🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀
"MY ONE AND ONLY BESTFRIEND"
Written by: cindylightful"Ma'am. Noon pa po ba ay talagang gusto nyong maging teacher?", tanong ni Jen, studyante ko.
Uwian na at sya na lamang ang natirang studyante sa room.
"Hindi. Grade 1 pa lamang ako ay gusto ko ng maging isang nurse"
"Bakit po hindi kayo naging nurse?"
"Mahirap lang kami e. Masyado yung mahal at bukod don natuklasan ko na takot ako sa dugo. Hahaha", bahagya akong natawa.
"Ako po, gusto ko po maging doktor hindi po ako takot sa dugo pero sabi po ng papa ko, wala daw po kaming pera para don", malungkot na ani Jen.
"Yan din ang naging problema namin kaya nung grade 3 ako, napag-isip isip ko na maging teacher kasi idol ko yung adviser ko nung grade 3 ako", salaysay ko.
"Bakit po?"
"Ang galing nyang magturo at bukod don ay mabait sya, gusto ko sya noon gayanin. Sunod ay nung grade 6 ako, nagkaron kami ng trasferee. Babae sya. Naging close kami dahil naging seatmate ko sya. Hanggang sa maghighschool kami ay iisa ang pinasukan namin"
"Wow, sanaol po. Ako po kasi, walang friend", malungkot na wika niya.
"Kasi ganito yan", nilapitan ko sya at hinimas himas ang buhok. "Mahirap ang walang kaibigan, wala kang karamay, wala kang kasama sa kalokohan pero alam mo siguro hindi mo pa sya nakikilala dahil gaya ko ay wala din ako dating kaibigan hanggang sa makilala ko sya"
"Thank you, Ma'am Roxy. Idol na din po kita hehe", tugon nya kaya napangiti ako.
"College kami at parehas kami ng kinuhang course. At doon ay nakakilala kami ng lalaki. Parehas naming gusto ang lalaking yon ngunit ako ang gusto nya"
"Kawawa naman po ang bestfriend nyo. Hindi nacrushback"
"Anong crushback ha. Bata bata mo pa. Hahaha"
"Joke lang po teacher. Hehehe. Ano po ang sunod na nangyare?"
"Umiwas sya sakin ng maging kami nung lalaki. Then after 1 week, kinausap nya ako. Sabi nya ay may ibang kinikita ang boyfriend ko ngunit di ako naniwala sa kanya at ang inisip ko ay baka para lang paghiwalayin kami. At ng dahil don ay nasira ang pagkakaibigan namin"
"Awww. Tunay po ba na may ibang kinikita ang boyfriend nyo?", tanong nya at tumango ako. "Owwww"
"Nahuli ko sya na may kasama sa mall. Ang unang sabi nya ay kapatid nya ito ngunit hindi pumayag ang babae kaya umamin din ito na boyfriend nya si John, boyfriend ko"
"John? Kapangalan nya po si Papa. Hehe"
"Ganon ba? Hehehe"
"Ngapala po. Nasan na po ang bestfriend nyo?"
"Nawalan ako ng koneksyon sa kanya. Nagpalit sya ng sim pati social media account nya ay deactivated na. Pumapasok ako ng school mag-isa, kumamain ako ng mag-isa, simula ng nawala sya, wala na din ako naging kaibigan na katulad nya. Nagtanong ako sa mga kamag-anak nya at may nagsabi sa akin na nasa Cebu na sya, doon na daw sya nag-aaral"
"Nakita nyo pa po ba sya?"
"Oo, sinundan ko sya nong mag bakasyon. Nakaipon na din ako non kaya may pamasahe ako para makapunta sa Cebu. Hinanap ko sya, nagtanong tanong ako at may nakapagsabi sa akin kung nasan sya kaya pinuntahan ko at nang makita ko sya ay buntis sya tapos may mga pasa sya", tumingin ako sa mismong mata nya.
"Sino po ang ama at bakit po sya may mga pasa?"
"Sinasaktan sya ng ex- boyfriend ko na si John"
"OMG! Ano pong sinabi nyo?"
"Wala akong sinabi pero nagalit ako. Makalipas ang isang buwan nalaman ko na may sakit ako sa puso", nang sabihin ko yon ay napatakip sya sa bibig nya. "May butas ang puso ko kaya binigyan ako ng isang buwang palugit na makahanap ng magdodonate. At ng tatlong araw na lamang ang natitira ay kasabay non ay nanganak ang bestfriend ko. Then one day, sabi ng doctor ay maooperahan na daw ako kasi may nagnagmagandang loob na nagdonate ng heart---"
"Ang bait naman po nya"
"Yes, napakabait nya. Sobrang saya ko ng araw na iyon dahil mabibigyan ako na pangalawang buhay. Kaya ini-schedule na nila ang operation ko", lumunok ako. "Then ng magising ako, ok na. Ok na ang puso ko pero kapalit pala non ay biglang may dumating na hindi magandang balita sa akin", nagsimula ng mangilid ang luha ko.
"Ano po yung badnews?"
"Patay na yung bestfriend ko and sya pala ang nagdonate ng puso. Sya ang naging dahilan ko para lumaban sa sakit kong iyon at di ko inakala na dadating sa ganoong punto", nagsimula ng pumatak ang mga luha ko.
"Oww huhuhu"
"Naka-confine pa din ako non ng may mag-abot sa akin ng sobre. 'To my one and only bestfriend', iyon ang una kong nabasa kaya agad kong nasigurado na galing yon sa bestfriend ko"
"Ano po ang laman? Pera po ba?"
"Hindi hahaha, sulat ang laman"
"Ano po ang nakasulat?"
*flashback*
"Ma'am may nagpapaabot", tugon ng nurse at iniabot sa akin ang puting sobre. Dahan dahan ko iyong tinanggap.
"Saan daw po galing?", tanong ko ngunit nagkibit balikat lamang ito.
'To my one and only bestfriend' kusang tumulo ang luha ko ng mabasa ko sa unahan iyon. Binuksan ko ang sobre at kinuha ang laman non. Isang bond paper na puti na may nakasulat na message.
'Siguro pag nabasa mo to, ay wala na ako hahaha. Buo na ang desisyon ko, kaya alagaan mo ang puso ko. Nalaman ko kasi na dalwang araw na lang daw ang natitirang palugit kaya napagdesisyunan kong idonate ang puso ko. Yan na lamang ang natitirang maiipamana ko saiyo hahaha. Sana kahit wala na ako ay wag mo ako makalimutan, ibinigay ko yan sayo para maturuan mo kung paano din magmahal ng tama hahaha. Napakalaking pagkakamali ang nagawa ko. Ayaw ko ng mabuhay kong puro na lang din pasa ang matatanggap ko. Nakausap na ako ni John na kukunin nya sa akin ang bata. Sana mabantayan mo din sya. Yon na lang naiiyak na ako e. Basta wag mo kakalimutan na babantayan kita dito sa heaven. I love you!'
Halos nabasa ng luha ko ang unan ng matapos ko iyong basahin. Niyakap ko iyon at lalong nagtuloy tuloy ang pagpatak ng aking luha.
"Mahal din kita", bulong ko
-----
"Huhuhuhuhu, nakakaiyak naman po"
"Hehehehe kaya ikaw, mamahalin mo ang magiging kaibigan mo at wag plastikin kasi masarap sa pakiramdam ang may kaibigian"
"Jen?", natauhan ako ng marinig ko ang boses na iyon.
"Papa!", tawag nya rito sa ama. "Ma'am aalis na po ako andyan na po papa ko", aniya at mabilis na pinahid ang luha.
"Sige, ingat", sagot ko at pinagmasdan sila hanggang sa makalayo.
'Wag kang mag-alala Jonalyn, babantayan ko ang anak mo gaya ng sinabi mo, bilang isang mabuting kaibigan mo', bulong ko...
The end...
#Kudos
#WRAOneShot
#WRA32ndMonthsary
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary)
Historia CortaWattpad Royal Academy 32nd Monthsary Celebration: One-Shot Story Making Contest Entries held last June 16, 2020