🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀
"WALANG IWANAN"
Written by: Acia_Quim23"CONGRATULATIOONSSS!!" sigaw ng lahat sa gymnasium.
"CONGRATTSSS SA ATIN BESTY!!"-sigaw nina Rica at Rachelle at niyakap ako.
"Congratss sa ating lahat"-sabi ko at ginantihan ang yakap nila. I smiled. Sa wakas... graduate na kami sa High School.
"Ikaw ha! Naiyak ako sa Valedictory speech mo Shai!" sabi ni Rach.
"Ako din! Tumulo pa sipon ko huhu" natawa naman ako sa sinabi ni Rica. Haiist. Yep. Sila ang mga bestfriends ko since prep-school. Oh diba! may forever kami. HAHA
"Salamat sa inyo ha." naiiyak na sabi ko sa dalawa.
"Suss ikaw pa ba. Syempre mahal ka namin no."-Rica
"Tayo tayo lang naman ang magtutulungan diba"-Rach
"Oo na. Pinapaiyak nyo na naman ako" natatawa kong tugon.
"Oh sige ha. Kitakits mamaya. Baka hinahanap na ako nina Daddy. Congrats ulit sa atin lalong lalo na sayo Shai." sabi ni Rach at umalis.
"Salamat sige na pumunta na kayo sa mga parents niyo. Kitakits mamaya sa dinner nila Rachelle"-sabi ko kay Rica.
We bid goodbyes to each other at pumunta sa kanya kanyang parents namin.
"Congratss anak"- bati ni Nanay ng nakangiti. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit sabay sabing "Salamat".
Sana nga nandito pa siya. Sana nga nandito pa sila.DINNER TIME~
"ang laki talaga ng bahay nyo Rach. Yamaners te" hagikhik ni Rica.
"Naku hindi pa kayo nasanay halos araw araw tayo dito mga lukarets"-Rachelle
"Antahimik mo yata Shai?"-tanong ni Rica. I smiled.
"Wala lang. Masaya lang ako kasi sama sama talaga tayo simula nong mga bata pa tayo"-sabi ko sa kanila.
"Oo nga eh. Sabay din tayong nag graduate sa High School. At sana..sabay ulet tayong tatanggap ng diploma sa College na"- sabi ni Rach.
"Oo nga! Tapos sabay sabay tayong mag t-trabaho!"- sabi naman ni Rica.
Nababasa ko ang kaligayan sa mga mata nila. I smiled.
"Sana nga.." yon nalang ang tugon ko.
Haysst. Sana nga matupad pa. Lalo na ako. Mahirap lang ako...sila mayaman.
"Anong sana nga! OO TALAGA! May sinumpaan kaya tayo! Walang iwanan!" sabay cross finger ni Rica. Natawa nalang kami ni Rach sa kaniya. Mag c-college na nga pero isip bata-- d>.<b
Sabay sabay naming tinapos ang pagkain ng masaya at kulitan.***
"Shai..nakapag enroll kana ba?" tanong ni Rica sa akin through chat.
"Shai sabi ni Acia hindi ka daw nakapasa sa Scholarship Program?Anong nangyare?"- chat ni Rachelle.
I wipe my tears. Naiiyak na ako. Naiiyak ako kasi bumagsak ako. Yung scholarship exam nalang sana ang pag asa kong makakuha ng scholarship sa university. Pero nabagsak pa!
Nag off ako ng data at patuloy ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.
Bakit ganoon. Ang bobo ko! Napaka bobo Shai! Scholarship lang hindi mo pa napasa!!! Tinagurian kang Valedictorian pero mismo scholarship bagsak!! Nakatulog ako sa pag-iisip kong paano ako makapag College. Wala na akong pamilyang aasahan kundi sarili ko lang. Ayukong baliin ang pangako namin ng mga kaibigan ko. Sabay kaming ggraduate. pero paano na. Yung scholarship lang ang inaasahan ko. Wala akong perang pambayad sa tuition ko. Paano na."SHAIIII!!!"-napabangon ako sa sigaw sa labas ng apartment. Tekaa...
"SHAIIII LUMABAS KA DYAN!" d-,-b
"SHAIII PAGBUKSAN MO KAMI!" d>.<b
"OO NAAA!!! ANG INGAY NYO NAMAN!" Sigaw ko sa dalawa. Sino pa ba? Edi sina Rach at Rica! Nagligpit muna ako bago binuksan ang pinto ng bahay.
"SHAAIII!!!"-sigaw ni Rica at biglang yumakap sa akin....ng mahigpit d>.<b
"BAKIT HINDI KA NAGPAPARAMDAM SA AMIN HA! NAKAKATAMPO KANA HA!"- aray naman.
"Oo nga Shai. Tara labas tayo!"- Aya naman ni Rachelle.
"saan naman?"- napatingin ako sa schedule ng work ko...Walang check.
"Ano na?! Libre daw ni Rach!"-excited na sabi ni Rica. So ayon nga. Pinaligo nila ako at nag larga. Buti wala akong trabaho ngayon. Haisst."Pa saan tayo?"- tanong ko sa dalawa.
Pang ilang tanong ko na to pero ayaw nilang sagutin. Mga amp d-,-b
"Sige lang...pag untugin ko kayo mamaya"-sabi ko pa.
Pero ang dalawa nag si hagikhikan lang. Anong trip nila?
Minutes later...
"TSARAAAAANNNN!!!!" sigaw nilang dalawa.
-->dO.Ob
"Bakit tayo nandito?" tanong ko.
"SYEMPRE PARA MAG ENROLL!!! DZUHH UNIVERSITY TO MALAMANG!"-sigaw sa akin ni Rica.
"Shai.." tapa tingin ako kay Rach.
"Alam naming...hindi ka nakapasa sa scholarship sa university na papasukan natin sana. Kase kahit kami hindi worth it kumuha kase boplaks lang kami alam mo yon. Ikaw lang ang Matalino sa atin eh. Syempre walang iwanan."-Rach.
"Atsaka...diba walang taguan. Ikaw pa nagsabi non. Andito lang kami Shai. Simula pagkabata magkasama na tayo. Kaya wag kang mahiya sa amin. Alam namin na nag ttrabaho ka ngayon para makapag ipon sa tuition mo. Sa pangako natin. Kaya proud na proud kami sayo Shai."-Rica.
Tumulo yung luha ko sa mga pinagsasabi nila.
"Kaya...mag eenroll tayo dito ng sama-sama. Hindi ka man nakapasa...tutulungan ka namin. Nag hati-hati kami nina Rica sa tuition mo for the whole year para makapag aral ka Shai. Mag eenroll nalang tayo"- napaluha ako sa sinabi ni Rach.
"P-pero bakit"
"Kasi...walang iwanan besty"- sabi ni Rica at niyakap ako."Araw araw ka naming sinusundan Shai. Nagtataka kase kami kung bakit umiiwas kana yon pala nag ttrabaho kana para sa tuition fee mo. Kaya inisip namin ni Rach na tulungan ka. Dont worry..sagot naman nila Mommy ko at Mommy ni Rach ang iba at sa susunod pang year ng pag aaral mo Shai. Alam mo namang parang anak naden ang turing sayo non eh"- sabi ni Rica at pinunasan ang luha ko.
"Shai..tayo nalang ang magkakampi. Simula nong nawala sina Tito at Tita pamilya kana namin diba. Kaya tutuparin natin ang pangako natin sa isa't-isa. Sama sama tayong ggraduate Shai. Sama sama nating abutin ang mga pangarap natin"- sabi Ni Rachelle. I hugged them so tight.
"Salamat...hindi ko alam kung anong una kong sasabihin"-patuloy sa pag agos ng luha sa mga mata ko.
Sobrang saya.. Ang sayang magkaroon ng mga kaibigan na handang tumulong sayo. Kaibigan na pamilya mo. Kaibigan na hindi ka iiwan sa oras ng kagipitan.
"Kaya tara naaaa!!! Mag enroll na tayo!!! "- napatawa nalang kami sa agarang sigaw ni Rica. Nag pa unahan ang dalawang magtakbuhan paloob sa gate ng University.
Napatingala ako sa pangalan...
"WRA University"
"SHAIII DALI NA!!!"-sigaw nila sa kalayuan. I nod to them."Ang saya..sobrang saya. Maraming salamat sa dalawang kaibigan ko. Salamat kasi tinulungan nila ako. Walang mahirap o mayaman sa pagitan namin. Sila ang naging lakas ko sa bawat araw ng hamon ng buhay ko. Sila at ng pamilya nila ang tumulong sa akin para makarating ako sa yugto ng buhay ko ngayon. Rica and Rachelle. Maraming salamat. Maraming salamat kasi natupad na natin ang pangako natin sa isat-isa. Tinulungan nyo akong bumangon sa oras nong nadapa ko. Andyan kayo na naging sandalan ko sa hirap ng buhay ko. Mahal na mahal ko kayo. Para sa inyo ang Medalya ko. I love you both"
-naluluha kong speech sa harap ng maraming tao.*CLAP*CLAP*CLAP*CLAP*
"I LOVE YOUUU THREEEE!!!!" sigaw ni Rica
"MAGNA CUM LAUDE YAN!!! KAIBIGAN NAMIN YAN!!!"-sigaw den ni Rachelle
Napatawa ang lahat sa sigaw nila.YESS..SABAY SABAY NAMING TINUPAD ANG MGA PANGAKO NAMIN. SABAY SABAY DIN NAMING AABUTIN PA ANG MGA PANGARAP NAMIN.
#MONTEFALCO
#WRAOneShot
#WRA32ndMONTHSARY
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary)
Cerita PendekWattpad Royal Academy 32nd Monthsary Celebration: One-Shot Story Making Contest Entries held last June 16, 2020