🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀
"THE ONE THAT GOT AWAY"
Written ️by: HeavenlyCrySimula bata pa lang ay lagi ng binubully si Kyle ng ibang mga bata sapagkat hindi maganda ang imahe ng kanyang mga magulang sa ibang tao. Kilalang lasinggero ang kanyang tatay at matagal ng sumama sa ibang lalaki ang kanyang nanay. Dahil dito takot na sa ibang tao si Kyle hindi ito nakikipagkaibigan sa iba maliban sa kababata nyang si Haslie na simula pa man noon ay kalaro, karamay at parang kapatid na nya hanggang sila ay lumaki sila lagi ang magkasama. Parang laging nakatago sa anino ni Haslie si Kyle at parang nagsisilbing Night and Shining armor ni Kyle si Haslie.
Hanggang sa isang araw habang hinihintay ni Kyle si Haslie sa isang parke ay may lumapit ditong babae, nakajacket, katamtaman ang tangkad na may bilugan at maamong mukha. Nagpakilala ito kay Kyle bilang Maegan. Biglang kaba at ilang ang naramdaman ni Kyle, naging mailap at hindi pinansin ni Kyle si Maegan sapagkat may takot parin ito sa mga taong nakakasalamuha nya. Puro negative thoughts ang iniisip nito at pakiramdam nya ay ipapahiya sya ng binibining asa harapan nya.
Nang biglang dumating si Haslie biglang lumapit si Kyle ito at sinabihan na umalis na sila. Ngunit imbis na sundin ito ni Haslie ay pumunta ito kay Maegan kay at ipinakilala ito kay Kyle bilang bagong nyang kaibigan.
Gusto kasi ni Maegan anyayahan si Kyle sa art exhibit nagagawin ng kanilang club sapagkat natuklasan nyang magaling si Kyle sa pagguhit at pagpipinta. Malaking pera kasi ang pwede nilang makuha sa event na iyon na pwede nila idonate bilang project ng kanilang Art Club. Ngunit hindi ang naging sagot ni Kyle.
Kinabukasan at sa mga sumunod pang-araw ay hindi parin tumigil si Maegan sa pagkumbinsi kay Kyle na sumali. Ginawa nito ang lahat upang mamotivate si Kyle hanggang sa dumating ang araw na pumayag na ito.
Nang pumayag na si Kyle na sumali ay agad nya itong pinakilala sa Art club nila. Nung una ay kinabahan si Kyle sapagkat puro negatibo ang iniisip nito ngunit nabunutan sya ng tinik sa dibdib ng magiliw ang pagtanggap sa kanya.
Nagsimula silang gumawa ng ibat ibang sining. Pagguhit, pagpipinta, at iba pa. Ginugol nila yun sa loob ng isang buwan at sa loob ng isang buwan na yun ay tila nakalabas si Kyle sa dilim na kanyang pinagdadaanan. Naramdaman niya ang tunay na saya makisalamuha sa iba ng walang takot. Natutunan nya na sa kabila ng lahat may dahilan parin sya para sumaya at magkaroon ng iba pang kaibigan kaya malaki ang pasasalamat niya kay Maegan sapagkat hindi niya tinigilan si Kyle na kumbinsihin noon.
Sa kabilang banda masaya si Haslie para dito ngunit di maiwasang makaramdam ng lungkot si Haslie sapagkat simula pa ng una ay nanjan sya para kay Kyle ng mga panahon nag-iisa ito at nalulungkot pero wala sya sa panahon na masaya na si Kyle. Bagamat palagi parin silang magkasama at nandun parin ang kanilang pagkakaibigan ngunit parang nag-iba.
Parang dati ay puro problema at lungkot ang naikukwento ni Kyle kay Haslie ngunit ngayon ay masasayang mga bagay na na laging banggit ang pangalan ni Maegan. Medyo malungkot ito para kay Haslie sapagkat simula pa lang ay sya ang kaibigan nito pero hindi sya ang dahilan kung bakit ito sumaya ng ganito.
Dumating ang araw ng exhibit at marami ang namangha sa mga likha ni Kyle maraming bumili dito. Sobrang tuwa ni Kyle sapagkat puro positibi ang kanyang naririnig hindi tulad na dati na puro lait at pangbubully ang natatanggap nya. Pero nakaramdam ito ng lungkot ng hindi makita si Maegan sa exhibit.
Kinabukasan nalaman na lang nya na sinugod sa ospital si Maegan. Agad naman nilang dinalaw si Maegan, inatake daw kasi ito ng ulcer ng araw na iyon kaya sa napa ospital.
Kinabukasan, inimbitahan ng kanilang eskwelahan si Kyle na sumali sa isang Art contest. Kinabahan ito dahil hindi ito simpleng paglikha ng sining ngunit isa itong patimpalak. Ngunit minotivate ito ni Maegan upang sumali dahil gusto nyang manood at kailangan nyang manalo sapagkat naniniwala syang kaya ito ni Kyle.
Dumating ang araw ng contest ni Kyle, nagwagi ito ngunit hindi sya lubos na masaya kasi hindi nya nakitang pumunta si Maegan upang makita ang kanilang pagkapanalo. Nang biglang lumapit kay Kyle si Haslie na binati ito sa pagkapanalo. Ngumiti si Kyle at nagpasalamat ngunit nagtataka ito kung bakit malungkot ang mga mata ni Haslie. Tinanong naman ito agad ni Kyle kung bakut ganun ang kanyang emosyon, hindi ba sya masaya na nanalo siya. Ngunit hindi ito nagsalita, bagkus ay humagulgol ito ng iyak. Agad namang kinabahan si Kyle at niyakap si Haslie upang patahanin at tinanong ito kung bakit.
Hindi nakagalaw at nakapagsalita si Kyle at may luhang pumatak sa kanyan mata ng sabihin ni Haslie na wala na si Maegan. Patay na ito.
Nang araw din na iyon nalaman nila na may malubhang sakit si Maegan kaya lagi din syang nakajacket sapagkat tinatago nito ang kanyang mga sugat at pasa dahil nung araw na napa-ospital sya ay inatake sya ng sakit nya sakit na nakuha nya sa pagmamaltrato sa kanya ng mga umampon sa kanya sapagkat ulilang lubos na si Maegan. At yung perang nalikom sana nila sa exhibit ay gagamitin para maoperahan sya ngunit hindi na nya ito ginamit. Tanggap na nya na mamamatay sya at masaya parin sya dahil nagawa niyang magpasaya ng ibang tao, nagawa niyang magpasaya kahit hindi maganda ang buhay nya. Dahil sa bagay na yun dun masaya si Maegan.Sobrang lungkot ng naramdaman ni Kyle sapagkat ang taong nagmomotivate sa kanya ay may matindi palang pinagdadaanan. At nanghinayang ito sapagkat hindi nya nasabi kay Maegan na mahal na mahal na nya ito.
Lumipas ang mga araw simula ng pagkamatay ni Maegan ay nangungulila si Kyle dito kaya naisipan niyang pumunta sa art club room nila upang alalahanin ang masasayang pinagsamahan nila doon. Nang biglang may makita si Kyle na liham sa gamit ni Maegan na nakasaad na ito ay para sa kanya. Agad naman niya itong binasa.
~~~~~
"Hello Kyle, siguro kung mababasa mo ito wala ma ako pero sana mabasa mo ito. Gusto ko lang sabihin na sana wag ka nang bumalik sa dating ikaw na nagkukulong sa takot kasi hindi lang ikaw ang may pinagdadaanan sa buhay dapat lagi ka lang positibo at magpatuloy sa buhay kung saan ka masata. Wag kang matakot gawin ang gusto mo kasi ako...
Masaya ako ngayon kasi nagawa ko yung matagal ko ng gustong gawin na dapat dati pa. Ang magpakilala sayo. Matagal na kitang gusto ngunit diko magawang magpakilala sayo kaya nagpatulong ako kay Haslie. Gusto kong sabihin na mahal kita pero masaya nako ngayon na kahit papano bago ako mawala ay nakasama kita.
Hiwag ka sanang magalit sakin kasi itinago ko ito sayo at wag ka sanang malungkot kasi wala na ako kasi masaya na ako ngayon. Nawala 'man ako, nandyan parin si Haslie, siya talaga yung laging namdyan para sayo kaya habang nakakasama mo siya sulitin mo yung mga oras ng masaya. Kasi nandyan sya palagi para sayo."
Nagmamahal,
Maegan
~~~~~~Pagkabasa nito ni Kyle habang naglalakad sa daan ay may tumawag sa kanyang pangalan. Bigla itong naluha at napangiti ng makita si Haslie na palapit sa kanya.
Napagtanto nya na sa kabila ng lahat napakaswerte nya dahil may isang taong nagstay sa kanya sa kabila ng lahat at hindi sya iniwan.
~WAKAS~
#ALVAREZ
#WRAONESHOT
#WRA32NDMONTHSARY
![](https://img.wattpad.com/cover/232027503-288-k457813.jpg)
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary)
ContoWattpad Royal Academy 32nd Monthsary Celebration: One-Shot Story Making Contest Entries held last June 16, 2020