Entry #10: "Itsura"

5 3 1
                                    

🥀ONE-SHOT STORY MAKING CONTEST🥀

"ITSURA"
Written by: VanzSalvadz_9

"Ayan na ang aswang!" -sigaw ng mga bata ng makita akong dumaan sa gilid nila.

"Aswang! aswang! aswang!" -sigaw nila ng paulit-ulit hanggang sa makalayo ako sa kanila.

Hindi ko sila masisi kung tingin nila sa akin ay isang aswang dahil makikita naman sa aking hitsura.

Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso ako sa aking kwarto para doon ibuhos ang lahat ng bigat sa aking dibdib.

Hindi pa ako nakapagbihis ay dumiretso ako sa aking kama at doon umiyak ng umiyak. Tumigil lang ako ng marinig kung kumatok si mama sa pinto ng aking kwarto.

"Alexa! Can we talk?" Tanong ni mama sa labas ng aking kwarto dahil diko pa sya binuksan ng pinto.

Mabilis kung inayos ang aking mukha, bago ko siya pinagbuksan ng pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay mabilis akong tumalikod kay mama at nagkukunwaring may hinahanap.

"May problema po ba?"- tanong ko sa kay mama habang nakatalikod parin sa kanya.

Narinig kung umupo si mama sa aking kama.

"Naisip lang namin ng papa mo na lumipat tayo ng bahay, kung saan malapit sa lola mo." sagot ni mama.

"Tapos?" Medyo irita kung tanong dahil alam kona kung saan hahantong to.

"Alam mo namang may sakit ang lola mo at ang papa mo lang natitirang anak ng lola mo na andito sa pilipinas.   Sana anak maiintindihan mo ang papa mo kung lilipat tayo." Pagsusumamo ni mama.

Tumigil ako sa aking ginagawa at humarap kay mama.

"Dahil po ba kay lola o dahil sa'kin?"-deretsa kung tanong.

Hindi naman ganito si papa eh! Nong dati nagkasakit si lola hindi niya naisipang lumipat kami. Pero ngayon pa kung kelan naka-adjust na ako sa pangungutya ng ibang tao ngayon pa naisipang lumipat.

"Alexa, hindi sa ganoon! Iniisip lang din ng papa mo ang kalagayan mo!" Paliwanag ni mama.

"Ma, kahit saan man ako tumira kukutyain parin nila ako at walang makikipag-kaibigan sa'kin dahil sa itsura ko." Sagot ko kay mama.

Natahimik si mama siguro iniisip niyang tama ang sinasabi ko. Sino ba namang hindi kukutyain dahil sa itsura kung mukhang mangkukulam matangos nga ang ilong marami namang tagyawat at higit sa lahat parang bampira dahil sa ngipin ko na nag-uunahang tumubo. Napasinghap na lamang ako ng maisip ko ang aking itsura.

Lumipas ang isang buwan at paalis na kami sa dati naming tinitirhan wala akong magawa sa desisyon nila mama at papa na lumipat kami kung saan malapit sa bahay ni lola. Dahil kung magpapa-iwan ako dito mag-isa sa bahay ay siguradong hindi aalis sila mama at papa. Hindi naman ako ganun kasama para pilitin ang gusto ko.

Nabg makarating kami sa bago naming titirhan ay nakapanglumbaba akong bumaba sa sasakyan habang tinitingnan ang magagandang bahay sa aking harapan. Hindi ako magiging masaya kahit tumira pa ako sa ganito kagandang bahay kung takot lahat ng mga tao sa aking itsura.

Napalingon ako sa kabilang side at ganun na lamang ang aking pagtigil ng may makitang isang lalaking nakatitig sa akin. Nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad siyang nag-iwas.

"Tsk! Alam kung panget ako di muna kailangang soguraduhin." Kausap ko sa aking sarili.

"Alexa, Okay ka lang ba? Bat nagsasalita ka mag-isa dyan? Nagtatakang tanong ni mama.

One-Shot Story Making Contest (32nd Monthsary) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon