Entry #09: "It's Over"

5 2 0
                                    

🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀

"IT'S OVER"
Written by: Princess_In_Blues

Summer after high school, when we first met🎶

Bakasyon noon at nagpunta kami sa probinsya kila Lola. Nagyaya ang mga pinsan ko na magpunta sa perya dahil malapit na ang kanilang fiesta.

"Insan sumasakay kaba sa caterpillar?" tanong sakin ni Roxy.

"Uhm, nakasakay nako once hahaha" alanganing sagot ko.

"Try natin mamaya insan. Pati na sa ferris wheel" masiglang sabi ng isa kopang pinsan na si Jonalyn.

"Ahhh sige mukhang exciting yon" sagot ko na kumikislap ang mata.

"Hey pards! Kamusta tara taya tayo doon at ng makapag kwentuhan tayo ang tagal din nating di nagkita" sabi ng isang lalaki kay Jonalyn.

"Sorry pardings kasama kasi namin ang pinsan namin. Pass muna kitakits nalang" sabi naman ni Roxy.

Mukhang nakaabala pa ako sa bonding sana nila.

"Ow! Hi miss beautiful" nakangiting bumaling ito sa akin. "Tope nga pala" dagdag pa nito sabay extend ng kamay upang makipagshake hands sa akin.

"Ahhh, Reynalyn" nahihiyang sagot ko sabay shake hands sa kanya.

We make-out in your Mustang to Radiohead
And on my eighteenth birthday, we got matching tattoos🎶

Mabilis ang mga pangyayari. Dito na kami tumira ng pamilya ko sa probinsya. At dito nadin ako nag celebrate ng aking debut. At sobrang close na namin ni Tope ng mga panahong ito kaya kasali sya sa 18 roses ko at sya ang panghuli. Nag umpisa ang selebrasyon hanggang sa sya na ang isasayaw ko.

"Natatandaan mo yung sinabi mo sa akin noon na gusto mong magpatattoo?" tanong nya sa akin habang nagsasayaw kami.

"Ahh oo naalala ko" alanganing sagot ko. Ano kayang balak neto. Ngumiti lang sya sa akin hanggang matapos ang kanta at ako'y hinalikan nya sa noo.

Kinabukasan...

"Reyyyyaaangggg" tawag sakin ni Jonalyn.

"Ooooohhh, bakit Juna?" sagot ko habang pababa at nakita ko si Tope na nakaupo sa sofa.

"O top nandyan ka pala" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tara may pupuntahan tayo bilis" sabay hila sa kamay ko at tumakbo.

"Tattoo shop?" kunot noong tanong ko sa kanya.

Hinila nya ako papasok at nagpatattoo kami.

"Araaayyy! " sigaw nya. Natatawa ako sa itsura nya.

"Lakas ng loob mong manghila eh iyakin ka naman pala" tukso ko sa kanya.

"OK lang to. Atleast napasaya kita" nakangiting tugon naman nya. Iniba ko ang direksyon ng aking tingin dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko.

Used to steal your parents' liquor and climb to the roof🎶

"Halika bilis, dala mo yung baso?" tanong nya sa akin habang paakyat kami sa rooftop ng bahay nila.

"Oo aanhin ba natin ito?" nagtatakang baling ko sa kanya.

"Jaraannn!" sabi nya sabay labas ng red wine. Kumislap ang mata ko dahil matagal konang gustong makatikim non.

"Salamat Top, di moko binibigong pasayahin" sabi ko at hinalikan sya ng mabilis sa pisngi na ikinabigla nya. Ngumiti naman ako sa kanya.

Talk about our future like we had a clue🎶

"Gusto ko pag mag asawa na tayo magkaroon tayo ng sampung anak" sabi nya sa akin ng nakangiti habang nakatingin kami sa mga bituin sa langit.

"Hala! Ginawa mo naman akong baboy eh luv" kunwaring nagtatampong sagot ko.

"Joke lang luv, kung ilan ang ibibigay ni God OK na tayo don" sagot nya ng nakangiti at hinalikan ako sa noo.

Never planned that one day I'd be losing you🎶

"Sorry Reyna, pero kailangan talaga naming pumunta sa France. Pangako babalikan kita" sabi nya habang umiiyak.

"Bat kailangang iwan mo pa ako?" humahagulgol na ako kase ang sakit lang.

Pumarada na ang sasakyan nila sa tapat namin at tinawag na sya ng mga magulang nya. At sa huling pagkakataon hinalikan nya ako sa noo bago sumakay sa kotse nila.

"Pangako babalik ako" huling sabi nya bago naglaho sa aking paningin ang sasakyan nila.

In another life, I would be your girl🎶

Ilang taon na ang lumipas ngunit heto parin ako nagmumukmok at hinihintay ang pagbabalik nya.

"Ma, kakain na daw po" tawag sa akin ng aking munting anghel na si Issia. Sya ang iniwang ala ala sa akin ni Tope.

"Sige anak susunod ako" sagot ko at patagong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mata.

"Babalik ka paba?" bulong ko sa kawalan at di ba napigilang umiyak.

We keep all our promises, be us against the world🎶

"Kahit ayaw ng mundo sa pagmamahalan natin ipaglalaban parin kita" sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko at hinalikan ako sa pisngi at noo.

Pumatak ulit ang luha ko.

"Miss na miss na kita. May pamilya kanaba? May ibang tinitibok naba ang puso mo? Masaya kanaba? Ako kase ikaw parin eh" umiiyak na kausap ko sa sarili ko.

"Ma, umiiyak ka nanaman po ba?" tanong sakin ni Issia. Agad agad akong tumalikod sa aking anak upang itago ang aking mga luha.

"Hinde anak, napuwing lang si mama" sagot ko at ngumiti sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako. Doon napahagulgol na ako at di ko na napigilan ang sakit na nararamdaman ko.

In another life, I would make you stay
So I don't have to say you were the one that got away
The one that got away🎶🎶

"Hanggang ngayon hinihintay ka namin ng anghel natin. Miss na miss ka na namin. At sabik na ang anak natin na makita ka. Hanggang ngayon pinanghahawakan ko ang pangako mo. At panghahawakan ko ito hanggang sa huling hininga ko... Tope" huling bulong ko sa hangin bago ko ipinikit ang aking mga mata.

End...

#Kudos
#WRAOneShot
#WRA32ndMonthsary

One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon