa kanya.

"Loko ka Charlie! dapat hinayaan mo na, mapapahamak ka niyan eh." Pag-aalala ni Chesca.

"Uhh.. thank you Charlie!" Sagot ni Anne.

Matapos ang nangyari, sumakay na kami sa FX at umuwi na kami sa apartment. Ramdam ko parin ang sakit balakang at likod ko dahil sa pag-tackle ko sa lalaki kanina pero wala lang 'yon sa akin, ang mahalaga natulungan ko si Anne at si Chesca.

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon