Kabanata 2: Mahirap Ang Maging Isang Pusa

25 0 0
                                    

Ako nga pala si Charlie, Charlie kasi ang tinawag sa akin ng nanay ko bago siya namatay. Isa akong orange na binatilyong pusa na palaboy-laboy sa mga lansangan ng Maynila. lagi akong on-the-look sa mga tira-tirang pagkain ng mga tao. Mahirap mabuhay, pero kinakaya ko. Akyat dito, talon doon, makahanap lang ng makakain. Kahit na ganito lang ang buhay ko, eh kontento na ako. Wala na akong hinihiling pa. 

"Charlie! Nakatulala ka nanaman jan, halika na maghanap na tayo ng pagkain." Naiiritang sabi sa akin ni Andrea.

"Oo! Eto na, susunod na ako." Tugon ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad.

'Yan si Andrea, ang the one and only kong best friend. Siya ang lagi kong kasama tuwing naghahanap kami ng pagkain. Magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa dahil pareho na kaming naulila na sa mga magulang.

Sabay kaming umakyat sa bubong ng isang bahay at mula roon,tanaw namin ang jollibee na kung saan tuwing gabi ay may mga tinatapon na tira-tirang mga pagkain. 

"Andrea, mamayang gabi na tayo pumunta doon." 

"Hay, pero gutom na gutom na ako Charlie." Yumuko si Andrea na tila napapagod na.

"Magpahinga ka na muna, ako na maghahanap ng pagkain natin ngayon." Naaawa kong tugon sa kanya.

Tinitigan ako ni Andrea sa mata at bumaba na siya sa bubong ng bahay. Naiwan akong mag-isa na nakatanaw pa rin sa jollibee. Marahil babalik na si Andrea sa simbahan kung saan lagi kaming natutulog. 

Saan kaya ako kukuha ng pagkain? Yan ang tanong ko sa sarili. Sana bukas pa ang bakery, baka may tira-tira pa sila doon. Lumundag na ako mula sa bubong ng bahay at tumakbo papunta sa bakery. Nang makarating ako doon, hinalungkat ko agad ang kanilang basurahan; nagbabakasali na may tinapay akong makuha doon. Hinalungkat ko ng hinalungkat hanggang sa nakita ko ang isang malaking monay kinagatan na. Dali-dali kong kinuha iyon gamit ang aking bibig at sabay tumakbo pabalik sa simbahan. 

Yes! May pagkain na kami ni Andrea. Hindi lang ito, mamayang gabi, pupunta ako sa jollibee at titignan ko ang mga basura nila. Gusto ko kumain ng manok mamaya hehe. Patuloy akong naglakad hanggang sa nakasalubong ko si Jean, isang itim na pusa. 

"Charlie, Akin na iyan! kundi, kakalmutin kita gamit ang matatalim kong kuko." Panakot ni Jean sa akin.

"Osige, eto na." Yumuko ako at binitiwan ko ang monay na dala-dala ko.

Dahan-dahang lumapit si Jean para kunin ang tinapay. Anong gagawin ko? Nagugutom si Andrea at kailangan niya ang tinapay. Wala na akong naisip na pwedeng gawin kaya..

"Jean! sandali lang." 

"Ano? gusto mo bang kalmutin pa kita?" Galit na isinigaw ni Jean sa akin.

Hinati ko ang monay sa dalawa at kinagat ko ang kalahati sabay na tumalon papunta sa bubong ng bahay. 

"HOY! HAHABULIN KITA CHARLIE!!!" Sigaw ni Jean. 

Nang lumingon ako sa kanya, tila nagdadalawang isip siya kung hahabulin niya ako o kukunin nalang niya ang kalahati ng monay na iniwan ko doon. Gumana ang plano ko at ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo papunta sa simbahan. Naiwan na si Jean don na kinakain na ang kalahating monay.

Dumating ako sa simbahan na hingal na hingal. Inilapag ko ang nahating monay sa harap ni Andrea.

"Andrea! eto oh, kumain ka na muna." Pangiti kong sinabi sa kanya at umupo na ako habang iwinawagayway ko ang buntot ko.

"Paano ka?" nag-aalalang isinagot sa akin ni Andrea.

"Mamayang gabi pupunta ako sa jollibee, doon na ako kakain." Sagot ko sa kanya.

Sinimulan na niyang kinain ang monay na dala ko. Sa tingin ko gutom na gutom na talaga 'tong si Andrea, walang patawad kung kumain eh. Pati ako nabubusog na kapag nakikita ko siyang kumakain.

"Salamat Charlie!" Puno pa ang bibig niya na sinabi sa akin. 

Nginitian ko lang siya, masaya ako na natutulungan ko siyang mag-survive sa mundong ito. Ako? sus! 'di ko kailangan niyan haha. Kontento na ako na sa buhay na ito. 

"Brrrgghhhh!!" 

kumakalam na ang sikmura ko, tamang-tama pagabi na, maglalabas na ng basura ang jollibee, ano kaya ang mga kakainin ko ngayon doon? sana may fried chicken! 

"Andrea, gusto mo bang sumama? pupunta na ako sa jollibee." 

"Osige, Tara!" Sagot sa akin ni Andrea.

Tumakbo na kami ni Andrea at kagat-kagat parin niya ang monay na ibinigay ko sa kanya.

A/N:

Next na Kabanata update ko na bukas :)

please upvote salamat! :D

Charlie: Ang Pusang GalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon