"TAO NA AKO!!"
Sigaw ko sa sarili ko sa saya. Pero wala akong saplot? wala ako yung mga sinusuot ng mga normal na tao. Malamang kailangan ko ng mga damit at shorts.
Tumingin ako sa closet ng mga damit, may nakita akong blouse at isang skirt kaya ito ang mga isinuot ko. Nasa loob ako ng isang pink na kwarto, malamang pambabae ang kwarto na ito. Gusto kong lumabas, gusto kong i-try lahat ng ginagawa ng isang normal na tao. Dahan-dahan akong ngumiti at lumapit sa pintuan. Huminga ako ng sobrang lalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan. Pagkabukas ko ng pintuan, isang pangyayari ang 'di ko inaasahan.
"BONG!!......"
Hinampas ako sa ulo ng isang babae, nakaabang siya sa gilid ng pinto, at may hawak na maitim na kawali. Mukhang natatakot siya sa paglabas ko. Kaya siguro pinalo niya ako ng kawali sa ulo.....SA ULO!! Dumating ang isa pang babae, siya naman ay may hawak na kaserola.
"Aray! Aray! Ano ba tigilan n'yo nga ako!" Sinabi ko sa kanila habang pinaghahampas nila ako ng kawali at kaserola. OO! DALAWA SILA! Isang medyo matangkad at isang cute na maliit na babae. Nang tigilan nila ako sa pagpalo, saka naman sila nagtanong.
"Sino ka? Anong kailangan mo sa amin?" Tanong ng isang babae.
"Magnanakaw ka no?!" Dagdag naman ng kasama niya.
"Teka! Hayaan niyo muna ako magpaliwanag!" Pasigaw kong sinabi sa kanila.
"Isa akong pusa! Orange ang mga balahibo ko! Ako si Charlie! Sino ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Sinungaling! 'Di kami naniniwala sa'yo!" sumabat ang babae na may hawak na kawali.
"Kumalma nga kayo!" Sinabi ko sa kanila at huminga ako ng malalim.
Kumalma na rin sila at saka lang nila napansin ang blouse at skirt na suot-suot ko.
"Bakla ka ba? Skirt at blouse ko yan ah!" sabi ng babae na may hawak ng kaserola.
"Ha? Anong bakla? Wala akong damit eh kaya eto ang sinuot ko. Galing ako sa pagiging pusa." Sagot ko sa kanilang dalawa.
"Kung pusa ka, bakit ka naging tao?" Tanong naman ng babaeng may hawak ng kawali.
"Ganito kasi yun, nung nasagasaan ako, namatay na talaga ako. Binigyan ako ni San Pedro ng 30 days para patunayan na karapat-dapat akong maging isang tunay na tao. Kapag mapatunayan ko iyon sa sa kanya. Magiging tao na talaga ako." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Siya nga ata ang nabundol natin kanina sa kotse." sabi ng babaeng may hawak ng kawali sa kasama niya.
Pumasok silang dalawa sa Kwarto at hinanap ang pusang nabundol nila sa daan kanina. Hindi nila ito mahanap kahit na sinuyod na nilang dalawa ang buong kwarto. Tanging ang mga orange kong balahibo ang natitirang bakas ng pagiging pusa ko. Nagsawa na sa paghahanap ang dalawang babae at nagpakilala sila sa akin.
"Osya, naniniwala na kami sa iyo. Ako nga pala si Anne." Sabi ng babaeng may hawak ng kawali.
"Ako naman si Chesca." Sabat ng babaeng may hawak ng kaserola.
Gusto nila na patunayan ko sa kanila na isa talaga akong pusa kaya namang umupo kami sa kanilang kama at nagkwentuhan tungkol sa pagiging pusa ko at ang mga karanasan ko bilang isang pusang gala. Tatlong oras din ang lumipas nang matapos ang kwentuhan namin.
"Haay.. ibang klase pala ang mga pusa, akala namin hindi kayo nakakaintindi ng mga sinasabi ng mga tao." Sabi ni Anne na parang inantok na sa mga kwento ko.
"Halika nga mag-SM nga tayo, ibibili kita ng mga damit mo!" Sabi naman ni Chesca at hinawakan niya ang mga braso namin ni Anne.
"Asus! gusto mo lang kasi mag-mall, kanina ka pa nag-aaya eh!" Pabirong tugon ni Anne kay Chesca.
Tumayo na kaming tatlo mula sa pagkaka-upo sa kama at pumunta na kami sa SM Manila.
A/N:
bukas po tatapusin ko na ang ibang mga parts
salamat sa pagbasa :)
BINABASA MO ANG
Charlie: Ang Pusang Gala
General FictionSi Charlie ay isang masiyahing pusang gala. Kontento na siya sa paraan ng kanyang pamumuhay, kahit na ang mga kinakain lang niya ay mga tira-tirang pagkain mula sa iba't-ibang bahay at natutulog lang siya sa isang simbahan sa Maynila. Isang 'di inaa...