07/09

10 3 0
                                        

Dear dairy:

Maaga akong gumising at naligo. Paglabas ko ay nasa sofa na si tiana.

"Aga mo ah" pagbungad ko sakanya.

"Eh aalis ka eh" nakasimangot nyang sagot.

"Nandyan naman si man sa kabila, may kapalit ako" natatawa kong sambit.

"Mas iba kapag ikaw eh" mas lalong tumulis ang pagkakanguso nya.

"Panong iba?" Pagbirong tanong ko.

"Babae ka, lalaki sya" sarkastikong sagot nya.

Napataas naman ang kilay ko at napatawa.

"Pupunta ka talaga dun?" Nakasimangot nyang tanong.

"Tingin mo sa nangyari kagabi hihindi pa ko" seryoso kong sagot.

"Ahhh!! Nakakainis naman eh huhu" nagdadabog nyang sambit.

"Umayos ka nga, parang bata eh" nakangiwing sambit ko

"Ako kasi kinakabahan sayo eh" nakasimangot pa rin nyang sambit.

"Tss... magaaral lang ako, hindi pa ko mamatay"
Natatawang sagot.

"Feeling ko kasi" mahina nyang sambit. "Ah basta magingat ka dun" dagdag pa nya.

"Opo nanay, lika na gutom na ko magalmusal na tayo" aya ko sakanya.

Habang nagaalmusal ay hindi pa rin sya natigil sa kakatanong kung tutuloy pa ko o hindi at paulit ulit ko rin syang sinasagot na oo. Ng matapos kami ay may kumatok naman sa pinto.

"Hala wag naman ngayon mamaya na" oa nyang sabi.

"Tss.. parang ewan" ako na ang nagbukas dahil baka yan na nga ang susundo sakin.

Pagbukas koy si man ang bumungad sakin nakangiti sya at parang may hinahanap at alam kong si tiana yun.

"Nasa loob, pasok ka" pagaaya ko at mas lalong nilakihan ang pagbukas ng pinto

"Ah sige sige salamat" pasalamat nya at pumasok na sya.

"Hoo!! Akala ko yung susundo na sa isang yan ikaw lang pala" nakahinga nyang sabi.

"Sorry" paghingi ni man ng tawad.

"Hindi ok lang mas maganda ngang ikaw lang pala ang kumatok at ayoko pang mawala sa paningin ko ang isang yan" sabay turo ni tiana sakin.

"Tss.. naprapraning nanaman" natawa naman si man sa sinabi ko.

"Mamimiss ka nyan, namin kaya ganyan sya" pagtatanggol nya kay tiana.

"Oh di ba buti pa sya gets nya" singhal nya sakin.

Napairap naman ako.

"Ganto nalang every month puntahan natin sya or umuwi ka" suwestion ni man.

Nagkibit balikat lang ako.

"Hindi naman malayo diba?" Tanong ni man.

"Anong hindi, sa spain yang school na yan at kapag sinabi kong spain as in spain!" Oa nanaman nyang sambit.

"Ang layo nga" napaisip namang sagot ni man.

"Sinabi mo pa, oo nga pala sa spain yun so ibig sabihin tatay mo nga" nagtaka naman si man sa sinabi ni tiana.

Nilakihan ko ang matang tiningna si tiana at tinignan si man na parang sinasabing wag maingay.

Bumuntong hininga muna ko bago sumagot. "Hindi ko pa alam katulad ng sinabi ko kahapon wala pang update sakin si red, at yun ang gusto kong alamin" seryoso kong sabi.

Let's play, shall we?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon