Entry #05: "Road To Nowhere"

8 3 0
                                    

🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀

"ROAD TO NOWHERE"
Written by : nsisa_

‘Mamaya na ako aamin kay Anton, Jona. Aaminin ko na ang totoo kong nararamdaman sakanya.’ biglang saad sa kawalan ni Mylane sakanyang kaibigan.

‘S-sigurado ka ba, May?’ tanong ni Jona sakanyang kaibigan na nagniningning ang mga pares ng itim na mga mata nito na akala mo’y may mga bituin sa kalalailaliman nito.
Alam ni Jona kung gaano kagusto ng kanyang kaibigan ang binata. Bata pa lamang sila ay sinabi na ito ng kanyang kaibigan na si Maylane. Ngunit sadyang mahiyain si Mylane at pilit na itinatago ang kanyang tunay na nararamdaman sa binatang si Anton.

Sa loob ng ilang taon ay hindi pumapalya si Maylane sa bawat kaarawan ng binata. Isama mo pa ang mga pasko at bagong taon na lumipas. Lahat na ata ng efforts ay nagawa na ni Maylane ngunit ang pag-amin niya pa lang ang hindi niya pa nagagawa.

‘Ito na ang tamang panahon, Jona...Hindi na kayang itago to. Saka ang tagal na din diba?’ natatawang tanong ni Maylane kaya napailing nalang ang kanyang matalik na kaibigan.

‘I-Ikaw ang bahala. Basta ako, kahit anong mangyari ay support ako sa’yo!’ tugon ng kanyang kaibigan na si Jona.

Lumipas ang oras ay halata sa dalaga ang pagtataka. Mahigpit dalawang oras na silang nag-aantay sa parke na kanilang paboritong pagtambayan ngunit wala pa din siyang nakikitang Anton na dumadaan kasama ang mga kaibigan nito.

‘Teka...bakit parang—’ hindi na naituloy ni Maylane ang sasabihin ng makita ang kanyang pinakahihintay na si Anton.

‘Ayan na siya, Jona! Ayan na siy—’ naputol ang kanyang sasabihin at agad na napawi ang kanyang nasasabik na itsura.

Habang papalapit sakanila ang binata ay may kasama itong magandang babae at dalawang maliit na bata na nasa edad pagitan anim at limang taon. Halos hindi naman makaimik si Maylane at titig na titig ang tingin niya sa mga taong papalapit sakanila.

‘Mylane...’ saad ng binata na si Anton kay Maylane na walang sariling tumayo at maiging pinagmasdan si Anton.

‘A-Anton?’ halos hangin naman ang lumabas sakanyang mga labi. Halata sa mukha ng dalaga ang pagkabahala. Napaiwas ng tingin ang kaibigan niyang si Jona dahil alam niya ang magiging reaksyon nito. Alam niya din mas magiging matindi ang reaksyon nito.

‘It’s been ten years...Kamusta ka na?’ malumanay na tanong sakanya ni Anton ngunit halata pa din sa dalaga ang pagkagulat.

‘By the way this is Kitty, my wife. And this is our twins, Mica and Khim.’ pagpapakilala ni Anton sakanyang mag-anak.

‘T-teka...a-anong ibigsabihin nito? Bakit parang tumanda ka?’ hindi lubos maisip ni Maylane kung ano ba talaga ang nangyayari.

‘Dahil sampung taon na ang lumipas, Mylane.’ sabay-sabay silang napalingon pakanan ng may magsalita.

‘Andrian? Teka? Ano bang nangyayari? Bakit parang may mali?’ naguguluhang tanong ni Maylane.

‘Matagal ng may mali, May. Matagal na...’ sabat ni Jona kaya napatingin sakanya si Maylane.

‘You have short term memory lost, Mylane.’ walang pag-aalinlangan na saad ni Adrian sa dalaga.

‘A-ano? Short term memory lost?’ natatawa ngunit naguguluhang tanong ng dalaga. Wala ni isa kumibo ang isa sakanila matapos magsalita ang dalaga.
Hindi na nag-aksaya si Anton at inabot  niya ang ipod na hawak kay Maylane.

‘Today is June 16, 2030. Tuesday. It’s already 9pm and for sure paggising ko bukas is wala nanaman akong maalala kung anong nangyari ngayong buong isang araw. Hi, self? Kung mapapanuod mo’to bukas. Gusto ko lang sabihin na sampung taon na ang nakalipas simula naaksidente ka. Well, this is really crazy!’ natatawang saad ng dalaga sa video na halatang malungkot. Nanginginig at mahigpit ang hawak ni Maylane sa ipod habang nakatutok sa panunuod.

‘Ten years ago. 11:57 am. Sa park, kung saan hihintayin mo si Anton. Araw kung saan aaminin mo lahat ng nararamdaman mong pagmamahal para sakanya. Pero lumagpas si Anton sa park kaya nagdecide ka na habulin siya. Dahil nasa kabilang daan si Anton, hindi ka nagdalawang isip na tumawid. Pero sa kasamaang palad, hindi mo napansin na may kotseng mabilis ang takbo kaya ayon. Nahagip ka. Dinala ka sa ospital. Nagising ka na mukhang ayos naman. Pero pagkalipas pa mga araw ay may kakaiba ka ng ginagawa. Weird na sinasabi. Kaya humingi ng tulong sila mama kila Jona at Adrian. Kung saan mapapaniwala ka nila araw-araw na nagawa mo ang gusto mong gawin. Na maamin mo ang totoo mong nararamdaman kay Anton. Pero sadyang pinaglaruan ka nga ng tadhana. Simula naaksidente ka, araw-araw kang magigising na inaakalang eksaktong araw pa din kung saan aamin ka kay Anton. Sabi ng doktor walang gamot sa sakit na ganito. Kaya tinangap ko nalang. Para lang akong engot na magigising araw-araw na nasa ganong memory. Gumawa ng paraan sila Adrian at Jona para sa araw-araw. Mabuti nalang kamukha ni Adrian ang kambal niyang si Anton kaya hindi sila pumalya sa plano at sa panloloko sa’yo. Natatapos ang araw ko sa pagvivideo. Gigising ulit ng walang bagong memory. Gusto ko lang sabihin sa’yo na ginawa lang nila lahat ng ito para sa ikaliligaya mo. Imagine mo yon? 10 years! Nag-effort sila sa’yo for your own sake. And about Adrian. He’s your husband. You beloved husband. Mahal na mahal ko yan! At mahal na mahal ka niya! I never thought na isang tulad ko...may magmamahal padin pa lang sakin. Kahit araw-araw akong gigising na hindi maalala kung anong nangyari kahapon, hindi niya pa din ako iniwan. Actually pinatunayan niya sakin na Love is blind hahaha! Kahit nasa ganitong state ako, hindi niya ako iniwan! At nageffort pa! Pati si Jona! Kahit naloloka na siya ay sinuportahan niya pa din si Adrian. Mahal na mahal ka nila Maylane. At alam ko bukas ay mukha nanaman akong engot na mag-aantay kay Anton. Well, tingnan mo nalang ang March 03, 2030. Okay na kami...Masaya na siya...at sana ikaw din..’ duon na natapos ang video at kasabay non ang sunod-sunod nang kumala ang mga luha niyang kanina pannagbabadya.

Sometimes we need to accept the fact that our reality is very far from the fantasy we want. That in reality, we can’t change the fact na hanggang dito nalang minsan. Na we can’t change someone’s point of view para tayo naman ang magustuhan nila at pumasok sa kanilang standards.

#Alvarez
#WRA_OneShot
#WRA32ndMonthsary

One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon